Chapter 43

1.9K 88 9
                                    

Zoey's pov

Naiinis ako kay Bella, tsk! Nalimutan ko tuloy naka usapin siya tungkol don sa sinagot ko na si Blake.

Nainis kasi ako bigla ng maalala yung sinabi ni Anne na may kausap daw na magandang babae si Bella.

"Amboger! Ambugeer! Hamboger!"

Napa tingin ako sa likod ko ng marinig ang boses ni Anne she's even hopping at parang excited pa.

"Anne anong meron?"

Parang namimilog pa ang mga mata niya ng makita ako at tumakbo palapit sakin.

"Bibilhan ako ni kuya ng hamburger! Amburger Zoe! Sama ka?"

Excited na sabi niya habang tumatalon talon pa sa saya.

"Sama ako"

Mabilis na sabi ko sa kanya na eexcite din ako sa libre kuya Troy, aba minsan lang man libre si kuya Troy tas galante pa tas pinapayagan pa kaming kumain ng kung anong gusto namin kainin.

"Sige sige, lika na bilis"

Mag papabili ako ng maraming stocks ng mga candies at chips ko kay kuya Troy.

"San kayo pupunta?"

Napa simangot naman ako bigla ng marining ko ang boses ni Bella.

"We are going somewhere Bitch"

Balewala lang kay Bella na tinawag siyang bitch ni Anne, baka nasanay na lang kay Anne.

"Pwedeng sumama?"

"No, hindi ka pwedeng sumama kaming dalawa lang ni Anne ang pedeng umalis"

Anne look at us na parang na we-weirduhan samin she's even cringing just by looking at us.

"May Lq kayo? Si dumdum na lang ang isasama ko"

"Teka lang Anne! Sasama ako"

Sigaw ko pero umiling lang si Anne at basta na lang hinablot si Blake na kumakain ng ice cream malapit samin ngayon ko lang din siya napansin.

Tumili si Blake nung hablutin siya ni Anne pero parang tanga lang itong umubo-ubo para lang takpan ang kahihiyan niya.

Mabilis silang nag lakad pa alis at wala na akong nagawa at sinundan na lang sila ng tingin mahirap na pag pinilit kong sumama baka tadyakan ako palabas ng sasakyan ni Anne.

"May future si Blake?"

"Huh? Ano future ni Blakey?"

Takang tanong ko sa kanya pero umiling lang siya at natatawang hinila ako papunta sa kung saan.

"Saan mo ako dadalhin Bella?"

"May skittles ako sa kwarto ko"

Namilog ang mga mata ko pero hindi ko pinahalatang excited ako sa narinig.

"Eh ano? Kala mo ba makukuha mo ako sa pagkain lang? Tsaka naiinis pa ako sayo no"

Hinila ko yung kamay ko na hawak niya

"Ganon ba? Ipapamigay ko na lang yon kung ayaw mo"

Malungkot na sabi niya na ikinasama ng tingin ko sa kanya.

"Akin yon eh!"

Naasar ko siyang hinampas sa braso bago ko siya hinila papunta sa kwarto niya baka ipamigay niya pa yung stocks niya ng skittles at gummy bear.

Natatawa naman siyang kinuha ang kamay niya sakin at inakbayan ako.

"Basta talaga pag matamis nagiging masunurin ka"

"Hmmp!"

Nag tatampo ako kay Anne kaya pag ta-tyagaan ko muna tong malanding to.

"Dito ka lang kunin ko lang yung skittles mo"

Nasa kwarto niya na kami ng madatnan naming naka bukas ang tv niya doon, itinulos na ako sa kinatatayuan ko habang pinapawisan na ng malamig.

Hinahanap ko si Bella pero wala ito sa sala ng kwarto niya, my eyes are starting to tear up tapos nagulat pako ng biglang may sumulpot na madre na nakaka takot doon sa tv.

"Aaaaah! Bella!"

Mabilis na napa upo ako at napa takip ng mata.

Bwisit! Bwisit!

Patakbong lumapit sakin si Bella at nag aalalang tinayo niya ako pero yumakap lang ako sa kanya.

"Anong nang yari sayo?"

Nag tatakang tanong niya habang tinatakip niya ang likod ko.

"Pa-patayin mo yung tv bili!

Ramdam kong napa tingin siya sa tv bago tumawa.

"Takot ka kay Valak?"

"Huta! Patayin mo na bilis"

Natatakot na ako swear! Dumagdag pa kasi yung pa suspense na music.

"Papatayin ko na yung tv bitaw ka muna hahanapin ko pa yung remote"

"No!"

Mabilis na sabi ko at mas yumakap pa sa kanya ng mahigpit.

Nako mapapa ginipan ko yon panigurado.

Gaga kasing Anne yon eh! Mas na trauma pa ata ako sa kanya kaysa nung nasaksak ako.


Bella's pov

Hindi ko alam kung matatawa ba ako kay Zoe o maawa dahil nanginginig na siya sa takot.

Naka yakap pa rin ito sakin kaya medyo nahirapan ako sa pag hahanap ng remote, mabilis na hinanap ko ang remote at agad na pinatay yung tv.

Para namang lantang gulay na bumitaw sakin si Zoe at paiyak na dahil naka labi na siya at namamasa na din ang mga mata niya habang naka upo sa sahig.

"Hey its okay Zoe here oh marami pa naman akong kinuhang skittles at gummy bear"

Balak ko pa naman na konti lang muna ang ibibigay ko sa kanya kasi baka mamaya iyon na lang ang kainin niya mag hapon.

"Bella"

"Yes Zoe?"

"Sleep with me mamaya ah? Hmm?"

Parang batang kinuha niya sakin yung mga candies niya saka siya tumayo.

"I-i can't Zoe magagalit si Anne"

"Mag sleep lang naman tayo later eh wala ka namang gagawin diba?"

Umiling ako at napa isip may ganito pala siyang side.

"Pyjama party na lang tayo mamaya"

Excited na sabi niya pero bigla siyang natigilan at naupo sa sofa habang seryosong naka tingin sakin.

"Ano yung nabalitaan ko na may kasama kang magandang chix sabi ni Anne, kausap mo pa daw"

Ha? Wala naman akong naka usap bukod kay Anne eh.

"Wala naman akong kausap na bab-"

"Hep! Mag sisinungaling ka pa eh anyway i dont care naman your free to talk to whoever you want"

Halata ang inis at galit niya ng sabihin nito iyon.

Sino ba kasi yung sinasabi ni Anne?

Napatampal na lang ako sa noo at napa iling, she must have said something to this bulinggit kaya pala bigla siyang nangurot.

Is this the start for what im hoping?
So hindi niya talaga sinagot si Blake?

Nangingiting niyakap ko siya and kiss her forehead.

"Si Anne lang yung naka usap ko maniwala ka man o hindi"

"Tse!"

Natawa na lang ako and hug her more tightly.

The Perfect Girlfriend (GxG)Where stories live. Discover now