Chapter 23

3.2K 55 1
                                    

Jon's POV

Fuck. Hindi ko alam ang gagawin ko. She's really mad at me!

Nagawa ko lang iyon dahil sa katangahan ko. I'm so selfish. Tinakot ako ni Bea na pag hindi ko daw kinausap ang prof namin at binayaran para ibagsak si Kali ay ilalabas niya iyung video.

Kinuha ito noong first grading examination. Kuhang kuha sa camera na nagchecheat ako. Ginawa ko lang iyun para makapasa at mapunta sa highest section. Natupad naman ang pinapangarap ko at sa wakas napansin din ako ng taong gusto ko. Nagawa ko ito dahil gusto kong mapansin ako ni Kali but fuck dapat pala hindi ko na iyun ginawa dahil ngayon masasaktan siya dahil sa akin.

Last week noong palagi akong umaalis ay nakikipagkita sa akin si Bea. Noong una hindi ako pumunta at pumayag ngunit ng sinabi niya sa akin yung tungkol sa video ay nagkipagkita na ako sakanya.

Sinabi niya sa akin na kausapin ko daw ang professor na ibagsak si Kali  ako lang yung tanging makakagawa noon dahil isa sa mga nagpatayo nitong university nato ay ama ko. Noong una galit ko itong tinanggihan ngunit tinakot niya akong ipapakita niya kay Daddy ang video kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod kahit labag sa loob ko. Alam kong duwag ako dahil hinayaan ko na masaktan ang babaeng mahal ko. At dahil doon sobrang pinagsisisihan ko ang naging desisyon ko.

Nagmadali akong bumaba ng kotse ng makarating ako sa tapat ng bahay nila Kali.

Agad na naagaw ang atensiyon ko ang mga damit na nagkalat sa labas ng gate nila Kali.

"Anong ginagawa mo dito?"-hinarap ko ang nagsalita ng makalapit ako sa gate. Napagtanto ko namang si Clyde iyun.

" Nasan si Kali?"-kalmado kong tanong.

"Wala siya dito pinalayas na siya!"-nanlaki ang mata ko sa narinig at hindi makapaniwala. Shit ano na naman ito!

" Tapos wala kalang ginagawa? At mas kinakampihan mo pa iyang Bea nayan kaysa maghanap kay Kali. Pero wag kang mag-alala hindi ko kailangan ang tulong mo sa paghahanap sakanya!"-sambit ko at tuluyang nilisan ang lugar na iyun.

Agad kong pinaharurot ang sasakyan  at hinanap siya sa bawat lugar na madadaanan ko.

Asan ka na ba Kali?

Pag may nangyari talagang masama sakanya hinding hindi ko  mapapatawad ang sarili ko. Habang buhay kong pagsisisihan ang naging desisyon ko.

Malapit nang maghatinggabi ng mapagdesisyonan kong umuwi at manghingi ng tulong sa mga magulang ko upang mahanap si Kali. Malawak ang koneksyon nila sa lugar na ito kaya alam kong maaari nila akong matulungan.

Hindi pa nila nakikikilala si Kali ngunit ilang beses ko ng nakwento siya sakanila kaya malamang tutulungan nila ako.

Agad akong bumaba ng sasakyan nang makarating ako sa bahay. Hindi ko na napansin ang paligid ko dahil sa sobrang pagmamadali ko. Lakad takbo ang ginawa ko upang agad na makadating sa silid ng mga magulang ko.

Si mommy lang ang sigurado akong nasa bahay ngayon dahil umalis noong nakaraang araw si Daddy para sa business trip sa Thailand kaya agad akong dumiretso kay Mom upang kausapin siya.

"Mom!"-tawag ko sakanya.

" Gracious son where have you been? Pinag-alala mo ako!"-agad nitong sambit at nilapitan ako upang yakapin. Gumanti naman ako ng yakap sakaniya.

"Mom I'm sorry if ngayon lang ako but I need your help Mom! Pinalayas ang kaibigan ko at ngayon hinahanap ko siya ngunit hindi ko siya mahanap. I'm worried Mom!"-sambit ko.

" A friend? Babae o lalaki?-makahulugan nitong tanong.

"Babae!"-deritso kong sagot.

Tumango tango siya. " Maybe it's the girl you keep telling me huh?"- batid kong tinutukso niya ako. Ngunit hindi ko kayang makipagsabayan ngayon dahil sobra sobra akong nag-aalala para sakanya.

"Yes but Mom mamaya mo na ako tanungin ng tanungin please Mom use your connections and Dad's connections para madali siyang mahanap!"

"Mukhang importante talaga siya sayo huh? Sige don't worry gagawin ko yan but speaking of your dad nakarating na siya nasa guestroom siya dahil may bisita siyang kinakausap puntahan mo muna siya!"-sambit nito.

Nabigla ako, hindi ko siguro napansin na nandito na ang kotse niya dahil sa pagmamadali ko. But it's a good thing na nandito siya dahil alam kong matutulungan niya rin ako, dad is a good person I know na tutulungan niya ako.

" Sige mom."-sambit ko at agad siyang hinalikan sa pisngi.

Sobrang nag-aalala talaga ako kay Kali damn this is all my fault.
Kung hindi ko lang siguro yun ginawa maaaring masaya parin kami ngayon pero dahil sa kaduwagan ko nagkamali ako ng desisyon. Habang buhay ko talagang pagsisisihan ang lahat pag hindi ako nakahingi ng tawag sakanya.

Alam kong sa mga oras na ito ay umiiyak siya dahil sa sakit na nadarama niya. Maisip ko lang ma umiiyak siya dahil sa ginawa ko ay gusto kong gulpihin ang sarili ko at pagsusuntukin. Ano bang pumasok sa isip ko at naisipan ko yung gawin?

Dahil sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na nandito na pala ako sa harap ng guestroom kung saan nasa loob daw si Dad. Sino kayang bisita niya? Baka naman ka sosyo niya sa negosyo.

Kakatok na sana ako sa pintuan ngunit nakadinig ako ng pamilyar na tinig na kausap ni Dad.

Kaya kahit magmukha akong chismoso at bastos dito ay pinili ko paring makinig sa usapan nila. Hindi ko lang talaga mapigilan ang makinig. Dinig na dinig ko kasi ang pamilyar na boses ng kausap ni Dad.

"Stay here as long as you want! And also feel at home iha."-sambit ni Dad. Sino kaya ito? Mukhang close na close kasi sila ni Dad. Knowing dad may pagkapormal yan kung makipag-usap sa harap ng tao pero the way siya magsalita sa taong kausap niya ngayon parang, parang matagal na silang magkakilalang dalawa.

" Maraming salamat talaga Tito! Sobrang bait niyo talaga sa akin!"-bigla akong natigilan  ng marinig ko ang boses ng kausap ni Dad.

Is that?

Impossible anong ginagawa niya dito? Matagal na kaya silang magkakilala ni Dad?

-----





A Daughter Seeking For Love and AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon