Chapter 14

2.9K 63 0
                                    

Kali's POV
Hindi ko namalayan ang oras kaya ang resulta, late nakong nakauwi dahil ang gulo ni Jon, palagi niya kong ginugulo. Ang resulta ay pati puso at isip ko ay gulong-gulo nadin.

Nakakapanibago ang katahimikan sa buong bahay, maski tunog ng television na parati kong naririnig tuwing uwian ay hindi ko mahagilap ngayon. Pati ang nakakairitang tinig ni Ate Bea ay hindi sumalubong sa akin ngayon. Anong nangyayari at tila walang tao sa buong bahay?

Masyado naman sigurong maaga para magkulong sila sa mga kwarto nila?

Itinigil ko muna ang pag-iisip ng kung ano ano at umakayat nalang ako sa kwarto upang magbihis.

Kalahating oras na ako sa kwarto ngunit kataka takang wala man lang akong ingay na naririnig mula sa kani kanilang kwarto. Kaya sa kuryusidad ko, lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kwarto ni Yancy.

Ngunit pagkabukas ko pa lamang katahimikan na ang bumungad sa akin. Walang tao sa loob ng kwarto niya, kaya napagdesisyonan ko ring pumasok sa ibang kwarto para icheck kung may tao rin ba.

Ngunit gaya kanina wala ring tao sa mga kwarto nila.

Kaya bumaba nalang ako ng hagdan upang maghapunan na. Papasok na ako ng kusina ng makasalubong ko si Mang Eddie. Hindi ko nga pala siya nakita mula kanina dahil si Jon ang naghatid sa akin.

"Sus Ginoo!"-gulat nitong sigaw at humawak pa sa dibdib niya.

Agad ko naman itong inabutan ng tubig. " Okay napo ba kayo Mang Eddie? "-tanong ko sakanya.

"Oo, nagulat lang ako, bakit ka nandito? Hindi kaba sumama sakanila?"-tanong niya na ikinapagtaka ko.

Nagtataka ko naman siyang tinignan wala akong kaalam alam kung anong sinasabi niya.

"Huh? Hindi mo ba alam?"-may pagtataka rin niyang tanong.

" Ang ano po?"-balik ko ring tanong.

"May family dinner kayo, hindi ka ba sumama?"-tanong nito habang kinakamot ang ulo.

Doon ko lang naintindihan ang lahat. Kaya pala wala sila dito. Kaya pala dahil nagfamily dinner sila. And guess what? Hindi na naman ako kasama. w
Well ano na namang ineexpect ko? Kasama ba ako sa pamilya? Kahit kailan ba tinuring nila akong pamilya?

Hindi ko namalayang tumulo na pala yung luha ko, kaya dali dali ko itong pinunasan. Nag-aalala namang tingin ni Mang Eddie ang bumungad sa akin.

" Anak okay kalang ba?"-tanong nito habang tinatapik ang likod ko upang pakalmahin ako.

"Okay lang po ako!"-sambit ko para kahit papaano maibsan ang pag-aalala niya.

" Talagang okay nalang anak?"-muli pa nitong tanong.

Tumango tango naman ako. "Sige po akyat po muna ako sa kwarto naalala ko po may gagawin pa pala ako!"- usal ko at dali daling umakyat sa kwarto ko.

Okay lang ako! Magiging okay din ako. Sino ba naman ako para sakanila diba? Nagmumukha lang akong tanga kung iiyak ako. Hindi ka paba nasanay Kali ha? Hindi ka paba sanay na araw araw nilang pinadadama sayo na hindi ka parte ng pamilya. Na para kalang isang hangin na dinadaan daanan lang nila na parang walang pakiramdam. Kaya wag na wag kang iiyak Kali, maawa ka sa sarili mo wag na wag kang iiyak. Patuloy na pangungumbinsi ko sa sarili.

Pero kahit anong gawin kong pangungumbinsi, paulit ulit parin akong nabibigo. Paulit ulit parin akong sinusuway ng mga luha ko. Pilit parin silang kumakawala sa mga mata ko.

Ano bang nagawa ko? May nagawa ba akong malaking kasalanan para pagdusahan ko ito? May nagawa ba akong kasalanan para iparamdam nila sa aking nag-iisa ako?

A Daughter Seeking For Love and AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon