Kabanata XXII

1.2K 35 23
                                    

Hindi ko alam kung bakit kada gabi na lang ay nanaginip ako na kinakantahan ako ni Ter habang natutulog. It feels like real. Mahigpit ang hawak ko sa unan ko at nag iikot sa kama ko.

Hindi naman siguro ako baliw noh? As in limang araw na tuloy tuloy tuwing gabi ay napapaniginipan ko na kinakantahan niya ako. Pag tinatanong ko naman sa mga security at kay bea kung may napapansin ba silang pumapasok sa kwarto sinasabihan lang nila ako ng masyadong paranoid. Saka I always lock my door before I sleep. Imposible talaga.

Ginulo ang buhok ko sa inis. Arghh! Bakit ko ba iniisip toh? Get a grip of yourself Sunshine!

Napataklob ako ng kumot ng marinig ko ang marahan na pagbukas ng pinto. Holy macaroons! Hindi kaya pinasok ako ng magnanakaw?

Rinig ko ang marahan na paglakad niya. Naramdaman ko ang pag uga ng tabi ko. Aba balak pa ata niyang magpahinga! Bakit hindi niya lang nakawin ang nakikita niya at nagmuni muni pa siya sa kwarto ko!

Mahigpit akong kumapit sa kumot na nakataklob saakin. Wala na akong naririnig na kaluskos o kahit anong ingay. Wala na kaya siya? Pero pano kung andito pa siya?

Sisigaw ba ako?

Maririnig ba nila Bea at Jobert kung sisigaw ako?

Pinagpapawisan na ang noo at kamay ko sa kaba. Dahan dahan kong hinatak pababa ang kumot ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita na wala namang tao. Tatayo na sana ako pero nakita ko ang lalaki na mahimbing na natutulog sa gilid ng kama ko.

"OMYGHAD!" Sigaw ko.

Tinitigan ko ang mahimbing natutulog sa kama ko dahan dahan kong hinawi ang buhok niya sa mukha.

"Ter?!" Sabay yugyog ko sa kaniya.

"Ashdjdk" hindi ko maintindihan yung sinasabi niya.

"What are you doing in my room?!" Inis kong sigaw.

Lumapit ako sa kaniya pero napaatras din ako. He reeked of alcohol. Tinakpan ko ang ilong ko at pinag sisipa siya.

"Wake up! Bumalik ka nga sa villa niyo! Ang baho baho mo! Kadiri ka! Mamaya sumu--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang sumuka siya sa gilid ng kama ko.

"Fvck! Kadiri ka talaga! Go back to your room" sigaw ko.

Umupo siya kama ko at nag indian seat.

"What?" Umiling iling siya na parang bata.

Lumapit ako sa telephone ng villa at nagpatawag ng maglilinis sa ginawang kalat ni Ter.

"Magandang Gabi ho Ma'am" bati ng isang payat na lalaki. Napatingin ako sa nametag niya at Richard ang nakalagay doon.

"Saan ho ba ang lilinisin?" Tanong nito.

"Come in,  Eto sanang suka kadiri kasi masyado pasensya na kung ganitong oras ay nang gugulo pa ako sa shift niyo. Don't worry I'll just talk to your manager na dagdagan ang sahod mo."

"Ay nako ma'am Sunshine wag na ho. Parte naman talaga ito ng trabaho ko." Ngumiti ito at nagsimulang walisin ang nakakadiring suka ni Ter. Kahit ako nasusuka na rin eh. Pano kaya nakaya ng sikmura nito maglinis ng suka.

"Mukhang lasing na lasing po si Sir ha. Dapat po ma'am ay punasan niyo man lang ng bimpo si sir para magihawaan siya. Ihanda niyo na rin po ang gamot para sa hangover niya." Iutos ko na lang din kaya dito na siya ang gumawa. Tutal alam na alam naman niya na ang gagawin niya. Hmm..

"Alright, thank you again Richard" ngumiti ako ng matapos niyang linisin ang kalat ni Ter.

Pameywang akong tumingin kay Ter na nakaupo pa rin pero papikit pikit na ang mga mata niya.

Anong bang gagawin ko dito sa lalaking toh? Kung kaya ko lang to kaladkarin pabalik sa villa niya gagawin ko!

"Oh no! no! What are you doing Ter!" Nanlaki ang mata ko nang hubarin  niya ang damit niya at pantalon niya.

"Oh shit! Wear your pants!" Sigaw ko.
Pero hindi siya sumagot at pinagpatuloy ang paghuhubad niya. He's in boxer now.

Anong bang gagawin ko dito Lord!

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa balikat.

"Uy! Ikaw yung girlfriend ko diba?" Gulat ako nung nagsalita siya.

"I'm not your girl Ter" i said.

"You are.. You will always be my girl Sunshine" He said in a low sad tone.

Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

"I don't get it. I really don't get" unti unti niyang pinulupot ang kamay niya sa bewang ko. I heard him sniff.

Umiiyak ba siya?

"Bakit kaya mong Iwan ako? Ikaw naman yung naghabol nung una diba? Bakit ako itong parang naghahabol ngayon?" Kumawala ang luha sa mata ko. Pero pinipigil ko na wag gumawa ng ingay.

"Why it is so easy for you to leave me Sunny? Hindi mo ba naisip kung ano ang nararamdaman ko?" Humigpit ang yakap niya at naramdaman ko na rin na basa na ang balikat ko.

"Please..." He said and drop a small kisses to my neck.

"Love me again... save me from this misery." Humikbi siya. Dahan dahan kong tinanggal ang yakap niya at nagmamadali pumasok ng c.r

Napaupo ako at tahimik na umiyak.

I still love him but I can't.  God knows how much I want to be with him. Na sa unang kita ko sa kaniya ay gusto kong itapon ang sarili ko kay Ter. Gusto kong iexplain ang sarili ko kung bakit kailangan kong umalis. Gusto ko.. gustong gusto ko..

Pero alam kong mali.

Naghilamos ako at nagbasa ng bimpo sa c.r.

Naabutan kong mahimbing na natutulog si Ter sa kama. Lumapit ako sa kaniya. I caressed his face and wiped the tears na natira pa sa mukha niya.

"Sorry" bulong ko.

Dahan dahan kong pinunasan ang mukha niya.

Sobrang dami kong kasalanan sayo Ter. I want you to hate me. Hate me to the point na ayaw mo na akong makita. Na sa sobrang galit mo saakin ni hawak o tingin o awa ay wala akong makukuha sayo.

Limang taon na rin Ter. Dapat ay may mahal ka ng iba.

Dahan dahan akong tumabi kay Ter. Tinitigan ko ng maigi ang mukha niya. Kinakabisado bawat parte ng mukha niya.

" Limutin na ang mundo
Nang magkasama tayo
Sunod sa bawat galaw
Hindi na maliligaw
Mundo'y magiging ikaw" I cried as I sing the line of their song.

I love you Blaster.








A/N: Sorry guys sa isa nanamang pabitin na update hakhak 😂
Anyway masyado akong masaya ngayon dahil nakapasa ako sa dream school ko 😂😂 Road to Nursing Student! ❤

DON'T FORGET TO COMMENT AND VOTE ❤

I love you all 😗

King Of Hearts (Blaster Silonga)Where stories live. Discover now