Idiot

6.2K 262 53
                                    

Pa gala-gala ako sa park sa likod ng school namin ng biglang may humarang sakin na kamuntikan kong ika-tumba.

"Ay oh! Wala man lang pasabe ng excuse"

Napa ngiwi ako ng makita ng ayos ang mukha nito, ito yung nang hold-up sakin nung naka raang buwan eh.

"Oi! Kumusta ka na? Okay lang ba yung wallet at cellphone ko na nakuha mo sakin?"

Nag isip pa ito at napa ngiwi rin.

"Ah miss baka pede paki bigay na lang yung bag niyo"

Napa ismid ako ng ilahad nito ang kamay sa harap ko.

"Ay may patago ka koya? Bat hindi ko alam?"

"Ibigay mo na miss habang mabait pa ako"

Lumikot ang mga matang tumingin ako sa paligid para humingi ng saklolo pero may balat ata sa p'wet tong nasa harapan ko.

"Mabait ka na niyan? Koya naman kaka hold-up mo lang sakin nung nakaraang buwan, baka naman"

Tumingin ako sa kanya at nag hanap ulit ng tao sa paligid.

"Ano?"

Inip na sabi nito.

"Baka naman pedeng iba naman ang holdapin mo?"

Hawak ko ng mahigpit ang bag ko at nag re-ready ng tumakbo ng bigla na lang nito hatakin ang kamay ko at naka ramdam na lang ako ng hapdi at sakit sa tagiliran ko.

Napa upo ako ng bigla ako nitong itulak ng malakas.

"Aghh! Kuya ang gaga mo!"

Tumakbo na ito dala ang bag ko, hahabulin ko pa sana ito pero masakit yung sugat ko.

Napa simangot akong tumingin sa damit ko at naka tanaw ng tingin sa lalaking tumatakbo palayo sakin.

"Yung gummy ko"

Malungkot na umupo ako don at pa iyak na ng may lumapit sakin na guard at dali-daling tinulungan ako.

"Ma'am may saksak po kayo!"

Tumingin ako dito na nangingilid na ang mga mata sa pa ambang luha.

"Alam ko po, pero yung bag ko. Habulin mo yun kuya"

"Ira-radyo na lang natin ma'am"

"Hindi pede andun yung pagkain ko, habulin mo na"

Napa kamot ito ng ulo at tumingin sakin ng alanganin.

Nagising ako sa dilim ng kwarto at pag kulog ng malakas.

Nag palibot-libot ang mata ko sa paligid ng may mahagip akong naka puting babaeng nag lalakad pa punta sakin.

Napa upo agad ako ng bigla na lang itong mawala at bigla na lang sumulpot sa kung saan.

Nagulat ako ng makitang gumagapang na ito malapit sakin.

"waaah!!! Pekyu ka sadako!!!!"

Napa hawak ako sa tagiliran ko ng kumirot iyon habang umu-usog ako pa atras para iwasan ang babaeng naka puti na naka samburay ang buhok.

Ang tanging liwanag lang na nakikita ko ay ang ilaw sa labas ng bintana dulot ng kidlat at kulog kaya mas natakot ako ng biglang mawala ito sa harapan ko.

Napa hawak ako sa dibdib ko ng biglang lumiwanag ang kapa ligiran at nakita ko si Anne na nag tatakang naka tingin sakin.

"Putek kang babae ka! Papatayin mo ba ako?!"

Naka ngiwi kong tiningnan ang hospital gown ko na may dugo pati rin ang kamay ko meron.

"Sorry naman nag tatali lang ako ng buhok"

The Perfect Girlfriend (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon