Kabanata XXIII

1.4K 42 7
                                    

Bumungad saakin ang mukha ni Ter pagkagising ko. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko at ramdam ko rin yakap niya sa bewang ko. Dahan dahan akong tumayo para maligo at magbihis.

Hindi ko na masyado namomonitor ang resort kaya pagpasok ko ng office ay nilatag agad ni Bea ang mga dokumento na kailangan kong reviewhin at approbahan.

"Bat ang aga mo ngayon?" tanong niya.

Sumimsim ako sa kape ko at ininom ang mga gamot ko.

"I just feel like to work early. Ma issue ka" sagot ko at nagpatuloy sa pagbabasa ng mga reports.

"Sus! Parang wala naman akong nakita kagabi na dire diretso sa pagpasok sa villa mo. " ngumuso akong tumingin kay Bea. Nabisto pa ako.

"De deny pa eh! So what happened? Chika mo naman" napairap ako dahil hindi talaga ako titigilan ni Bea pag hindi ko kinwento sa kaniya.

And guess what she's like a living lying detector dahil alam na alam niya kung kailan ako nagsisinungaling at hindi.

Napabuntong hininga ako ng matapos kong ikwento sa kaniya ang nangyari kagabi.

"Girl he's so inlove with you! You know what noong bigla ka na lang nawala ay halos mabaliw yun kakahanap sayo. Pinapakalma nga siya ni Badj dahil sinisisi niya ang sarili niya kaya nawala ka" kumunot ang noo ko sa mga kinikwento ni Bea.

"If you just saw him that night. He looks like he's in a deep misery because your missing" dagdag niya.

"Why don't you try to reconcile with him cuz? Buhayin niyo ulit ang naudlot niyang pag ibig haha" she chuckled at pumalongbaba ako at tinitigan siya.

"You know I can't. Baka malaman niya pa ang kung anong nangyari saakin noon. I don't want him to blame himself."

"Yeah right at baka magkagulo pa sila" aniya.

Mag aalas dose ng matapos kong basahin lahat ng papeles. Napahawak ako sa leeg ko at agad na hinubad ang reading glasses ko.

Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng kwarto. Dire diretso ang tungo ko papalabas ng building nang may mapansin ako na pamilyar na babae sa reception.

She's alive and more healthier now. Ang maputla niyang kulay nang huling pagkikita namin ay naging makinang na puti. Humaba din ang buhok niya na mas lalong nag paamo sa mukha niya.

Why is she here?

Nanlamig ako nang makita ang paglapit ni Ter sa kaniya. Mabilis itong nakita ng dalaga at agad na yumakap dito. That's the answer Sunshine. She's here for Ter.

Taas noo akong nagpatuloy sa paglakad.

"Good Afternoon Ma'am Sunshine" napatingin ako sa babaeng nasa front desk.

Alam kong naagaw ko ang pansin nila Ter pero hindi ko sila tinapunan ng tingin. I choose this path. Paninindigan ko lang.

Para akong nabunutan ng tinik pagkapasok ng restaurant namin. Inihanda agad ng mga waitress doon ang pagkain ko.

Nasapok ko ang sarili ko dahil na realize ko na masyado akong nagpapa apekto. Dapat ay wala na akong pakielam sa kanila. Ito naman ang gusto ko diba ang maging masaya siya sa iba.

Buong lunch ko pinagalitan ang sarili ko kaya hindi rin ako makakain ng maayos.

Dinial ko ang number ni Dad. I miss them so much. Lagi naman kaming nagfeface time pero hindi ko alam kung bakit feeling ko ay nag iisa ako ngayon.

Unang ring pa lang ay agad ng sinagot ni Dad ang tawag.

"Daddy.." I said in a child tone.

"What it is my princess? What's making you sad?" I heard him chuckled.

"I miss you and mom. Sana ay nandito kayo" malambing kong sabi.

"We miss you too. I promise I'll just finish this expo at pupunta kami ng Mom mo diyan next week." napangiti ako.

"Really? Then dapat ba akong magpakitang gilas kung paano ko patakbuhin ang resort?" I teased.

"You really should. Pero pwede din namang hindi. Don't overworked yourself there okay? You know your condition at pwede naman kahit hindi ka makahalubilo sa mga guest natin diyan."

"Yes Dad"

"By the way kamusta ang pakikipagkita ko mo sa unico iho ni Mayor? Is he good? Candidate pa naman siya ng mommy mo. Oops"

"Dad.." sabi ko sa nagbabantang tono. Hay nako hindi na talaga sila nagbago.

"Eh kasi naman princess. Even if you have that COPD. You can have your love life naman. We want to see you happy. At siyempre mapapanatag din ang loob namin kung may taong mag aalaga sayo diyan" I know. They just want me to live a normal life gaya ng ibang mga kaedad ko.

"I'm okay Dad. Saka time will come mahahanap ko rin ang lalaking para saakin. So stop setting me up hahaha"

Wala nang nagawa si Dad sa desisyon kaya nagbilin na lang siya na inumin ako ang mga gamot ko. Somehow i feel at east when i talked to them. Ang mga parents ko ang pinakamalinis kong hangin sa buhay ko. They will always make me feel that I deserve the best here in the world.

Gumaan ang pakiramdam ko kaya mas naging productive ang araw ko. When the night comes ay dumagundong na ang ingay sa beach. Ngayon kasi ang opisyal na pagbubukas ng music fest. 2 weeks ang event na ito dahil paglalabanin daw nila ang mga bandang nakilahok.

Binuksan ko ang terris ng office ko. I can see that people out there is having fun. Nagtatalunan at nagtatawanan. Ininvite nila ako para maging judge but I refused. Pinadala ko si Bea kapalit ko.

Mahigpit na bilin saakin ni Doc na hindi ako pwede sa mga lugar na matao. It might triggered my COPD kaya mahirap na. I can't take the risk.

Para akong baliw na nakikikanta sa mga banda rito sa taas. Tinataas at winawave ko rin ang kamay ko kapag melo medyo ang music. Medyo naghehead bang din ako pag rak.

I miss this. How I have fun sa mga gig nila Badj. Too bad I can't go watch them anymore.

Napatitig ako nang mamataan si Ter at Lyza. Malaki ang ngiti nila parehas at tumatalon sa masayang tugtog ng bandang nasa stage. Nawala ang mga ngiti ko at pumasok sa office humiga ako sa sofa ko at yinakap ko nang mahigpit ang sarili ko.

Napangiti ako nang mapait.

Hanggang kailan ako masasaktan?

Pinikit ko ang mga mata ko at tuluyan nang hinatak ng antok. Nagising na lang ako nang makarinig ng mabibigat na katok sa pinto.

Napatingin ako sa relo ko. It's already 5am. Sinong pupunta nang office ko ng ganitong oras?

Kusot mata kong binuksan ang pinto. Walang pake sa polo kong lukot at buhok kong gulo.

"It's-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang may humatak sa braso ko at napasubsob ako sa dibdib nito.

"You're here" mahina nitong bulong.

"And why are you here?" ginamit ko ang buong lakas ko para itulak siya.

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya.

"Why are you here Ter?" Ulit ko sa seryosong tono.

Sadness is visible in his eyes at gustong gusto ko nang bawiin ang mga sinabi ko. No! You know you can't

"I just thought you will leave me again. And thank you at andito ka lang pala good night sunshine" he said and walk away.

Mabilis ko sinara ang pinto at agad na lumabas ng balcony ng office.

Sinundan ko ng tingin ang papalabas niyang katawan.

I wonder if he sleep in their villa? Or he is with Lyza all night.









A/N: DON'T FORGET TO COMMENT AND VOTE ♠️♥️

Love you all 😍😘
XOXO

King Of Hearts (Blaster Silonga)Where stories live. Discover now