Kabanata XL

364 7 2
                                    

"Dad, can you tell me again how you met Mom?"

"Primo 18 ka na pero di mo pa rin natatandaan?"

"Dad iba kasi kapag ikaw yung nagkekwento. Parang nasa libro ang kwento niyo ni Mom. Who would think that Mom will fall in love with you sabi sa mga kwento nila Tito Jao ay sobrang taray daw ni Mom at di namamansin ng kung sino sino lang."

Napangisi ako at tinapik ang braso niya. Parang kailan lang ay sobrang liit niya. Hindi ko halos siya mahawakan sa takot na masugatan o madurog ko ang mga buto niya.

"Anak, your Mom is the most beautiful woman I see in my life. She has the softest heart and the best smile that will make my knee melt. Sobrang confident ko mag tanghal sa entablado pero kung manonood ang Mommy mo nawawala ako sa tono. Nanliliit at nanginginig ako bawat baling ng mata niya sakin. Alam mo ba na ilang beses ko siyang sinungitan at ilang beses kaming nagbangayan? Pero wala tiklop talaga ako sa Mommy mo. Isang patak lang ng luha niya handa ko ng iaalay ang lahat ng meron ako. Isang hakbang niya lang papalayo saakin parang tinanggalan niya na rin ako ng hangin. Hindi ko kaya nak na mawala ang Mommy mo.
She is my Sunshine at siya din ang hangin ng buhay ko. "

"I hope I meet a girl who just like Mom."

"Anak hindi naman kailangan maging kagaya ng Mommy mo. Don't set a standard dahil kapag ikaw tinamaan ni Kupido hindi ka makakapili. Hindi ka makakahindi. "

"Anong bang nagustuhan mo kay Mom Dad."

"Ang hirap naman niya Nak." Napakamot ako sa ulo ko.

"Dali na Dad."

"Primo, your Mom do a million of little things that bring joy to my life. Kasama ka na pati si Yna."

"Daddy!!" Napalingon ako sa maganda kong anak at siyempre sa diyosa niyang Mommy. Nag terno pa talaga ang dalawa ng white mukha tuloy siyang dalaga.

"Hon, I don't like dress." Pinalibot ko agad ang braso ko sa bewang niya at sinamaan ng tingin ang mga lalaking naka tingin sa hubad niyang likod.

"Pangit siguro kasi mataba ako." Ngumuso siya.

"Your not Fat. I just don't want those old geezer to stare at your back." Hinalikan ko ang noo niya pababa sa ilong at labi niya. Namumula na ang parehas niyang pisngi dahil sa sunburned.

"Possessive talaga. Hmp!"

"Uhm Dad nandito pa kami ni Yna."
"Kuya! Stop covering my eyes! Kuya!"

"Primo naglalabing labing kami ng Mommy dat umexit ka na agad kasama si Yna." Napahawak naman ako sa batok ko ng hampasin ako ni Sunshine.

"Loko loko ka talaga! Pati yung mga bata. Come here Yna you want to eat watermelon right?"

"Yes po Mommy!" Masiglang sagot nito. Magkamukhang magkamukha talaga.

"Here's your Daddy. Babasagin niya ang watermelon for you!"

"YEHEY! Let's go na Daddy Kuya! We will eat watermelon!"





Dalawang araw ng walang malay si Sunshine dito sa Hospital. Dalawang araw ko na ring hindi binibitawan ang kamay niya. Pakiramdam ko kapag nalingat o ipikit ko lang ang mata ko ay mawawala nanaman siya sakin.

Diyos ko! Alam kong hindi ako pala dasal na tao pero iligtas niyo ang asawa ko. Wag niyo hahayaang mawalan ng Nanay ang anak ko. Iligtas niyo po ang asawa ko.

"Ter, magpahinga ka muna. Wala ka pang tulog at kain." Nanlulumong tiningnan ako ni Bea mugto din ang mga mata niya kagaya ko.

"Okay lang ako Bea. Hindi ko iiwan si Sunshine. Hindi ko iiwan ang asawa ko." Malungkot niya akong tiningnan.

"Okay. Basta kung may kailangan ka tumawag ka na lang."

Ayokong ipikit ang mga mata ko, her face is all I can see. Even in my dream even when I'm talking to someone or walking she's the only one in my mind. Nababaliw na nga yata ako pero masisi niyo ba ko mahal na mahal ko lang talaga ang asawa ko. Siya lang ang nakikita kong makakasama ko habang buhay. At kung mawawala ulit siya sa buhay ko hindi ko na alam ang dahilan pa kung bakit ako mabubuhay.

Gusto ko makita ang mag ina ko... gustong gusto ko. Pero alam kong kasalanan ko ito. Simula't sapul ako lagi ang nagpapahirap kay Sunshine. I always receive love from her. Happiness and life. She complete me. Siguro nga tama na umalis muna ako. I need to fix everything I need to prove them that I can be a great father to my child.

King Of Hearts (Blaster Silonga)Where stories live. Discover now