Chapter 16

2.8K 65 1
                                    

Kali's POV

Tuesday ngayon at habang lumalapit ang exam namin mas lalo akong kinakabahan. Kung para sa iba binabalewala lang nila ang ganitong pagkakataon pwes ako hindi ko kaya.

Dahil pag bumagsak ako sa exam nato mahihirapan na akong makabalik sa highest section, ang section kung nasan ako ngayon at yun ang ayokong mangyari.

Kung kahapon Science ang nireview ko ngayon magrereview na naman ako ng dalawang subject , Mathematics and English , kailangan ko ng madaliin ang pag-aaral ko, wala na akong sapat na panahon dahil malapit na ang exam.

Katulad ng palagi kong ginagawa agad akong dumideritso sa library. Tuwing malapit na kasi ang exam hindi na muna nagtuturo ang mga teachers dahil pinagfofocus nila ang mga studyante sa pag-aaral sa darating na examination.

Umupo ako sa pinakadulong upuan para hindi ako madistorobo ng sino mang magtangka.

Dalawang makakapal na libro ang kinuha ko at pagkatapos ay binasa ko na ito.

Ilang oras pa ang lumipas at nanatili lamang ako sa gingawa ko ngunit nakakapagtaka na hindi man lang ako pinuntahan dito ni Jon.

Dahil tuwing ganitong malapit na maglunch at wala pa ako sa cafeteria o di kaya'y hindi niya ako makita dali dali na siyang pupunta dito sa library para hanapin ako dahil isa rin ito sa pampalipas oras ko.

Ngunit nakakapagtakang hindi ko man lang siya nakita ngayon.

Binalik ko nalang ang buong atensiyon ko sa binabasa ko dahil baka maya maya ay dumating din iyon.

Bigla namang sumilay ang ngiti ko nang makita ko ang isang lalaking palinga linga sa library at nang huminto ang paningin niya sa table na kinauupuan ko ay bigla itong ngumiti kaya sinuklian ko din siya ng isa pang ngiti.

Nagtatakbo naman siyang pumunta sa akin.

"Bakit ngayon kalang?"-bungad kong tanong sakanya.

" May ginawa pa kasi ako! Bakit hinihintay mo ako no? Namimiss mo ako!"-confident na naman niyang sabi. Lihim naman akong napangiti at iniwasan nalang yung sinabi niya dahil baka ano na namang kahanginan ang sabihin nito.

"Bakit ka nga pala pawisan?"-tanong ko sakanya dahil mukhang galing talaga siya sa isang marathon.

" H-uh ahh ehh nagtatakbo kasi ako dahil baka hindi na kita maabutan gusto ko kasing sabay tayong maglunch!"- mukha siyang tense ngayon.

Tinawanan ko naman siya dahil pulang pula ang mukha niya.

"Ano pang hinihintay mo! Tara na kumain na tayo kanina pa ako nagugutom!Basta libre mo huh?"-sambit ko at nauna nang maglakad.

" Hoy ano ba kasing iniisip mo kanina pa ako salita ng salita yun naman pala walang nakikinig!"-sambit ko at inirapan siya ngunit katulad kanina hindi na naman ako pinansin nito.

Aba aba sumusobra na siya. Siya na nga kinakausap siya pa itong snob.

Binatukan ko nga. Agad naman siyang natauhan at sinamaan ako ng tingin.

"Bakit mo yun ginawa?" -tanong nito.

"Aba at bakit hindi ko iyun gagawin? Kanina pa ako salita ng salita pero hindi mo naman ako pinakikinggan!"- mataray kong wika dito.

"Bakit sino bang may sabing magsalita ng magsalita ka diyan!"-sagot din nito. Binatukan ko siyang muli.

"Aray ko naman Kali! Kanina ka pa huh? Ang lakas mo pa namang mambatok!"-angal nito.

A Daughter Seeking For Love and AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon