(Thousand needles)Part 3

217 5 0
                                    


"We die a little every day and by degrees we're reborn into different men, older men in the same clothes, with the same scars."

-------------------------------



"SORNA Bestie, may nilakad ako nitong mga nakaraang araw at walang signal ang phone sa lugar na pinuntahan ko." Ewan pero parang hindi ako kumbinsido sa sinabi niya. "Kamusta ang lakad mo kay Madam A?"

Si Julia ang nagrefer sa akin sa mayamang negosyante. At dahil doon, pinili kong sabihin sa kanya ang mga nangyari. Lahat. Napakatagal tuloy niyang hindi nagsalita.

"Jesus, nanlamig ako," nangatal rin ang tinig niya. "Muntik ko nang nabitiwan 'yong phone sa sinabi mo. Ang alam ko kasi, Emildefic designs lahat ng mga alahas noon. Kung diamante, magkano kaya ang halaga?"

"Kung hindi ako nagkakamali, base sa carat weight at markings—mahigit isang milyong piso."

Literal siyang inubo. Pero optimistic ang bff ko. Mabilis na sinabi: "Huwag kang panghinaan ka ng loob, Bes. Kaya natin 'yan. May kaunti akong ipon sa bangko at cash dito. Ipapahiram ko muna sa 'yo."

"Huwag na," agap ko. Naupo ako sa gilid ng kama.

Alam kong pinag ipunan niya ang paglabas ng nanay niya mula sa rehab at ang posibilidad na mangibang bayan sila niyon kapag nakalaya ang stepdad niya na nakakulong dahil sa illegal possesion of dangerous drugs. Si Julia kasi ang dahilan kaya nasadlak sa piitan ang walanghiyang lalaki. Sinubukan kasi siyang ibugaw sa dating customer ng nanay niya. Mas mabigat pa nga 'yon sa mga problema ko, eh.

Dadagdag pa ba ako?

Pinili ko na ang magsinungaling: "Nakausap ko na ang pinsan ko, si Maxine. Tutulungan daw ako na mapalitan ang alahas."

Ang tagal niya bago nagsalita. "Anna Marie Medrano—nagsisinungaling ka ba sa akin? Hindi kayo in good terms di ba? Kahit noong bata pa kayo, halos isinusumpa ka niya!"

"Nagbabago ang tao, Beastie. Ano ka ba naman?"

"Sigurado ka diyan? Hindi ka nagsisinungaling?"

Wala akong maisagot.

"Hosha," sigurado akong kumumpas siya sa hangin. "Paniniwalaan kita. Hindi ko na iisipin 'yan, sure ka talaga?"

"Oo na nga. Bata ba ako para hindi ko kayanin ang problema ko?" biglang kambiyo ako nang maramdaman kong nananahimik siya, pinag aaralan ang intonation ng boses ko. "Ang yaman ni Maxine! Barya lang 'yon sa kanya!" ipinagdiinan ko pa.

"Okay." Buntonghininga niya. "I trust you. Kung magkakaroon ng aberya—narito lang ako para sa 'yo, huwag mong kalimutan 'yan."

"Yes, ma'am."

Nang wala na si Julia, napansin ko ang suot kong singsing. Galing 'yon kay Carlos, kaya bakit nasa kamay ko pa rin?

Nakita kaya 'yon ni Gabriel kaya inaasar ako na kung galing sa exes ko ang diamond rings?

Hinubad ko 'yon at inihagis loob ng sa maliit na wooden box sa unang drawer ng tokador ko.

May isa pa akong kakaibang ugali na baka wala sa ibang mga babae. Kung karamihan, ang iniipon magagandang memorabilias at alala—ako—hindi.

Ako lang siguro ang may baul na katulad ng Pandoras' Box na malulungkot na bagay at parang mga sumpa ang laman.

Minana ko sa lola ko ang box niyon. Pero hindi ko ito ginagawa para sabihing malas ako sa buhay. Ang mga laman kasi ng baul ang nagpapaalala sa akin na wala akong kahit sinong dapat asahan sa mundong ito kundi sarili ko.

Sa tuwing dumarating ako sa punto na parang wala nang magandang nangyayari sa buhay ko o nawala na naman sa akin ang lahat, isa isa kong tinitinggan ang laman ng baul.

Nare recharge ako kapag nakikita ko ang mga 'yon. Para 'yong mga maliliit na hamon.

Napakarami nang nawala sa akin. At heto naman ang takot. Mukhang hindi ako patutulugin.

Sana may paraan. Dahil handa kong gawin ang lahat huwag lang mawala sa akin ang huling pag aari ko; ang aking haunted house.

Gagawin ko ang lahat basta hindi imoral.

Kahit ano.

Pandora's First LoveWhere stories live. Discover now