Chapter 10

2.9K 60 1
                                    

Kali's POV

Pagod na pagod akong naglalakad sa hagdan. Papunta ako sa kwarto ko ngayon and speaking of pagod na pagod, sobrang nakakapagod ang naging araw ko ngayon.

Sino ba namang hindi mapapagod? Nagsimula na kasi ang practice namin para sa sportfest. Malapit na kasi ito kaya kailangan naming magpractice ng maigi.

At gaya ng palagi kong sinasalihan na sport, badminton ang event ko ngayon.

Papasok na sana ako ng kwarto ngunit natigil ito ng tawagin ako ni Mommy.

"Kali balita ko nagsimula na yung training para sa sportfest niyo!"

"Ahhh opo Mommy next month napo kasi ang sportfest!"-sagot ko. Parang alam ko na kung anong susunod na sasabihin ni Mommy.

" At anong sinalihan mo?"-napayuko ako sa katanungan iyon.

"Badminton po."-nanatili akong nakayuko. Hayss alam ko na ang susunod na mangyayari.

" Diba sabi ko sayo gymnastic ang kuhanin mo, hindi ka gumaya sa ate mo!"

"Ehh mommy sinubukan ko naman eh pero kahit anong gawin ko hindi ako qualified!"-sagot ko totoo Naman ilang beses akong nagtry out ngunit palagi akong narereject.

Sinusubukan kong magtry out para sakanila hindi para sa sarili ko. Ngunit kahit anong gawin ko hindi parin ako matanggap.

" Sinabi ko naman sayong magtraining ka ng maigi diba? Tingnan mo nga yung ate mo at si Yancy pareho sila gymnastic dahil pareho silang magagaling! Ikaw ano nga ulit yung paulit ulit mong sinasalihan? Badminton?  Napakawalang kwenta!"-sigaw ni Mommy. Sa puntong ito ay para akong nanliit.

"Mommy sinubukan ko naman eh! Binigay ko naman yung best ko pero wala talaga! Hindi talaga ako matanggap tanggap!"-naiiyak kong sagot, palagi nalang kasi nila akong kinukompara sa dalawa kong kapatid.

" Pwes hindi pa sapat yung best mo! You're such a failure! Kahit kailan hindi ka magiging katulad ng dalawa mong kapatid!"-sigaw nito.

"Mommy diba ikaw na nga ang nagsabing hindi nila ako magiging katulad. Pero bakit patuloy niyo paring pinipilit sa akin yung mga bagay nayan! Mommy magkaiba kami ng hilig, hindi kami pareho. Kaya sana maintindihan niyo ako!"-umiiyak kong sagot hindi ko na talaga napigilan sobrang sakit na araw araw nilang pinapamukha sayong failure ka at napakawala mong kwentang tao.

" At ngayon sumasagot kana!"-sigaw nito.

" Hindi naman ganon yun eh, sinasabi ko lang yung nararamdaman ko! Wag naman sana kayong magalit sakin. Hayaan niyo akong magdesisyon sa sarili ko, hindi na kasi ako bata!"-sagot ko. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang lakas ng loob kong sabihin ang lahat ng ito Kay Mommy.

" So ayaw mo na pakialaman ka namin?"

"Hindi ganon yun ang gusto ko lang piliin yung mga gusto ko! Alam mong simula noong bata ako palagi kong  sinusunod yung mga gusto niyo kahit hindi ako masaya, kaya sana lang pagbigyan niyo na ako sa mga gusto ko! Wag niyo naman sanang ma misunderstood yung mga sinasabi ko!"

" Pinapamukha mo sakin na hindi ka naging masaya dahil sinusunod mo yung mga gusto ko, namin ng daddy mo huh?"

"Hindi mommy masaya ako na nasusunod ko yung mga gusto niyo. Na kahit sinasaktan niyo ko mapasaya ko lang kayo okay lang sakin. Dahil mahal ko kayo kaya lang malaki nako kahit ngayon lang hayaan niyo kong mamili!"

"So sinasabi mong wala akong kwentang Ina! Wala kaming kwentang magulang! Binuhay kita kahit alam kong delekado dahil maaari akong mamatay! Tapos ngayon sasagutin mo ako dahil hindi ka naging masaya huh?"

"Mommy hindi ko nakakalimutan yan palagi kong natatandaan yan na kailangan ko kayong bayaran dahil pinanganak niyo ko at nagpapasalamat ako doon. Pero mhie just for once palayain niyo muna ako!"-pagmamakaawa kong sambit. Sakal na sakal nako.

" Bakit nasasakal kana? Sige, yan ang gusto mo? Ang hindi na kita pakialaman sige, hahayaan na kita. Gusto mo magrebelde? Sige lumayas ka, pero tandaan mo wag na wag ka ng babalik dito. Pero wag na wag ka ng umasa na meron pang magulang na mangingialam sayo!"-sigaw nito.

Sasagot na sana ako ng makita kong bigla siyang napahamak sa dibdib niya. Bigla akong nanginig sa takot.

"Mommy! Mommy okay kalang po ba?"-alala kong tanong at akmang lalapit sakanya ngunit bigla siyang sumigaw.

" Wag na wag kang lalapit sa akin! Dahil hindi ko kailangan ang tulong mo wala kang kwentang anak!"-sigaw niya na ikanapanlumo ko ngunit kahit ganon ay patuloy ko paring inaabot ang kamay nito.

Hindi ko na pinansin pa ang mga masasamang salita na sinambit niya. Ang mahalaga walang mangyaring masama sakanya kahit naman sinasaktan nila ako at kinakawawa mahal ko parin sila. At paulit ulit na pagmamahal ko para sakanila ang mangingibabaw.

Paulit ulit kong nilalapitan si mommy para alalayan ngunit pilit niya akong tinataboy. Umiiyak nako dahil baka may mangyaring masama sakanya at kasalanan ko kapag nangyari ito.

"Lucia!"-nanigas ako nang marinig ko ang sigaw ni Daddy. Humahangos itong lumapit sa amin. " Kali ano na namang ginawa mo huh? Diba sinabi ko sayong wag na wag mong gagalitin ang Mommy mo!"-sigaw nito habang dinuduro ako wala akong nagawa kundi yumuko.

Nilagpasan ako ni Daddy at dali daling binuhat si Mommy. Sinundan ko sila hanggang sa isakay niya si Mommy sa kotse.

Sumakay din ako sa kotse na ginagamit ni Mang Eddie! Agad din naman niyang sinundan silq Daddy.
Pagkadating na pagkadating namin ay patakbo akong pumasok ng hospital, hindi ko nadin nadatnan sila Daddy sa labas.

"Kali anak papasok kaba talaga? Alam mo naman siguro kung anong gagawin sayo ng daddy mo diba dahil sa nangyari?"-alalang tanong ni Mang Eddie.

Alam kong pagagalitan na naman ako at pagsasalitaan ng masasakit na salita. Ngunit kahit ganon hindi ko kayang maghintay nalang dito sa labas habang hindi ko nalalaman kung ano ang kalagayan ni Mommy sa loob.

" Mang Eddie alam niyo namang hindi ko matitiis na tumunganga nalang dito sa labas , habang hindi ko alam ang kalagayan ni Mommy diba?"-malungkot kong sambit dahil hindi ko alam kung among pwedeng mangyari kay Mommy dahil sa ginawa ko. Kasalanan ko talaga lahat ng ito.

"Napakabuti mong bata, hindi ko alam kung paano yan naaatim ng magulang mo na saktan ka! Sobrang swerte nilang naging anak ka nila. At isa pa kilala kita Kali, tandaan mo wag na wag mong sisisihin ang sarili mo sa mga nangyari dahil wala kang kasalanan. Naiintindihan kita!"-sambit ni Mang Eddie

Tumango tango nalang ako kahit ang totoo patuloy kong sinisisi ang sarili ko sa nangyari kay Mommy ayaw ko lang talaga na pagalalahin siya.

Tama na yung isang taong maaaring mapahamak dahil sa kagagawan ko.

Nagpaalam nako sakanya at agad na pumasok sa loob ng hospital. Sana walang mangyaring masama kay Mommy dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Ito yung iniiwasan kong mangyari kaya ayaw kong sinasabi kay Mommy yung tunay kong nararamdaman. Katulad nalang ngayon inatake na naman siya sa puso dahil sakin. Dahil mas inuna ko payung gusto ko kaysa sa nararamdaman niya. Napaka selfish ko talaga, hindi ko man lang naisip si Mommy.

------



A Daughter Seeking For Love and AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon