Pssh!

5.7K 265 60
                                    


"Bear give me that!"

Pilit na kinikuha ko ang bola sa bibig ni Bear dahil oras na ng paligo nito.
Napansin ko si Bella na naka panlakad at palabas ng bahay.

"Aalis ka?"

Tanong ko dito at hinayaan na lang si Bear habang hinabol naman ito ni Kittles.

"Bakit?"

"Huh?"

Takang tanong ko dito at nag pagpag ng short

"Bakit ka nag tatanong?"

"Masama na bang mag tanong ngayon?, sige umalis ka na"

Tinalikuran ko na ito at pumunta kala Kittles na nag lalaro

"Parang nag tanong lang eh kala mo naman kung sinong kagandahan hmmp!"

Bubulong-bulong ko habang pinapasunod ang dalawang tsikiting ko. Narinig ko ang pag sarado ng gate at ang tunog sasakyan nito pa alis.

"Akala niya naman! aalis din ako, hmmp!"

Pumunta ako ng uni para sana humingi ng mga notes para maka pag review ako kahit nasa bahay lang.

Pag dating ko ng school halos lahat ng mga estudyante doon ay pinag titinginan ako at ng ma daanan ko ang bulletin board namin ay nabigla ako sa mga nakita.

Naka tingin lang ako sa mga posters na naka kalat sa kung saan-saang parte ng bulletin board and it really break my heart this time pero bakit?

"Im inlove with that biatch"

Sagot ko sa sariling katanungan.

A bet, it was all a bet.

I read the caption and look at the blurry face of Bella.

"She's really a  dyke!"

I took a deep breath before fixing my bag.

"Haay, I'm gonna miss this school for sure"

Pag naka rating ito kala dad sigurado akong hindi lang home schooled ang aabutin ko baka ipatapon na ako sa kung saan.

My heart is shattering everytime I took a step towards to my car.

I was knocked down when Anne decided to throw herself at me.

"Aray! Bruha ka talaga!, kung gusto mong lumangoy dito sa lupa wag mo akong idamay!"

Tumawa lang ito at nag indian sit pa, pinagpag ko na ang pantalon ko at umupo sa hood ng kotse ko.

"Sabi ko na nga ba eh na miss mo ako eh"

"Sus! Sinong nagsabi? Ako? Mamimiss ka? Eh sa bakasyon dun ako titira sayo, nakaka sawa na nga yang mukha mo eh"

Sabi nito habang nag se-selfie.

"Ikaw pa? Ikaw pa talaga ang nag sawa sa mukha ko ah! Bat hindi mo ako tanungin?"

Tumingin lang ito saglit sakin sabay picture ulit sa sarili.

"Hindi ko hinihinge opinyon mo at bat naman kita tatanungin?, picturan mo na lang ako ng may magawa ka naman sa buhay mo"

Binato niya sakin yung phone niya at sinadya kong hindi iyon saluhin, halos sumakit ang t'yan ko sa kakatawa ng lumaki ang mga mata niya.

"Hala! Bat hindi mo sinalo!?"

Halos gumapang ito palapit sa phone niya na lalo ko lang iki-natawa, para siyang palakang inasinan.

"Oh my gosh!"

Agad na tumayo ito at itinuro ang cellphone niyang may malaking basag ang screen.

"Oh my gosh! Wala ka ng pang selfie!"

Pang aasar ko pa sa kanya.

"Oh my Gosh! Aah wala na akong pang moba"

"Moba ka dyan ni hindi ka nga nag lalaro non"

Pinanlakihan ako nito ng mga mata at pinatahimik ako gamit ang mga maduming kamay niya na walang habas na pinan takip sa bibig ko.

"Nag lalaro ako nun nag kakataon lang talaga na laging gising yung mga hustler sa laro na yon kaya hindi muna ako nag lalaro hinihintay ko pa silang matulog"

"Ewan ko sayo, hmm ano kayang mas maganda?"

"Ako!"

Nabigla ako dito ng biglang mag taas si Anne ng dalawang kamay na parang grade 1 sabay harap sakin.

"Feeler mo naman!, iniisip ko kung mag transfer na lang kaya ako?"

Buong puso kong kwinento dito ang naguguluhan kong puso para kay Bella kaya na isipan ko kung mag ta-transfer na lang ba ako.

"Naguguluhan na talaga ako Anne!"

"Aaay! Okay ka lang?"

Tiningnan ko ang mga estudyanteng nag lalakad.

"Oo naman"

"Hala! Anyare sayo?"

Kumunot ang noo ko ng sabihin nito iyon pero sinagot ko pa rin siya.

"I think im inlove, ginayuma siguro ako ni  Bella"

"Huwaay! Kawawa ka naman"

"Oo nga bes"

"Asan yung isang paa mo?"

Isang paa? Ano namang kinalaman ng paa sa sinabi ko?

Ng tingnan ko siya my jaw literally drop, naka yuko ito sa hood ng kotse ko at naka sunod ang mukha sa kung ano mang nilalang na kumuha ng atensyon niya.

"Ano bang tinitingnan  mo dyan? Kanina pa ako salita ng salita dito iba pala ka usap mo!"

"Bes yung malaking langgam, wala yung isang paa niya"

"Ano namang pake ko? Kasalanan niya yan hindi kasi siya nag iingat"

Pipitikin ko na sana yung itim na hantik ng paluin nito ang kamay ko.

"Aray! Maka hampas wagas!"

"Ina ano ka ba niya?"

Sabay turo sa hantik ng biglang gumapang iyon sa kamay niya at kagatin siya.

"Ouch!"

Malakas ang lagapak ng kamay niya sa braso niya sa kung saan siya kinagat nung hantik.

"Pssh! Mas masahol ka pa sakin"

Parang walang nangyareng nag pagpag ito ng damit at nag ayos sabay tingin sakin at nag tanong kung ano yung sinabi ko kanina.

"Wala, sabi ko kanina kung bakit ang ganda  ko"

"Ikaw maganda? Sige lang, libreng mangarap"

Nag haharutan lang kami ni Anne ng biglang maka rinig ako ng isang tikhim.

Agad na nilingon ko iyon.

"Bakit nandito ka?"

"Kumuha lang ako ng notes para sa exam ko"

"Hindi ka pa magaling! bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko na sayong huwag kang aalis ng bahay"

Tinampal ko ang kamay nito sa noo ko at bumaling kay Anne para yayain sana itong umalis na pero wala na pala ito sa tabi ko hinanap ko ito, kahit sa ilalim ng sasakyan ko pero wala siya.

"Uuwi na tayo"

"Uuwi na AKO hindi TAYO"

Double meaning na sabi ko dito pero bigla na lang ako nitong hinila at pinasakay sa shotgun seat.

The Perfect Girlfriend (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon