ICannot

5.9K 236 23
                                    

Zoey Pov

Everyone is looking at me oddly kaya napag pasyahan ko na lang na pumunta ng garden at doon muna tumambay.

Nakita ko si Mike na papunta sakin at hingal na hingal.

"Oi long time no see ah"

"Zoey totoo ba?"

Naguguluhan akong tumingin dito

"Ang alin?"

"That y-your gay?"

Tiningnan ko ito ng mabuti at seryoso lang itong naka tingin sakin hindi ko mapigilang hindi tumawa, hawak-hawak ko ang tiyan ko ng tumingin ako dito.

"Saan mo naman nakuha yang chismis na yan?"

"May mga video na kumakalat sa buong campus meron kang kahalikan na babae"

"Ano?! Totoo? Patingin nga"

Agad na kinuha nito ang phone nito at ipinakita sakin ang nasabing video.

Tutok na tutok ang tingin ko sa video at tiningnan ng mabuti iyon.

Hindi ko na tinapos ang video at manghang naka tingin sa kawalan.

"So totoo nga?"

Napa tingin naman ako dito na parang nasisiraan na ito ng bait.

"Sino nag pakalat ng video na yan?"

"Hindi ko alam basta na lang kumalat yan nung wala ka"

"Infairness ah ang hot ko jan"

"Oo nga eh!, este bakit ganyan reaksyon mo? Walang violent reaction or something?"

Napatawa naman ako ulit dito at hinampas ito ng mahina sa braso.

"Eh hindi naman ako yan eh tingnan mo naman yung pag kaka edit halatang baguhan lang, kaya pala tinitingnan ako dito ng mga studyante tas may mga babae pang kumikindat sakin akala ko may mga sakit lang sa mata"

Ito naman ang tumawa sa kwinento ko, nag lakad na kami papunta sa klase namin
may mangilan-ngilan sa mga lalaki ang kumikindat sakin pero ang kadalasan mga babae ang mga nag papansin.

Natatawa na lang kami ni mike na pumasok ng room.

"San ka ba pumunta?"

"Secret"

"Ganyan ka na Zoey ha, may pa secret-secret ka ng nalalaman"

"Malalaman mo din next week"

Sabi ko sa kanya sabay wink naramdaman ko na lang na may naka tingin sakin at ng tingnan ko iyon ay si mestisang hilaw na masama ang tingin sakin agad na nag iwas ito ng tingin na may kasamang irap.

"Alam ko na kung sino yung nag pakalat ng video"

Nag lean naman sakin si Mike at aktong bubulungan ko ito ng hipan ko ang tenga nito.

"Aay!"

Natawa na lang ako sa reaksyon nito at sinabi ulit na secret.

Sampung minuto na pero hindi pa rin dumarating ang prof namin kaya niyaya ko na si Mike na pumunta na ng cafeteria dahil imposible ng dumating pa yung prof namin.

Nakita namin si Anne na palakad din papunta sa sa cafeteria.

"Anne!"

Ang lawak ng ngiti nito ng makita ako, agad na tumakbo ito sakin at pinag hahalik-halikan ang mukha ko.

"Eww, Anne your so gross!"

Tinulak ko ang mukha nito palayo sakin at hinarang si Mike dito.

"Hindi mo na ba ako mahal?"

The Perfect Girlfriend (GxG)Where stories live. Discover now