Chapter 25

3.5K 54 4
                                    

Kali's POV

Nang makarating sa University ay agaran akong bumaba sa kotse ni Jon, hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ko. Umalingawngaw na naman ang mga bulungan, nakakairitang marinig ang kunyareng bulungan nila pero sa totoo lang ay dinig na dinig ko naman.

Napabuntong hininga ako dahil tulad ng inaasahan, pag-uusapan ang pagsakay ko sa kotse ni Jon at malamang din pinag-uusapan na nila ang ginawang pagpapalayas sa akin. Ano pa nga bang aasahan ko sa bibig ni Bea?

Iniisip ko na huwag nalang silang pakialaman ngunit masyadong nakakarindi sila sa tenga. Nakakairita rin ang katotohanang ang iba sa sinasabi nila ay hindi totoo.Kaya naman hinarap ko ang isa sa mga tsismosa. Bibigyan ko sila ng sample para naman matahimik sila at mabawasan ang mga kalahi ni Bea sa mundo.

Pasimple kong kinalabit ang isang babae. Agad ko naman itong namukhaan. Ito yung babaeng takot na takot dati ng mabangga ako. Dapat pala hindi ko lang siya pinaglinis sa daanan ko dapat ang ginawa ko sakanya ay pinahirapan ko araw araw.

"Bakit?"-mataray pa niyang tanong ngunit ng napagtanto niyang ako ito ay bigla siyang namutla. " M-miss K-kali? B-bakit p-po?"-tanong niya. That's it manginig ka sa takot dahil ako ang kaharap mo!

"Anong pinag-uusapan niyo? Ako ba? Buhay ko ba?"- diretsa kong tanong .

Hindi naman siya sumagot sa halip ay nanginig siya sa kinatatayuan. Wala pa nga akong ginagawa ngunit nanginginig na siya. Baka mahimatay na siya pag nalaman niya kung ano ang magiging parusa niya.

“Ahh mukhang ako nga. May hindi paba kayo nalalaman?”-sarkastika kong wika.  “Ayy oo ito hindi niyo pa ito nalalaman”-dagdag ko pa. “I'M BACK! KALI DEL VEGA IS BACK!”- may awtoridad kong sabi na mas lalong ikinatakot niya.  "At simula ngayon lilinisin mo ang Cr sa 4th floor ng 3rd year. At kung hindi mo man iyon magawa pasensiya kana pero kailangan mo ng umalis sa eskwelahan na ito!"- sambit ko at agad na tumalikod.

Hell yeah I'm mean right now but I really don't care.

Paglingon ko ay nabungaran ko naman ang mga estudyanteng nanonood sa eksenang nangyari kaya tinaasan ko sila ng kilay. Nagsialisan naman sila, takot matulad sa kaawa-awang babae.

Tignan lang natin kung hindi pa nila ako katakutan. Isa sa mga pinakamahirap na parusa ang binigay ko sa babae kanina. Dahil sa pagkakaalala ko last time na may binigyan akong ganyang parusa , wala pang isang buwan ay agarang lumipat ng eskwelahan yung estudyante. Balita ko ay binully siya ng mga 3rd year students. Marami kasing bully doon kaya hindi na ako magtataka kung wala pang isang buwan ay magkaripas na sa pagtakbo iyon palabas ng eskwelahang ito.

May nalaman pa pala ako bukod sa mga nakalap ko nitong nakaraang araw. Nalaman ko lang naman na kaya pala hindi ako napapaalis sa eskwelahang ito dahil hindi  nakakarating sa may-ari ng eskwelahan ang pambubully ko sa mga estudyante ay dahil pinagtatakpan ni Jon ang lahat. Bago paman mapabalita sa daddy niya, which is one of the owner of this school, ay hinaharang na niya kaya ayun hindi nakakarating.

Nang dumating ako sa room ay lihim akong napangisi. Sapagkat walang makatingin sa akin ng deritso lahat sila ay nakayuko. Mukhang nabalitaan na nila ang ginawa ko kanina. At mukhang wala na atang maglalakas loob na kalabanin pa ako.

Umupo ako sa upuan ko and as usual wala na namang nakaupo sa katabing upuan ko maski sa likurang upuan ko, except kay Jon. Napairap nalang ako.

Buong maghapon kong hindi pinapansin si Jon. Anong akala niya okay na kami? Hell may kasalanan pa siya.

Tahimik akong naglalakad nang biglang makasalubong ko si Charity. Akala ko ay nagkasalubong lang talaga kami. Ngunit nalaman kong ako talaga ang sadya niya nang bigla siyang huminto.

Baka naman makikibalita siya sa life ko.

Hindi ko maiwasang maisip iyon. Kaya bago pa siya makapagsalita ng kung ano ay inunahan ko na siya.

"Ano? Masaya kaba sa mangyayari sa buhay ko? Masaya ba kayo dahil sirang sira na ako! Huh?"-bumalik na naman yung damdamin na nag-aapoy ako sa galit. Hindi ko lang talaga maiwasang magalit kapag naiisip ko yung mga panahong walang wala akong makakapitan ngunit pinili niya rin akong iwan.

Nagulat ako sa sumunod na ginawa niya. Lumuhod siya sa harapan ko habang lumuluha.

Yung kaninang galit ay biglang nawala lahat. Hindi ko maatim na makita siyang umiiyak mismo sa harapan ko. Gusto ko nalang rin umiyak at yakapin siya. Ngunit pinipigilan ko lang ang sarili  sapagkat baka kung anong palabas na naman ito at sa huli ay maloko na naman ako.

" Sorry Kali, sorry sa lahat lahat!"-hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ito yung hindi ko napaghandaan, dahil hindi ko alam na maaari itong dumating, maaaring umabot sa puntong hihingi siya ng tawad.

Nabali ko na naman ang ilang beses Kong pangako sa sarili. Sapagkat ngauon, umiiyak na naman ako habang nakatingin sa bestfriend kong nagmamakaawa.

Namalayan ko nalang na niyakap ko siya. Parang lahat ng galit na nabuo simula noong tinalikuran niya ako ay nawala lahat. Hindi ko pala kayang makita siyang umiiyak. Simula pagkabata ay siya na ang naging takbuhan ko sa lahat ng problema ko.

"Sorry Kali kung mas pinili ko pang paniwalaan si Bea kaysa sayo. Mas pinili ko pang paniwalaan ang lahat ng mga kasinungalingan niya kaysa sayo na kilala ko.Sorry sa lahat ng mga nasabi ko.Alam kong hindi mo agad ako mapapatawad dahil sa lahat ng nagawa ko pero hihingi parin ako ng tawad. Patawarin mo ako sa lahat ng mga nagawa ko. Sobra sobra akong nagsisi sa mga ginawa ko. Hinayaan kitang harapin ng mag-isa lahat ng pagsubok na ito. Wala akong kwentang kaibigan. Wala akong kwentang tao, patawarin mo ako."-sambit nito habang umiiyak. Kitang kita ko naman ang sensiridad sa bawat paghingi niya ng tawad.

Tao lang ako nagagalit, nasasaktan ngunit nagpapatawad. Alam ko na sobrang bilis ko na namang magpatawad ngunit anong magagawa ko mahal ko ang kaibigan ko. Kaya naman heto ako ngayon pinapatawad siya at nagtiwala na naman.

Agad akong tumayo " Tumayo kana Charity!"-sambit ko habang pinupinasan ang mga luha ko.

"Alam kong hindi mo ako kayang patawarin kaya aalis muna ako. Maghihintay ako kung kailan mo ako kayang tanggapin at patawarin. Sorry Kali sa lahat ng nagawa ko!"-akmang tatalikod na ito ng pinigilan ko siya.

"Wait!"-huminga muna ako ng malalim. " Pinapatawad na kita Charity!"-parang nabunutan ako ng tinik. Parang biglang nawala yung lahat ng bigat dito sa kalooban ko. Sana nga magwakas na yung ilang taong sakit ng loob kong dinala.

--------------
A/N

Sumasakit puso ko🙁
-(Lourge, 2020)









A Daughter Seeking For Love and AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon