Kabanata XXXV

1K 34 20
                                    

Nagpahatid lang ako kay Ter sa office nung una ay ayaw niya pa akong iwan dahil hindi daw siya napapakali pag nawawala ako sa paningin niya. Nakantyawan nanaman tuloy siya ni Unique at Badj na lover boy di na daw siya guitar hero.

Kahit naman ako eh ayaw siyang mawala sa paningin ko. I feel something heavy in my heart when I don't see him.

"Beautiful Cousin!!!!" sigaw ni Bea at nagkakatok sa pinto.

"Wait! Calm down Okay! Sisirain mo ba yung pinto ko!"

"Hehe sorry! Excited Lang kasi ako for you!" Nag beautiful eyes pa siya sabay hawak sa magkabilang balikat ko.

Napakunot ako ng noo. Anong pinagsasabi nito?

"You need to be beautiful later! Manonood ka performance nila Ter diba? Dat ikaw pinakamaganda dun!" Napairap ako sa kaniya.

"What?! I will not go there to show off  noh!  I just want to cheer him up." Sabi ko pero patuloy pa din siya sa pag I insist na kailangan eh magpaganda ako. Hanggang sa abutin na kami ng 8pm. Nakapagdinner na kami dito sa office mamayang 9 ang performance nila Ter at mula rito sa office ko ay kitang kita na ang dami ng tao sa beach.

"You need to wear this!" Ngiting ngiti na sabi ni Bea.

I scan the long dress she was holding. It was cream off shoulder and may ruffles sa dulo nito.

"Oh no! I can't wear this." Iling ko agad.

"Oh yes! You will wear this because Ter buy this." Tinaasan niya ako ng kilay at nag smile cause she win the argument.

"Fine! Fine!" I said and go to the bathroom to change.

Pagkalabas ko ay napapalakpak pa siya at bigla akong inapplyan ng lipstick saka ng flower crown na colour white.

"Ghad cous! Are you sure na kadugo kita? Bat ang ganda mo?" Puna niya.

"Loka loka! Don't say that you're beautiful too Bea. It runs in our blood." I winked at her at bumaba na kami. I look at the time in my cell phone. 8:50 pm 10 minutes before their performance.

Ako Lang ba o may nafifeel ako na kakaiba. I mean may something napaparanoid ata ako. Kanina pa rin ako nag aalala kay Ter dahil hindi man lang siya nagtext or tumawag saakin.

" Bea can we go first sa backstage. Kanina pa siya hindi nagtetext or call. Nag aalala na ako."

"Omyghad no! I mean dito lang tayo! Saka kung may problema naman diba malalaman natin agad. " sabi niya. The host started to hype the audience. Napatakip pa ako ng tenga dahil sa lakas ng sigaw nila.

"Okay guys! Alam kong kanina niyo pa sila hinihintay! Can you scream their name!" The host said.

"IV OF SPADES!" sabay sabay nilang sigaw. Napangiti ako.

"Wow! Okay guys bago tayo malasing sa musika nila. I would like greet the beautiful women who help us  make this music fest happen. I hope you are having a wonderful night Ms. Sunshine." The host smile at me and I smiled back.

"Misis ni Blaster!" Napatingin kami sa fan na sumigaw nagtilian sila ang iba ay natawa. I instantly blushed.

"Oh.." makahulugang sabi ng host.

"Nakss tanggap na ng mga fans! Pakasal na nga kayo!" Asar ni Bea. Kinurot ko siya sa gilid panay pa rin ang hagikgik.

"LET ME HEAR YOUR LOUDEST SHOUT! FOR IV OF SPADES!" nagdilim ang stage na lalong nagpa sabik sa mga fans.

Nakaupo kami ni Bea sa harap ng stage katabi namin yung ibang sponsor ng music fest saka mga staff.

"Ms Sunshine!" Napalingon ako dun sa mga babae sa likod ko. They are holding a tarpaulin na may pictures ng apat.

King Of Hearts (Blaster Silonga)Where stories live. Discover now