Pervert?

6.3K 212 5
                                    

Zoey Pov

Kahit puyat ay pumasok ako dahil may activity ngayon sa campus at required ang lahat ng studyanteng pumunta ngayon.

Deretso ako sa garden ng campus at doon tumambay at dahil tapos na akong pumirma sa attendance ay naka tambay mode na ako dito sa garden.

"Zoey!"

Tiningnan ko si Mike na hingal kabayo na lumapit sakin,nag hintay sa sasabihin nito at ng lumipas ang limang minuto ay nag salita na ito.

"Oh para sayo"

Binigay nito ang supot sakin sabay gulo sa buhok ko.

"May gummy Bear nanaman ako? Salamat ah"

"Wala yan, siya nga pala ito yung share mo sa mga tips kagabe"

Hindi ko inabot ang sobre at tiningnan lang iyon.

"Sayo na yan"

"Ano ka ba pinag trabahuhan mo ito kaya sayo na"

Pilit na ibinibigay nito sakin ang sobre halos mag patintero na kami sa bench dito.

"Ang kulit mo sayo na nga yan,solve nako dito"

"Bahala ka jan!"

Nilapag nito ang  sobre sa bench sabay takbo palayo sakin.

"Ang kulit talaga ng lalaking yun"

Tiningnan ko ang sobreng nasa loob at nagulat ako sa halaga noon.
1,500 para sa dalawang kanta lang?

"Pervert"

Napa lingon ako kay mestisang hilaw at naka simangot na tumingin dito.

"Can I visit the cubs later?"

"No"

Mabilis na sagot ko dito, kailangan kong umiwas sa babaeng to dahil siya ang dahilan kung bakit na gi-green minded ako.

"I'm just going to visit them then I'll go after that"

"Still the answer is no and can you pls stop calling me pervert cause I'm not"

Iniwan ko ito doon at gumala na lang ng campus hangang sa makita ko si Anne na may salpak ang bunganga ng lollipop.

"San ka pupunta?"

Sumabay ako sa pag lalakad nito

"Cutting, sama ka?"

Pinitik ko ang tenga nito dahil puro na lang ito cutting kahit na matalino ito ay may kalokohan talagang naka tago sa katawan nito.

"Maka pitik wagas ah! Nahihiya ka pang sumama sakin"

Hinila ako nito sa likod ng campus at pina akyat ako sa puno.

"Saan ba tayo pupunta?"

Halos mag kanda butas-butas ang jeans ko dahil sa barb wire at ng maka baba ako ay kamuntikan naman akong mangudngud kasama si Anne ng mahulog ito sakin.

"Gago ka Anne! May balak ka bang mag pa kamatay? Idadamay mo pa ako!"

Natawa lang ito habang umayos ng tayo.

"Bili tayo ng qwek-qwek food trip tayo sa bahay"

Lahat ng stall ng street food ay binilhan namin at marami na kaming mga na biling pag kain dumeretso kami sa bahay nito at na abutan namin doon ang kuya nito.

"Nag cutting ka na naman at sinama mo pa si Zoey"

Hinampas si Anne ng kuya nito sa balikat at pinitik ang noo.

"Aray ko naman kuya, grabe ka buti nga dito kami tatambay eh"

"Pasalamat pa ako? Ganun?, Ewan ko sayong bata ka"

Pumunta na kami ng kwarto nito at doon tumambay.

"Anne laro tayo tekken 6"

Agad na pumayag ito at nag laro na kami ng tekken hanggang sa hapunin kami ng maka balik kami ng campus para kunin ang kotse ko.

The Perfect Girlfriend (GxG)Where stories live. Discover now