Good day?

6.3K 259 10
                                    

Zoey pov

Nag jogging ako hanggang sa malibot ko ang buong subdivision at halos hingal kabayo ako ng tumigil ako para bumili ng coke sa tindahan.

"Ate pabili po ng coke"

Parang naka kita ng multo ang tindera ng makita ako.

"W-wala pong coke miss"

"Ganun ba? Sige kahit ano na lang basta yung malamig"

Binigyan ako nito ng yakult at tubig

"Ah salamat"

Kahit na nag tataka ako sa ikinikilos nito ay tumambay lang ako doon para mag pa hinga ng kaunti.

"Zoey ikaw ba yan hija?"

Napa lingon ako sa tindihan at nakita ko doon si lola tes ang may ari ng tindahan na ito.

"Kamusta po lola tes!"

Kumaway ako dito at ngumiti ng bongga.

"Pasok ka dito hija, namulaklak na ang mga paborito mong orchids"

Nakaka hiyang tumanggi kay lola tes kaya pina unlakan ko na lang ang imbita nito.
Pinag buksan ako ng gate ng tindera ni lola tes at pinapasok ako.

"Basang basa ka pa ng pawis, ano bang pinag gagawa mong bata ka?"

Pinunasan nito ang likod ko ng bimpong dala ko at senermunan ako kesyo madali akong mag kasakit at mag ka ubo.

Si lola tes ang nag silbing taga alaga ko dati dahil sa madalas ako dito sa bahay nila at itinuturing ko na rin itong pangalawang lola ko.

"Hindi mo naman kailangang mag jogging ng ganyang katagal"

"Eh kasi lola ano po wala po kasi akong magawa sa bahay"

"Ikaw talagang bata ka"

Pina upo ako nito sa upuan at umalis din.

Tiningnan ko ang mga picture doon at ngayon ko lang napansin ang isang litrato ng batang babae, tangkang kukunin ko na sana iyon ng may mag salita sa likod ko.

"What are you doing here?"

Napahawak ako sa dibdib ko at impit na napa sigaw.

"Fuck! Are you trying to kill me?"

Nalimutan kong dito pala naka tira si mestisang hilaw.
Napansin ko ang pag ngiti nito.

"I guess I am"

Asar na bumalik ako sa upuan ko at hinintay na lang si lola tes at ng maka balik ito ay may dala na itong malamig na tsokolate para sakin.

"Oh anjan ka pala Bella, hindi ka ba aalis ngayon?"

Umiling lang ang mestisang hilaw at pumunta ng kusina.

"Inumin mo yan para mawala yung uhaw mo"

"Na miss ko to la"

Napa ngiti ito at tiningnan lang ako, tinawag ni lola tes si mestisang hilaw at pina lapit samin.

"Bakit po?"

"Bella pwede bang pahiramin mo muna ng damit itong si Zoey?"

Agad na ibinaba ko ang tasa ng tsokolate at sumabat sa kanila.

"Ah la wag na po tuyo na po naman tong damit ko"

"Hindi pwede Zoey baka mag ka sipon ka niyan"

"Ah la okay lang naman po talaga ak-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hilahin ako ni Bella sa hagdan papunta sa kwarto nito agad ni lock nito iyon.

"Wag kang lalapit!"

Na pa atras ako ng lumakad ito papunta sakin itinaas ko ang dalawang kamay ko para pigilan ito pero imbes na balikat nito ang mahawakan ko ay ang dalawang dibdib nito ang nahawakan ko, nan lalaki ang mata kong napatingin doon maging ito rin

Nararamdaman ko na rin ang pamumula ng mukha ko agad na binawi ko ang mga kamay ko at umatras.

"A-ah so-sorry"

Sa kaka atras ko ay nadulas ako sa basahan at na isama ko si Bella sa pag bagsak ko.

"Aaah! Aray!"

"Aah!"

Nasa ilalim ako ni Bella at ako ang sumambot sa bigat nito, namimilipit ako sa sakit at ng ibaling ko ang tingin ko sa kaliwa ay sakto namang na halikan ko ito sa labi.

Mas nan laki ang mga mata naming dalawa at mabuti na lang na isipan nitong umalis sa ibabaw ko, nana tiling naka higa ako sa pwesto ko at hindi pinansin ang pag kirot ng likod ko.

"Mag bihis ka na ngang pervert ka!"

Hinagis nito ang damit sa mukha ko at lumabas ng kwarto ,na iwan akong tulala doon at nag bihis rin ng lumipas ang ilang minuto.

Lumabas ako ng kwarto nito at dumiretso sa garden.

"La aalis na po ako"

"Ang bilis naman hija"

"Hindi ko pa po napapa kain sila Bear"

" hala sige pero siguraduhin mong babalik ka dito"

"Opo, salamat po sa tsokolate"

Nag mama dali akong lumabas at tumakbo sa bahay ko kahit na masakit ang likod ko at ng maka pasok doon ay agad na dinambaan ako nila Bear at Kittles.

"Aray, wait lang masakit likod ko"

Umupo sa gilid ko ang dalawang cubs at dinilaan ang mukha ko.
Talo ko pa ang matanda ng dahan-dahan akong tumayo at mag lakad papunta sa bahay.

"The fuck! My back hurts"

Pinakain ko na at pina inom ng gatas ang dalawang cub bago pumasok ng kwarto ko.
Hindi na ako papasok ngayon dahil sa sobrang sakit ng likod ko.

Mag ta-tanghali na ng may mag door bell sa gate at inabot ako ng siyam-siyam sa pag bukas non dahil hinaharangan nila Bear ang daanan ko at ng sa wakas ay mabuksan ko iyon ay napa tanga ako sa harap ng bisita ko.

"Para daw sa mga pusa mo"

Basta na lang ibinigay sakin ni Bella ang dalawang kahon ng gatas at bumaba ang tingin nito kung saan naka silip ang dalawang cub.

"Is that?"

Nan laki ang mata nito ng makita sila Bear.

"I think you should go"

Isasara ko na ang gate ng pigilan nito iyon, hinila ko na ito papasok at nilagay sa likuran ko.

"Bat ba kasi ang kulit mo?, Bear & Kittles I would like you to meet Bella"

The two cubs are still staring at Bella.

"Wag kang matakot, nararamdaman nila kapag takot ka sa kanila o hindi"

Lumapit si Bella sa dalawa at tumayo lang harap ng mga ito.

"Pls be good to her"

Ng marinig ng dalawang cubs ang sinabi ko ay agad na dinalaan nila ang binti ni Bella.

"You can go now you already meet them"

"give me back my shirt first"

Nag hubad ako sa harap nito at ibinigay dito yung damit niya.

"Pwede ka ng umalis"

"Hindi mo man lang lalabhan to?"

Inamoy ko yung damit at mabango naman iyon.

"Eh diba kinukuha mo na, edi yan na"

Binalik nito sakin ang damit at pinitik ako sa noo

"Aray ah"

Wala akong nagawa kung hindi labhan ang damit nito habang nakiki pag laro ito sa dalawang cubs.

"Kunyari pang gustong makuha yung damit gusto lang naman maki pag laro kala Bear"

Inayos ko ang sports bra ko ng umangat yun, habang tini-tingnan ko lang silang tatlo sa garahe na nag lalaro.

The Perfect Girlfriend (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon