Coke

8.3K 257 7
                                    

Zoey pov

"Hinayupak yung lalaking yun! Kapag nakita ko yun sa school sasapakin ko talaga siya!"

Nag mumok-mok ako dito sa kwarto ni Anne at ng ikwento ko dito ang nakita ko ay halos sumugod ito sa pad ni Blake kung hindi ko lang ito napigilan.

"Bestfriend okay ka lang ba?"

Tumango lang ako dito habang nilalantakan ang ice cream at cake ko.

"Naku! Talaga! Sisiguraduhin kong ipa bugbog yang si Blake kay Joshua"

Sumimangot lang ako at tiningnan itong nag papabalik-balik ng lakad sa kwarto nito.

Si Joshua ay ang kaibigan namin na may lihim na pag tingin kay Anne.

"Baka pag sinabi mo yung address ni Blake kay Joshua sa quiapo natin pulutin yung lalaking yun"

Napa kamot ng ulo si Anne at napa tawa dahil sa kawalan ng sense of direction ni Joshua.

"Hayaan mo sasamahan ko si Joshua para hindi maligaw yun"

Tumabi ito sakin at niyakap ako.

"Anne ang sakit, hindi ko alam na break na pala kami ni Blake"

Anne patted my back at ginulo ang buhok ko.

"Mawawala din yan Zoey, ikaw pa ba? Tsaka its his lost not yours and malamang sa malamang lalandi ka ulit, hindi man ngayon baka bukas?"

"Grabe ka ah!"

Tumawa lang ito at kinuha ang cake na nasa tabi ko.

Napatigil ako sa pag mo-momment ko ng biglang sumagi sa isip ko yung likod ng babaeng yun.

"Alam mo Anne ang ganda nung girl ang sexy pa nung likod niya"

"Totoo? As in nakita mo talagang half naked yung girl?"

"Oo, kamuntikan ko ngang ibato sa kanya tong cake eh"

Napa hawak ako sa likod ng ulo ko at may nakapa akong maliit na bukol doon.

"Bakit? Sobrang mahalay ba?"

"Hindi naman kaso binato ako nung mestisang hilaw na yun ng pamatay na sapatos"

Pinakita ko dito yung bukol sa ulo ko at natawa lang ito.

"Alam mo iinom mo na lang yan, bukas panigurado akong okay ka na"

"Malayo ang tindahan dito"

"Anong ginagawa ng motor ni kuya dyan?, Design?"

Hinampas ko ito ng unan bago tumayo at kinuha ang wallet ko.

Ako na ang nag drive ng motor dahil kung si Anne ang mag da-drive nun baka hindi pa kami nakaka alis sa bahay nito ay sumemplang na kami.

Ng maka rating sa tindahan ay agad na bumaba si Anne at bumili ng alak.
Bumaba na rin ako para bumili ng coke.

Kamuntikan na akong mapa atras ng makita kung sino ang isa sa mga tao sa tindahan.

Kung hindi pa ako hinila ni Anne palapit doon ay baka umalis na ako at iniwan ito sa tindahan.

"Anong bibilhin mo? Bumili na rin kaya tayo ng pulutan dito?"

Hinila ko ang laylayan ng damit ni Anne pero tinampal lang nito ang kamay ko
Kaya no choice ako at tumango na lang dito.

"Pabili ngang coke"

Hindi ko pinansin ang tingin ni Bella sakin at bumili na lang ng coke dahil hindi ako maka dighay sa dami ng kinain kong cake.

"Bigyan mo ng juice yan"

Napataas ang kilay ko na tumingin kay Bella, hindi porket isa ito sa tindera eh ito ang masusunod kung anong gusto kong bilhin.

"Ate coke po"

Hindi malaman ni ateng tindera kung sino ang susundin samin ni Bella at dahil customer ako at ako ang iinom, ako ang masusunod kaya kumuha ito ng coke.

"Juice ang ibigay mo dyan sarah"

"Pero ate"

"Walang malamig na coke"

Nag palipat lipat ang tingin samin ni Anne.

"Ah Zoey may coke pa naman sa bahay yun na lang inumin mo"

Hinila na ako ni Anne ng makuha ang alak at ito na ang nag start ng motor.

Bago kami umalis inirapan ko ito na sinagot niya naman ng pag taas ng kilay.

The Perfect Girlfriend (GxG)Where stories live. Discover now