Kabanata XVIII

1.1K 41 16
                                    

Hindi ko alam kung anong meron sa buwan na ito at ginugulo talaga ng tadhana ang tahimik kong buhay dito sa resort.

"Omyghad!!! Jay! Stop it!" Napairap ako sa malanding tili ni Bea sa tabi ko.

Simula sa pagdating ng Boyfriend niyang ex-bakla ay para na siyang tuod na binubudburan ng asin sa landi.

"Omyghad Bea! Will you please zip your mouth! Don't make me puke!" Sigaw ko nang ika sampung tili niya na.

"Your just bitter cous. Palibhasa andiyan ang ex mong rak-" hindi ko na siya pinatapos dahil binato ko agad ng lotion na nasa tabi ko.

"Hoy Jobert! Buntisin mo na nga yang pinsan ko para mawala na dito sa resort ko."

"Babe hayaan mo na yang si Sunshine."
"Ekeshe nemern" napapamura talaga ako pag nakikita ko silang ganito eh.

Sa tinagal tagal ko rito sa Cebu buong buhay ko ata ay naging thirs wheel lang nila ako at talagang pwede ko ng gawing documentary kung pano naging sila.

Sinong mag aakala na ang Jobertaa na malandi noon ay lalaki na ngayon. Diba talagang magtataasan ang balahibo niyo.
Anyway ayoko nang ikwento ang nakakadiring lovestory ng dalawang yun masyadong rated spg ang paghahabol ni Bea kay Jobert na mas maganda pa ang eyeshadow sa kaniya. Buti na lang at naging lalaki ang isang toh.

Hindi ko muna ginalaw ang patong patong na papeles sa office gusto kong magrelax. Kaya nang nalaman ko na bibisitahin ni Jobert si Bea ay nagyaya ako na itry ang mga water activities namin dito sa resort.
Kaya pagkatapos naming kumain ay sumabak agad kami sa jetski. Habang tinitingnan sa malayo ang resort namin ay napagtanto ko kung gaano iyon kaganda. Kaya siguro saakin pinahawak ni papa ang resort na ito dahil mahalaga ito sa kanila ni Mommy.

Tumayo ako at binitbit ang towel ko.

"San ka punta?" Tanong ni Bea.

"I'll just order our food. Mauna na kayo sa open restaurant namin may ichecheck lang ako sa loob" Tumayo ako dumiretso sa reception.

"Good Afternoon po Ms. Sunshine" bati saakin ng guard ngiti lang ang naging sagot ko. Ngunit pagkapasok ko pa lang ay nakita ko agad si Blaster na nakasandal sa gilid ng reception mukhang may kausap sa telepono.

Naging dahan dahan ang lakad ko. At hindi ko maintindihan kung bakit sabay na bumilis at kumirot ang puso. Kita ko ang pagsilay ng ngiti ni Blaster. Napahawak ako sa dibdib ko. How i miss those smile. Hindi mawala sa isip ko ang mga pangyayari noon na ako ang dahilan ng pag ngiti niya. Ako nga ba?

Naalala ko kung paano siya ngumiti noon kay Lyza. Kung paano ko agad nalaman na iba ang ngiti niya saakin at sa babaeng pinakamamahal niya.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa mga paa ko na sundan siya. Mas nahihirapan ang puso ko ngayon kaysa tuwing nahihirapan akong huminga. I keep my distance para hindi niya mahalata na sinusundan ko siya. At ng makarating siya sa isa sa mga villa namin ay nagtago ako sa mga dahon na nakita ko. Narinig ko ang pagsarado ng pinto at hindi ko alam kung bakit ako nagmamadaling naglakad patungo roon.

Huminga ako ng malalim at tumitig sa pinto.

Natulala ako at inisip ang mga naging desisyon ko noon. Bakit? Tama naman ang desisyon ko pero bakit nasasaktan ako.

It hurts when you have someone in your heart but you can't have them in your arms.

Napayuko ako at saka ko lamang naramdaman ang lamig basang basa pa rin pala ako.

Nang biglang bumukas ang pintuan ay halos mapatalon ako. Halos mapatakbo na ako ng mag angat ng tingin si Blaster saakin. Parang tinatambol ako puso ko sa kaba. Dapat kasi kanina pa ako umalis! Ano bang pumasok sa utak ko at sinundan ko siya.

"What are you doing here?" Kita ko ang pagbaba ng mata niya sa katawan ko at ang pag igting ng panga niya.

Shit! Anong i a-alibi ko. Sigurado akong mahahalata niya naman agad kung magsisinungaling ako. Shit naman Sunny!

"Uh-m hinahanap ko kasi s- si Badj! Oo yung pinsan andiyan ba siya?" Nakikita ko na sa utak ako ang mukha. Bakit ba kasi hindi ako marunong magsinungaling!

"Liar" nakita ko ang pagbukas ng bunganga niya pero hindi ko narinig ang lumabas doon.

"What?" Tanong ko tumingin lang siya saakin at umirap sabay pasok ulit sa villa nila.

Handa na sana akong tumakbo paalis doob pero agad naman siyang nakalabas ng Villa nila. Napatingin ako sa t-shirt na hawak niya.

"Wear it. Pinagpipyestahan ka na ng mga lalaki sa labas pero wala ka pa ring alam. Your the Boss here pero kung ganiyan ka manamit hindi ka nila rerespituhin" aniya na nagpausok sa ilong ko.

"Excuse me. Sayo na yang tshirt mo! FYI nirerespeto ako ng mga tauhan ko dito at wala ka nang pake kung pagpyestahan ng ibang lalaki ang katawan ko. Titig lang naman sila at di nila mahahawakan." Singhal ko at binato ang tshirt niya sabay takbo papaalis doon.

Di pa rin talaga siya nagbabago. He's still heartless. That freak! Hindi ko na talaga siya kakausapin!

Kinawayan ko sila Bea nang nakita ko sila sa sea side.

"Bat natagalan ka!" Takang tanong nila.

"Ah may inasikaso lang sa reception" sagot ko at nagsimula ng kumain para hindi ma sila magtanong ko.

"Orayt! Manlilibre si Sunny!" Biglang sigaw ni Bea. Napangiti ako at sinenyasan ang mga crew na ilabas ang mga alak namin.

"Will get you drunk until you passed out Ms. President!" Natatawang sabi ni Jobert. Napailing ako sa dalawa dahil sa kalokohan na ginagawa nila.

Napatingin ako sa araw na unti unting nawawala at sa alon ng dagat. How I wish that I can be the waves of the sea.

Yung hindi kailangan ng limit sa bawat paghampas. Yung hindi nagbabago kahit ilang taon na ang nakalipas.

Napapikit ako sa tapang ng alak na gumuhit sa lalamunan ko.

I want my happiness to float like the waves of the ocean along to the coast of my life. ... Because all I can really do is to hope that I can surf over it, instead of drown in its monstrosity.










A/N: Warning short update! Remember that I don't proofread so bare with my grammatical errors. Also I'm not a pro in speaking English and I'm just using my phone to update here.

Hope you read until the end! ♠️♥️
Don't forget to vote and leave comments.
XOXO 😍

King Of Hearts (Blaster Silonga)Where stories live. Discover now