Kabanata XIX

1.2K 36 17
                                    

"Shend~ me your location! Letch focus on communications! Ey!" tawang tawa ako sa pagkanta namin ni Bea kahit wala naman dapat talagang ikatawa. Tinotoo niya talaga na lasingin ako ngayong gabi.

"Communicating yun! Hindi ko kayang buhatin kayong dalawa kapag nawalan kayo ng malay sa sobrang kalasingan. Stop it Bea!" Saway ni Jobert kaya napanguso naman ang pinsan kong babae. Yuck!

"Sunny.." napalingon ako sa likod ko.

"Oy! Nikoiiiii!" I happily said at nagtatalon pa palapit sa kaniya.

"Woah!" aniya nang umakbay ako sa kaniya.

"Join us! As you can see we are having fun here." I giggled.

Umupo sila at nagtawag ako agad ng mga crew para magdala pa ng mga alak. Umupo na rin ako sa gilid. Damn! Siguradong patay ako bukas. Tiningnan ko si Bea na pikit na ang mata sa balikat ni Jobert. Sila Badj, Zild at Nikoi naman ay nag uusap habang umiinom.

Napahikab ako. Parang may kulang sa kanila. Sino ba yun? Teka apat sila diba?

I stand up para sana lapitan ang isang crew when I bump sa isang matigas na bagay. Nagmulat ako ng mata at nakitang isang chinito ang nakangisi sa harap ko. He's cute.

"Hi! Kanina pa kita tinitingnan. Are you alone" aniya.

Binuka ko ang bunganga ko para sagutin na may mga kasama ako pero laking gulat ko nang biglang may humapit sa bewang ko.

"She's not alone" nag angat ako ng tingin sa lalaking nasa tabi ko. Kita ko ang pagka irita sa mga mata niya.

Hindi ko na nasundan pa ang susunod na pangyayari dahil sa kalasingan. Nakita ko na lang ang maputing likod ng chinito na naglalakad papalayo saakin.

"Stop showing your body to everyone. Ayokong mapaaway." Singhal ng lalaki sa gilid ko.

"Hahaha joker ka ba! Katawarn ko toh noh! Gagawin ko kung anong gusto ko! Don't touch me" tinampal ko ang kamay niya sa bewang ko.

Bumalik ako sa pwesto ko at nilagok ang natitirang jack sa baso ko.

"Sunshine come on let's sleep" aya ni Jobert dahil tulog na tulog na si Bea sa bisig niya. Tumayo ako ng medyo mahimas masan.

"Let's all sleep. Badj, Zild and Unique thank you for tonight" ngumiti ako kinindatan sila.

Humikab si Badj "Okay, kaya mo pa ba? Ihahatid na kita" umiling agad ako sa alok nito. Medyo okay pa naman na ako.

"I'm okay Badj." Kumaway ako sa kanila at lumingon kayla Jobert na buhat buhat si Bea. Magkatabi lang kasi kami ng villa.

Gusto ko sanang sumuka dahil ang malanding si Bea ay pinapaulanan ng halik sa mukha si Jobert. Tuwang tuwa naman ang loko.

"Whatever" singhal ko.

Lumingon ako sa likod ko at nakitang nakabusangot na nakasunod si Ter saamin.
Hindi ko na lang siya pinansin aalis din naman siguro siya.

Bubuksan ko na sana ang pinto ko pero humarap muna ako sa likod.

"Hey, hindi ka naman siguro lasing para makalimutan ang villa niyo?"

"Just open it!" Iritado niya singhal nakarinig pa ako ng ilang mura.

Ang gwapo talaga kahit nagsusungit. Hustisya naman.

Umirap ako at binuksan ang pinto ng villa ko. Automatic na bumukas ang ilaw nito para akong zombie na naglakad papunta sa kama ko.

Nagmulat ako ng mata nang naramdaman ko ang pag upo niya sa gilid ko.

"Nagpapasok ka ba ng ibang lalaki dito"

"No" agad kong sagot.

"Your lying again!" Sumbat niya.

"Ano naman sayo. Ghad! Please let me sleep and shut the fuck up!" Sigaw ko.

"And your cursing me now? Mas maganda siguro kung yung lalaking yung naghatid sayo dito noh? You even hug Unique and almost kiss him" kinagat niya ang labi niya at iniyukom ang mga kamay niya.

"What do you mean by that?" Napaupo na ko sa harap niya at matalim siyang tiningnan.

"Will you please leave me alone. Go back to your villa" inis ko sabi.

"Badj is sleeping like a polar bear, Unique is always hugging me. Ayoko. I'm going to sleep here" final niyang salita.

"Ghad!" Tiningnan ko muna siya ng matalim habang tinatanggal niya ang relo at damit niya.

"Bahala ka!" Singhal ko at nagtalukbong ng kumot. Naramdaman ako ang paghiga niya sa tabi ko at dahil hindi ako mapakali ay kumuha ako ng unan at nilagay sa gitna namin.

"Your acting like we don't sleep together Sunny. Hindi ka naman conservative sa iba pero nag gaganiyan ka ngayon!" Aniya

"Hoy! Ikaw ang makikitulog wag kang maarte just fucking follow my rules or i will kick your ass out in my fucking bed" sigaw ko.

"You curse too much! Just sleep Sunshine" napapaos niyang salita sa tabi ko kaya humiga na ako at tinalikuran siya. Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko pero guni guni ko lang siguro na hinalikan niya ang noo ko.

Kinaumagahan ay ginising ako ng sikat ng araw na tumatama sa mata ko. I feel like someone is hugging me from behind kaya kinapa ko agad iyon. At lumuwa ang mata ko nang makita si Ter na mahimbing ang tulog at mahigpit ang yakap saakin.

"Sunshine! Good Morning!" Napatingin ako sa pinto at sa lalaking nasa kama ko. Ano bang nangyari kagabi?! Shit! Anong pinag gagawa ko at bakit nandito ang lalaking toh! Oh shock! Tiningnan ko agad ang damit ko at medyo nakahinga ng maluwag dahil wala namang nawawala at kumpleto pa.

"Sunny! Come on breakfast na tayo sa Serene! " hindi ko alam kung anong nag udyok saakin na sipain si Ter para makawala ako at halos magka dapa sa pagpunta ng pintuan.

"Uhm Bea! Mauna na kayo ni Jobert I'll just take a bath okay? Bye!" Binagsak ko pasara ang pinto at nagpasalamat na hindi siya pumasok.

"What the hell Sunny! Why did you push me!" Natulala ako sa lalaking nasa harap ko ngayon. Magulo ang buhok nito at half close pa ang mga mata niya. My cheeks heat up kaya napaiwas ako ng tingin.

"C-can y-you please w-wear your shirt and get out!" Gusto ko ng bigyan ng medal ang sarili ko dahil medyo kalmado pa ko nito.

"Ganiyan ka ba sa bisita mo? Hindi mo man lang sila pinagluluto ng breakfast?" Mapang asar ang tono nito.

"Excuse me pero hindi kita bisita. Just get out of my room at baka malason kita" binuksan ko ng malaki ang pinto at ngingiti ngiti lang ang mokong habang papalabas doon.

Ugh! Don't you ever let your guard down again Sunshine! Talagang patay ka!








A/N: LAME UPDATE 😢 SORRY GUYZ.

DON'T FORGET TO COMMENT AND VOTE ♥️😍

XOXO ♠️♥️😘😍

King Of Hearts (Blaster Silonga)Where stories live. Discover now