(Tug of War) Part 8

150 6 0
                                    

"Everyone always wants to know how you can tell when it's true love, and the answer is this: when the pain doesn't fade and the scars don't heal, and it's too damned late." 

― Jonathan Tropper,



------------------------------

WALANG reklamong dumating sa akin mula sa barangay. Imposible nga 'yon kung tutuusin dahil kilalang maligalig ang pamilya ni Seth pero tahimik kahit ang mga dalahirang kapitbahay.

Ano kaya ang nangyari?

Gusto ko na sanang magsaya na baka isa itong normal na araw, pero may bagong pasabog si Gabriel.

"Good morning, Ma'am!"

Fan ako ng Action Korean Drama, to the highest level rin. Pero hindi ko pinangarap na salubungin ako ng apat na maton sa ibaba ng hagdan ng bahay ko. At lahat sila, square ang hugis ng pagmumukha. 'Yong tipong hindi pahuhuli ng buhay. Karakas pa lang, mangingilabot ka na. Parang hindi sila miembro ng security team ng  hotel.

Ang mga nakita ko kasi doon, guwapo, matatangkad at puedeng extra sa mga action films. At sa ilalim ng perpektong uniforms, alam mong may washboard stomachs o panty-dropping six pack abs.

Si Gabriel agad ang naisip ko. At kinumpirma 'yon ng driver ng itim na kotse na nakapark sa tapat ng bahay ko at pinipilit akong sumakay kung mamalengke raw ako.

Sa galit ko, nasinghalan ko rin ang pobre. "Sino ba kayo? Hindi ba ninyo alam na harrasment ang ginagawa ninyo? Sinong nag utos sa inyo na gawin ito?"

Nagkamot sa ulo ang driver na sumasabay ang minamanehong kotse sa paglalakad ko. "Eh, Ma'am, huwag naman po kayong magalit sa amin. Sa akin. Napag utusan lang po kami ni Boss G. Kapag hindi po namin ito ginawa, masisisante po kami."

Boss G? Abbreviation ba 'yon ng Gago o Gunggong?

At sandali lang...boss?

Ano ba ang job description ng isang---trouble shooter?

"Nasaan ba ang Boss ninyo, ha?"

Ibinigay niya sa akin ang phone matapos mag dial. Pero kahit isang daang 'Hello' ayaw akong sagutin nang nakikinig sa kabilang linya.

Sigurado akong si Gabriel 'yon.

Tinatakpan siguro ang mouthpiece ng phone.

"Hoy, lalaki," Simula ko kahit ayaw niyang magsalita. "Baliw ka na ba talaga? Wala ka bang magawa? Tinatakot mo ang mga kapitbahay ko. Paalisin mo na ang mga tauhan mo!"

Pero wala rin akong sagot na nakuha.

Mamamalengke talaga ako pero kinalimutan ko na.

"Dalhin mo ako kung nasaan ang amo mo. Ngayon na!"

Saglit pa at nasa Invictus Security Agency office na kami kung saan ako dinala ng 'tauhan' ng trouble shooter. Sa firstfloor ng Silveria Hotel. Humahangos akong bumaba, pero hinarang ako ng mga guard sa labas pa lang ng opisina.

"Sorry, Ma'am. Kung wala po kayong appointment kay Boss G, hindi namin kayo papasukin."

Baritono, malalim at parang nananakot.

Tumirik ang mata ko sa galit. Nananadya ba siya?

Shit to nth power!

Kay Lucas ako dumeretso. Sa Opisina nito sa hotel, sa second floor. Nawalan ng silbi ang pagkamangha ko sa interior niyon dahil galit na galit ako kay Gabriel.

May kausap siya nang dumating ako pero nang malaman sa secretary niya na ako ang nasa labas, pinaalis 'yon agad at ako ang hinarap.

Ayaw ko nang isipin kung nakaabala ako. Masyado akong galit para isipin ang ibang tao.

"Ginugulo niya ang buhay ko," simula ko kay Lucas, si Gabriel ang tinutukoy ko. "Hindi na tulong ang ginagawa niya—ginigipit na niya ako. Please, Lucas, baka naman may magagawa ka?" Ngayon lang kami nagkita pagkatapos ng halos sampung taon at heto ako, humihingi na agad ng pabor. "Sana maunawaan mo ako. Gusto ko lang naman ng pribadong buhay!"

Sabihin nang advance at OA ako, pero desperado na akong matigil agad ito.

Naglalaro ang daliri ni Lucas sa baba nito, sa gilid ng labi, saka huminto. Kung ibang babae ako at attracted sa kanya, baka nag init ako kung gaano 'yon kagandang pagmasdan. Gabriel's brother is one hell of a hunk.

Ang bawat taon ba, aura ng kapangyarihan ang regalo sa kanila ng tadhana?

napakasuwerte naman. samantalang ako---masisiraan na yata ng bait.

"Kilala ko si Gabriel. Siguro, nakita niyang may banta sa seguridad mo. 'Yon ang forte niya, hindi siya maaring magkamali. Alin sa dalawa, tanggapin mo ang tulong na iniaalok niya o pakikialaman ka talaga niya sa lahat ng oras."

Hindi ba pareho lang 'yon?

"Dahil pa rin ba sa nangyari sa akin dito?"

Nagkibit-balikat ito. "Perhaps, or there's more. Hindi ko alam. Hindi niya sinasabi sa akin ang mga iniisip niya. Nawawala rin siya at hindi umuuuwi sa bahay. Akala ko nga, sa 'yo na nakatira, eh."

"Lucas..." Parang sasabog ang mini-brain ko.

"I'm not part of Invictus team, Anna. Trabaho 'yon ni Gabriel. " marami ring nagbago sa Kuya ni Gabriel na makikita lang kung tititigan mo ito. Pero may napakatinding kalungkutan sa mga mata nito na para bang namatayan ng mahal sa buhay. Matinding pagod o higit pa. Nagsasalita ito, nakokonsensya naman ako. Alam kong mali na ito ang sinugod ko at hindi si Gabriel na hindi mahagilap. "Kaya wala akong magagawa. Sigurado ako, kakausapin ka lang niya kung sasabihin mong tinatanggap mo na ang gusto niya."

Wala akong nagawa kundi bumalik sa bahay.

At para manatili sa loob ng kotse ang mga bantay ko at hindi magkagulo, kapag may kailangan ako, si Julia ang tinatawagan ko. Dinalhan ako nito ng isang tambak na grocery na halos hindi magkasya sa pantry ko.

Pinuno namin ang ref ko na laging walang laman.

Anim na gallon din ng malaking mineral water ang in-order ko ng sabay sabay.

Kasama nito ang tatlong lalaki na gumagawa sa commercial space sa ibaba ng apartment nito sa lahat ng oras na nasa bahay ko ito.

Isang linggo kong hindi nakita si Gabriel. Isang linggo akong galit na galit sa kanya. Ang dami ko pa namang problema.

Kung may advantage man ang paglalagay ng mga bantay sa ibaba ng bahay ko, mukhang nakatagpo ng katapat ang mga Almario. Hindi na nanggugulpi ang siga na si Seth. At maraming nagtatanong kung paano kukunin ang serbisyo ng mga bodyguards in black uniforms sa harap ng bahay ko.

Kita mo nga naman—kikita pa rin si Gabriel kahit sa ganitong paraan?

Pero isang tawag ang dumating sa akin natatapos sa kalokohan ng lalaking 'yon.

May buyer na ang bahay ko.




Pandora's First LoveOnde as histórias ganham vida. Descobre agora