Chapter 13

2.9K 64 1
                                    

Kali's POV

Mag-isa akong naglalakad patungong room, dati na akong mag-isa ngunit bakit ngayon ay naninibago ako? Simula noong dumating sa buhay ko si Jon Carlos ay nawala ang katahimikang ninanais ko ngunit kahit gayun ay ipinagpasalamat ko pa.  Subalit dahil sa kawalanghiyaan ko ay itinulak ko pa siya palayo. Nararanasan ko na ulit ang dating katahimikan na gusto ko. Ngunit bakit hindi ako masaya? Bakit hindi ako kuntento nang wala siya?

Ito naman yung gusto ko diba, yung lubayan na niya ako para bumalik na naman sa dati yung buhay ko?! Pero bakit ngayon hindi ko magawang sumaya.

Ilang araw ko na siyang tinatawagan at tinetext ngunit hindi niya ako nirereplyan at palagi niyang binabalewala yung mga tawag ko.

Siguro nga ay ginalit ko siya.

Tanga kaba Kali sinong hindi magagalit na pagsalitaan ng ganon? Ikaw na nga ang pinagtanggol, ikaw pa ang nagagalit.

Napabuntong hininga nalang ako. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa room.

Nilibot ko ang paningin ko sa room at hindi ko siya nakita. Kaya walang gana akong umupo sa upuan ko.

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi parin siya dumadating. Nagsimula naring magturo ang professor namin pero hindi parin siya dumadating.

Mawawalan na sana ako ng pag-asa ngunit biglang may nagbukas ng pintuan at pumasok ang lalaking kanina ko pa hinihintay.

Bigla akong napangiti ng makita siya. Naglakad siya patungo sa gawi ko upang umupo.

Ngunit nawala yung mga ngiti ko nang sa iba siyang upuan umupo. Gusto ko man siyang kausapan ay parang nababahag ang sariling buntot sa tuwing makikita ko ang malamig niyang mga titig.

Wala na akong ibang nagawa kundi hintayin ang oras at makinig nalang sa professor namin.

"Class dismissed!"

Bigla akong napatayo nang marinig ito. Salamat naman at natapos din.

Agad kong nilapitan si Jon Carlos.

"Sorry!"-walang kahiya hiyang sambit ko, sandali lang niya akong tinignan pagkatapos ay nilampasan niya ako.

Ngunit hindi ako nawalan ng pag-asa sinundan ko parin siya. Dahil kung hindi ko ito gagawin ngayon alam kong mas lalaki pa ang sigalot sa pagitan namin.

" Sorry na Jon Carlos alam kong mali ako. Kaya sorry please pansinin mo na ako!"-sambit ko, ngunit katulad kanina dinedma lang niya ako.

Sobrang bilis niyang maglakad kaya halos tumakbo ako para Lang masundan siya.

Ngunit bigla akong napahinto nang makasalubong namin si Ate Bea kasama lang naman si Clyde.

"Owww ang magaling kong kapatid! Hindi ko alam na hobby mo na pala ang maghabol ng lalaki na hindi mo pag-aari! Well dati mo na pala yang hobby dahil paulit ulit mong hinahabol ang boyfriend ko na hindi naman sayo!"-nakangisi nitong sambit. Hanggang ngayon ay pinapamukha niya parin sakin na palagi kong hinahabol ang boyfriend niya.

Aba ulol magsama silang parehong traydor.

Pinilit kong hindi magpaapekto sa presensiya ni Clyde dahil hanggang ngayon ay naiilang parin akong makita silang magkasama kahit pa wala nakong nararamdaman para kay Clyde . " Well kung ako hobby ko na ang paghahabol ano naman sayo? Ang mang ahas? Tama nga ang mang ahas! Diyan ka magaling diba?"-nakangisi ko ring sambit pero sa loob loob ko gusto ko nang umalis dahil hindi ko gustong makita silang dalawa, nasasayang ang oras ko.

A Daughter Seeking For Love and AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon