(The Loss) Part 1

590 13 2
                                    

Genre: hardcore melodrama.

Warning: with SPG and violence content. Read at your own risk.

Sorry po sa typos, wrong grammar, old fashion names. May sentimental value sa akin ang ilan.

Drafts pa lang po ito. Maraming papalitan at idadagdag.

Konting pasensya po sana kay Author. <3

violent reactions are welcome.

---------------------------------------------

"Sorrow spares no one, and scars respect no person."

---------------------------------------------




"Ganun lang? Break na tayo nang walang dahilan? Basta ayaw mo na? Niloloko mo ba ako, Anna?"

Gigil na gigil si Carlos sa akin.

Isang kamay niya ang pumigil sa paghakbang ko palayo sa kanya matapos ko siyang talikuran. Bumaon sa pulso ko ang mga daliri niya, pwersahan akong hinigit paharap. Ang gusto ko sana, makalayo agad sa kanya nang wala nang ibang paliwanag. Hindi dahil natatakot ako sa reaksyon niya, kundi natatakot ako sa aking sarili.

May masama akong ugali na pinipilit ko nang kalimutan. Galing ako sa isang mundo na brutal, masalimuot at parang walang Diyos. Tatlong taon na rin na para akong buhay na patay at ayokong magising ni Carlos ang kimikimkim kong galit sa mundo.

Mabuti nalang nasa lilim kami ng isang puno sa loob ng Villasin Park. At maliban sa isang lalaki na parang mahimbing na natutulog sa likod ng Narra na pinakamalapit sa amin, wala nang ibang tao sa paligid.

Alam kong dapat ay magalit ako. Dahil may karapatan akong gawin ang higit pa nga roon. Pero wala akong lakas na harapin ang magaling kong nobyo. Alam kong sampal sa ego niya ang pakikipagbreak ko nang walang sinasabing dahilan at sapat na 'yon sa akin.

Wala naman kasing bago. People come and go. Isa 'yong cycle na paulit ulit na lang sa buhay ko kaya siguro naging manhid na ako.

Nagawa akong harangan ni Carlos sa kabila ng mabilis kong paglalakad.

"Bakit ka nakikipag break? May nagawa ba akong masama?" Puede siyang manalo ng acting award sa Golden Globe Award o sa Famas sa hilatsa ng pagmumukha niya na gusto kong masuka. "Ni hindi ako tumingin sa ibang babae. Ginawa ko ang lahat para magustuhan ka ng pamilya ko. Nagsisikap ako sa buhay para may maibigay na magandang bukas sa 'yo. Ano pa ba ang gusto mo?"

Dapat ay nanginig na ako sa galit pero wala talaga akong energy pa sa ganito.

Hindi pa rin ako magpapaliwanag sa kanya kahit alam kong mali ang sinabi niya na hindi siya tumingin sa ibang babae—dahil alam kong meron. Nakita ko ng personal ang isang Erica Santos habang magkaakbay silang lumabas sa pintuan ng isang motel. Salamat sa bestfriend kong si Julia na nakakita sa mga ito at ayaw pumayag na niloloko ako ng lalaking ito.

Hindi ko na kinompronta si Carlos.

Bakit pa? Hindi ako nagsasayang ng oras sa mga taong option lang din nila ako.

Ikalawa, hindi totoong ginawa niya ang lahat—jobless pa nga siya. Mabait pa ako kung tutuusin dahil hindi ko pa siya asawa, mahaba na ang utang ng mga kamag anak niya sa akin.

Hindi ko rin siya sinisisi. Inaamin kong nagkulang rin ako kung bakit ganito ang naging ending namin. Hindi ko sineryoso ang relasyong pinasok ko. Parang sakit ko na rin ito. Malala pa sa cancer. Sinasagot ko ang isang lalaki para kilalanin bago ko magawang pagkatiwalaan. Pero ang problema, matibay pa sa concrete battle ship sa Manila Bay, ang El Fraile Island ang trust issues ko mula pagkabata.

Pandora's First LoveWhere stories live. Discover now