Stalk-er

5.6K 227 10
                                    

"Kuya pakuha nga ako ng chips dyan"

Naka tingin lang ako kay Anne na parang boss kung maka utos sa kuya niya habang kumakain ako ng gummy bear.

"Ito po senyorita"

"Yung coke ko?"

"Anong coke pinag sasabi mo dyan? Sabi mo chips wala kang sinabing coke"

"Kuya naman! Kakain ako malamang kailangan ko ng panulak andun ka na sa ref hindi mo pa kinuha yung coke ko"

Masama ang tingin ang ipinikol ni kuya Troy kay Anne na walang paki elam habang nag lalaro sa game console ng the house of the dead.

"Bakit hindi kaya ikaw ang kumuha?"

Naka tingin lang ako sa kanila habang nag aaway silang mag kapatid.

"Please kuyaaa"

"Ikaw na ang kumuha!"

"Hindi! Ikaw na, naka tayo ka na diyan eh"

Nag dadabog na kinuha ni kuya Troy yung coke na hinihinge ng kapatid niya habang bumubulong-bulong.

"Day off ko ba talaga? Bat hindi ko ramdam?"

Binato ko ng isang gummy itong kaharap ko habang busy siya mag laro.

"Grabe ka maka utos kay kuya Troy ah"

Binato ko ulit ito hangang sa i-pause niya na yung nilalaro niya.

"Bat ka ba nag aaksaya ng pag kain?"

Pinag dadampot nito yung mga gummy na binato ko sa kanya at kinain yon.

"Anne oh"

"Salamat!"

"Kuya hindi ka ba aalis?"

Tanong ko kay kuya Troy dahil kanina pa ito inu-utusan ni Anne.

"Aalis ka? Samssh"

Agad na tinakpan ko ang bunganga niya ng mahulaan ko ang susunod na sasabihin niya.

"Di ba aalis ka? Umalis ka na kuya ako na bahala dito kay Anne"

"Sammshsh kkosh"

Dinilaan nito ang kamay ko.

"Ay oo nga pala may lakad nga pala ako sige Zoey alis na ako bye!"

Ng maka alis si kuya Troy saka ko lang siya binitawan sabay punas ng kamay ko sa damit niya.

"Yuck! Kadiri ka talagang babae ka"

Masama ang tingin na pinukol niya sakin habang ako naman ay nag patuloy sa pag kain.

"Sasama sana ako kay kuya eh!"

Winasiwas ko sa mukha nito ang kamay ko habang nag iinarte ito.

"Pag pa hingahin mo naman kuya mo kanina ka pa utos ng utos diyan"

"Hindi ko siya inu-utusan"

"Anong tawag mo dun? Kusang loob na may konting labag sa kaloob-looban?"

Inungusan lang ako nito at pinanga lahati ang may yelo-yelong coke nito.

Bumung halit na ako ng tawa ng kumunot ang ang mukha nito sabay hawak sa mga mata.

"Arrrraaayy!! Aaahhh eye freeze!"

Parang palakang kokak nanaman siyang nag lumpasay sa sahig nila.

"Para kang butiking pasay diyan sa pose mo hahaha"

Ng mahi masmasan ito agad na umupo ito at nag ayos ng buhok.

"Sundan natin si kuya"

"H'wag na baka may date yon ngayon"

The Perfect Girlfriend (GxG)Where stories live. Discover now