Kabanata XIV

1.2K 39 15
                                    

Hindi na natuloy ang date namin dahil nagtext si Mommy na kailangan ko ng umuwi sa bahay. Sinama ko ang ever loving kong pinsan na mahangin dahil makikikain daw siya. Akala mo naman ginugutom siya sa kanila eh busog lusog nga siya kay Tita.

My phone vibrate at nakita kong kay Ter galing ang message doon.

My Blaster Silonga ❤:
Text me pag nakauwi ka na

Me:
K.

My Blaster Silonga ❤:
Too short baby

Me:
What?

My Blaster Silonga ❤:
ILYSB

Ha? Ano yun napatingin ako kay Badj para magtanong pero busy siya kakapindot sa phone niya. Napairap ako at nagtype ng reply kay Ter.

Me:
Hmm??

My Blaster Silonga ❤:
Secret 😉

" Ma'am Sir nandito na po tayo" napatingin ako sa labas. Sabay kaming bumaba ni Badj kita mula sa gate namin ang pagliwanag ng bahay bukas lahat ng ilaw pati ang mga lights sa garden. Sinalubong kami ng kasambahay at agad na kinuha ang bag ko.

"Yaya asan po si Mommy at Daddy?" magalang kong tanong.

"Ay ma'am Sunshine nasa garden po sila hinihintay po kayo" tumango ako at sinenyasan si Badj na pumunta kaming garden.

Naabutan ko sila Dad na ninakawan ng halik si Mommy sa pisngi napangiti ako dahil sa kasweetan nila sa isa't isa. Napatingin naman sila sakin at lumawak ang ngiti ni Dad tumayo siya at pumwesto na yumakap ako sa kaniya. Ngumiti ako at tumakbo papunta doon.

"I miss you Daddy!" sabi ko at yinakap siya ng mahigpit.

"I miss you too my princess" I felt daddu kissed my forehead.

"Oh come on let's eat na Dy" malambing na sabi ni Mommy.

Sinerve na ang mga pagkain at tuwang tuwa naman ang bitbit kong alagain dahil nakakatikim nanaman siya ng bagong pagkain. Nagkamustahan din si Badj at Daddy tinanong niya kung okay naman daw ang banda at si Ter.

"Anyway princess we want to suprise you so open this" may nilabas si Dad na color pink na box.

"I know how you missed your friends in Cebu so.." hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa sinasabi ni Mom pero dahan dahan kong binuksan ang gift box.

Halos lumuwa ang mata ko ng makita na ticket iyon papuntang Cebu. Tumingin ako kay Mommy at mangiyak ngiyak na ngumiti sabay yakap sa kanila.

"Totoo po ba ito? Are we really going home? OMG!" I squel  in excitement at nagtatalon sa tuwa. Grabe I miss Cebu miss ko na lahat ng friends ko at siyempre ang aking nag iisang best friend na cousin si Bea! Napatingin ako kay Badj pero mukhang hindi siya natutuwa kagaya ko. I wonder why?

"Anyway Dad bakit naman po biglaan? I mean diba may tinatayo kayong new project dito?" Bumalik na ako sa upuan.

"Yep at mabilis natapos Sunshine. You know your father is really great in this" sagot ni Mommy.

Natapos kaming kumain at nagpaalam na si Dad at Mom para makapagpahinga na daw sila. Sus baka naman para sundan ako hahaha. I really want to have a young brother or sister siyempre naiinggit ako sa iba na may cute na cute na kapatid.

"Kailan kayo babalik ng Cebu?" Tanong ni Badj. Napatingin ako dito nanonood kasi kami ng anime na favorite namin.

"Maybe next month? Aayusin ko lang yung clearance ko dito. Sa Cebu ako magka college" sagot ko.

"Pano si Ter?"

"I'll tell him. Kung mahal namin ang isa't isa siguro naman ay kaya naming mag Ldr saka andito ka para bantayan siya noh" ngumiti ako.

King Of Hearts (Blaster Silonga)Where stories live. Discover now