(band aid)Part 2

287 11 4
                                    


GUSTO ko nang iuntog ang ulo ko sa naa-agnas na haligi ng bahay ko nang makauwi ako. Sa tindi ng shocked ko sa nangyari, halos hindi ko rin alam kung paano ako nakabalik.

Hindi kasi ako makapaniwala na kung kelan nangyari sa akin ang kamalasan ko sa hotel, sakto pa na naka off daw ang lahat ng CCTV dahil sa installations ng mga bagong lines niyon.

Sumugod na rin ako sa security manager's office, pero wala pa raw operasyon dahil nasa business trip daw at hindi masasagot ng mga security personnels ang reklamo ko.

Nagpabalik balik lang ako sa front deask, pero wala ring nangyari. Sa huli, humingi ako ng tulong sa mga pulis kahit na alam kong wala akong mapapala dahil detalye lang ang naibigay ko sa kanila.

Tatlong araw ang mabilis na lumipas. Ginawa ko ang lahat: naningil ng pautang pero wala. Nanghiram sa mga natulungan, pero kapos rin daw sila. Nag audit ng raw materials na natira sa akin at personal kong mga alahas. Pero matay ko mang isipin, kahit sama-samahin ko ang lahat ng meron ako, hindi ko pa rin mabibili ang kahit isa sa tatlong singsing.

Kung hindi ko alam ang bagsakan ng natural at synthetic diamonds, aabot ang halaga ng naiwala ko sa 1.2 million pesos!

At dahil hindi ako wholesaler, maka less man ako, suwerte na ang 5% from the regular price ng bawat bato. Depende pa 'yon sa cut and clarity kung first class o hindi.

Sinabunutan ko na ang buhok ko.

Mababaliw yata ako!

Inihagis ko na lang sa working table ko ang inventory sheets at ibinagsak ko sa kama ang sarili ko. Nakatulala sa kisame.

May isa pa namang paraan para matapos ang problema ko-ang bahay ko. Pero kung ibebenta ko ang house and lot ko, saan naman ako pupulutin?

Isa pa, mahal na mahal ko ito at komportable na ako dito. Kung papipiliin nga ako: love life o ang haunted house ko-isisigaw ko sa kalye ang huli with matching placards pa!

Gusto ko rin sanang may makausap, pero kahit si Julia, hindi ko man lang mahagilap. Ano ba ang pinagkakaabalahan ng bestfriend ko? Wala man lang akong mapagsabihan ng kamalasan ko.

Naka off na naman ang phone nito.

Nasa ganoon akong kondisyon nang may kumatok sa pintuan ng balkonahe ko. Lumabas ako para harapin kung sino kahit na alam kong halatang pasan ko ang mundo.

Bagong ligo ako pero magulo ang buhok. Hindi ko na nasuklay nang maayos. Mabango nga ako, luma naman ang tank top at kupas na rin ang short ko at sobrang iksi. Pekpek short na yata ang tawag dito. Hindi na ako nagsuot ng slipper at tumakbo na ako para buksan ang pinto.

Umaasa ako na aalis rin naman agad sino man ang dumating.

Marami akong customers sa alahas na sa balkonahe ko na nagpapagawa on the spot. Siguro, isa lang sa kanila.

Pababalikin ko na lang sa ibang araw.

"Sino po sila?" Maliit lang ang siwang na ginawa ko, sapat para makita ang bisita. Pero nang matitigan ko ang nakatayo ilang pulgada ang layo sa mukha ko-napaatras ako at muntik nang matumba.

"G-gabriel?"

Daig ko pa ang nasumpa.

Si Gabriel Ignacio ay isa sa mga tao na hinding hindi ko gugustuhing makita kahit naghihingalo na ako.

"I-Ikaw? A-Anong ginagawa mo dito?"









"H-Hi..."

Sigurado ako na hindi lang ako ang natulala nang magtama ang aming mga mata.

Pandora's First LoveWhere stories live. Discover now