Kabanata I

3.3K 63 61
                                    


"Welcome to Manila Mary Sunshine Mondragon!"

Napangiwi ako sa tarpaulin na ginawa ng mga pinsan kong gago. Oh let rephrase it as idiot.

"Nice one Sunny nakatapak ka rin sa Manila!" Umakbay saakin si Badjao. Badj for short.

"Shut up Badj anong akala mo saakin probinsyanang hilaw" nagtawanan naman sila Mommy, Daddy at ang mga kurimaw ko pang pinsan.

"Sunshine dito ka na ba mag aaral ng senior high?" Tanong ng mom ni badj.

"Yes po Tita" ngumiti ako dahil wala paring kupas ang ganda ni Tita.

"Oh edi mag abm ka para business ad ang kuhanin mo sa college"

"Hay nako yun nga rin ang gusto namin kaso stem naman ang gusto nito. She wants to be a doctor daw kaya hinayaan namin diba hon?" Umakbay si Dad kay Mommy.

"Yeah all the best for our princess" sabi ni Mommy at yumakap din kay Daddy.

Kinikilig talaga ako kayla Mommy at Daddy tuwing ganito sila. Kaya hindi ako naniniwala na walang perfect marriage eh. Bakit naman sila Mom at Tita kuntento at masaya sila saamin.

Pagod na pagod akong humiga sa kama ko. Nagpa house blessing kasi kami at siyempre welcome party na rin kaya na drain talaga ako ng sobra.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa pero WALA AKONG NAKAPA!

"BADJAOOOOOO!!!!" sumigaw ako sa inis. Bwisit na yun kanina niya pa kinukuha ang cellphone ko ipaplug niya daw kasi ang IG Account niya tutal naman daw eh marami akong followers.

Inis na inis akong lumabas ng kwarto.

"Tita do you see Badj?" Nadaanan ko sila Mom na umiinom ng wine sa sala.

"Check mo sa garden Sunny. Did he steal your phone?" Tumango ako.

"Hahaha princess naisahan ka nanaman"

"K thanks mom." Sarcastic kong sagot at tumakbo papuntang garden.

Naabutan ko siya na nakaupo sa tapat ng pool at tumatawa mag isa. Oh wait he's using my Skype! Kukutusan ko talaga toh ng malutong eh.

"BADJAO YOU ASSHOLE!" sigaw ko at binato siya ng tsinelas.

"What the! Aray!" Daing niya ng nasapol siya ng tsinelas ko.

"What the Badj! Pre san ka na?"
Narinig kong salita galing sa phone ko.

"Wala ka bang cellphone at yung akin ang pinagdidiskitahan mo?!" Inis kong tanong.

"World Peace Sunny! Hahaha wala kasi akong Skype kaya ginamit ko yung sayo." pinulot niya ulit ang phone ko at tinapat saakin.

"Guys I'd like you to meet my ugly smart cousin Mary Sunshine Mondragon." Napasuklay ako ng buhok sa inis.

"Seriously?!!! Sunny Mondragon is your cousin Badj? Are you kidding me!?" tanong nung nakasalamin na may bangs. Yung hairstyle niya parang f4 na ewan eh.

"The one and only" sabay ngisi ni Badj. Kung Hindi ko lang toh pinsan aakalain kong siraulo to eh.

"Wow anong nangyari sayo? Bat ang ganda naman ng pinsan mo?" Sabi nung maputi na maliit tas kulot yung buhok.

"Pektus you want? Siyempre nanalaytay sa dugo namin ang pagiging magaganda at gwapo." Tingnan mo toh nagmayabang pa.

"Asan pala si Ter" tanong niya. Napairap ako sa kawalan at talagang nagtelebabad pa sila gamit ang phone ko.

"Ah nag aaral may schedule  siya ng home school ngayon diba?" napatango tangu naman ang pinsan.

"Ehem! Excuse me can I have my phone na?" Sinensyasan lang ako ni Badj na 5 minutes kaya umakyat na lang muna ako sa kwarto para matulog.

King Of Hearts (Blaster Silonga)Where stories live. Discover now