Kabanata III

1.6K 43 15
                                    

"Argh!!!" para akong tanga dito hinihingal na ko pero mas lalo kong binilisan ang takbo ko. Buti na lang at maaga akong nag jogging kaya walang masyadong tao ang makakakita ng kabaliwan ko.

"Sorry you're not my type" Halos gabi gabi akong binabangungot ng boses niya kaya hindi ako makatulog. Nakaidlip naman ako pero nagising pa din ako ng maaga kaya nagdecide akong mag jogging muna.

I get it. Blastet is cold as stone. Magaspang ang ugali niya pero hindi ko alam kung bakit nahuhumaling pa rin ako sa kaniya. He rejected me! Hindi na nga ko sumasama kay Badj sa mga practice nila dahil naging busy ako sa school. Saka iiponin ko muna ang kakapalan ng mukha ko bago magpakita ulit kay Blaster.

"Arf arf!" Napatigil ako sa pagtakbo at nilingon ang likod ko.

"Arf! Arf!" Isang cute na shih zu ang natanaw kong nakasilip doon sa gate. Tinanggal ko ang earphone ko at pinuntahan siya.

"Hi! Your bored?" Nakangiti kong tanong dito.

"Arf! Arf!" tahol nito pabalik.

Siguro gusto niyang magtatakbo dito sa labas kaso hindi ata siya pinapayagan ng amo niya.

"Bogie!" biglang may sumigaw na lalaki galing sa loob ng gate yun siguro ang amo niya.

"Arf! Arf!" Tumahol ito pero hindi umalis sa harapan ko.

"Bogie pumasok ka na ng- Sunny?" Nag angat ako ng tingin.

"Uy Unique!" Lumawak lalo ang ngiti ko dahil sa kaniya pala ang cute na asong ito.

"Taga dito ka pala?" Tanong niya.
"Yep kakalipat lang namin doon sa maroon na gate? Mag iisang buwan pa lang ako dito" sagot ko.

Nakakapanibago sa paningin na hindi siya nakasuot ng maangas na damit kagaya ng mga sinusuot niya tuwing nag gi-gig sila.

"Tara pasok ka. Mom's cook dito ka na magbreakfast"
"Pe--" akmang magsasalita na sana ako kaso nakapasok na siya bitbit si Bogie.

Bago makapasok sa kanila ay nadaanan namin ang garden nila. Nabusog ang mga mata ko sa nakita ko. Sobrang daming bulaklak ang nandito iba ibang klase.

"Son come on let's ea- Oh? Who's this beautiful lady? Don't tell me she's your girlfriend!" I blushed and the woman giggle.

"Mom! Naman eh pinsan siya ni Badj nakita ko siyang kausap si Bogie sa labas taga dito rin pala siya sa village." Sagot ni Unique.

"Oh well my bad? By the way I'm unique mom. Nice meeting you?"

"You can call me Sunny po." ngumiti ako.
"Tara sabay ka saaming mag breakfast. Alam mo bang first time magdala ni Unique ng babae dito? Hehe bagay kayo ng anak ko" mas lalong nag init ang pisngi ko. Tumingin ako Kay Unique na napapailing na rin kay Tita. He mouthed sorry pero nag thumbs up ako para sabihing okay lang.

Ang cute kaya ng Mom niya. Ang jolly at di nauubusan ng kwento, kaya habang kumakain kami eh panay ang kwento niya saakin tungkol kay Unique, nalaman ko ring malapit din si Tita kayla Badj, Zild at Blaster.

"Nako Sunny dapat lagi kang nagpupunta dito nagsasawa na kasi ako sa mukha ni Unique hehe dinner ka naman dito next time magluluto ako ng masarap" nagpuppy eyes pa siya akin.

"No problem po tita" ngumiti ako.

"Yes! Okay maghahanap na ko ng mga recipe ng lulutuin. Nak ikaw nang bahala dito kay Sunny ha?! Omg! Excited na ko. Maiwan ko na kayo! Muah!" Sinundan ng mata ko si Tita na tuwang tuwa na bumalik sa kusina.

Nilingon ko si Unique na hiyang hiya sa pinagkekwento ng mommy niya.

"Wahahahahahahahahha" sabay kaming natawa.

"Ayoko na hahaha Ang cool ng Mommy mo! Pwede ma arkila kahit isang buwan lang" biro ko. Halos maluha luha ako kakatawa.

"Sige sayo na! Nagsasawa na rin ako diyan eh" sagot niya.

"Kaya pala may pinagmanahan ka! Ay wait omg! Tinanghali na pala ako nakakahiya naman." Sabi ko.

"Sus ngayon ka pa nahiya eh nakakain ka na nga!" Tinitigan niya ang tiyan kong busog na busog.

"Letse Haha" sabay bato ko nang unan sa kaniya.

"Siya nga pala bakit hindi ka na sumasama kay Badjao?" Takang tanong niya.

"Ah eh ano kasi busy ako sa school alam mo na daming requirement" palusot ko.

*peep peep* sabay kaming napalingon ng may bumusina sa labas ng bahay niya.

"May bisita ka ata. Hay nako mauuna na ako haha salamat sa breakfast masyadong masarap baka araw arawin ko na" biro ko kaya nagtaas siya ng kilay.

"Aba Ms. Sunshine meron na pong bayad sa susunod" biro niya at tumawa.

"Tse makauwi na nga! Bye Kakaiba!"paalam ko.

"Huh?"

"Kakaiba nag Tagalog ng Unique" tumawa ako at napakamot na lang siya ng kumot.

"Corny layas na!" Aba aba!

Palabas na ako ng gate ng biglang humabol saakin si Bogie.

"Arf! Arf!" tahol niya kaya kinarga ko siya.

"Bogie babalik ako noh. We will gonna play okay?" Tumahol ito na parang sumagot ng "sige" sa pangako ko.

"Sunny naiwan mo yung phone--"

"Sunny?" Napalingon ako at nakita sila Badjao, Zild at Blaster na parang kanina pa akong pinapanood.

"Unique? Bat andito si Sunny?" Takang tanong ni Badjao.

"Ah eh kasi-"
"Bakit masama bang bisitahin ko si Unique?" Sabat ko.

"Eh akala ko ba busy ka sa school yun pala si Unique ang pinagkakabusyhan mo" ngumiti ng nakakaloko si Badj. I blushed and look away.

Kung alam mo lang Badj.. na ang lalaking nakakatitig saakin ngayon ang lalaking gusto kong pagkaabalahan.

"Anyway I gonna go. Bye Unique pakisabi kay Tita punta rin siya sa bahay ipagbebake ko siya. Thanks sa breakfast." Nagmamadali kong salita para makaalis na ako dun. Kailangan kong makatakas sa mga mapangasar na tingin ni Badj at nakakatunaw na titig ni Blaster.

King Of Hearts (Blaster Silonga)Where stories live. Discover now