(Bridge to burn)Part 5

140 4 0
                                    


"Secrets are like scars. The cut may no longer be there, but the scar's white line tells a story. Unless you share it, it's like you're hiding a part of yourself the whole world can already see. They may not know the how or the why, but they see it just the same." (rp)


---------------------




NAPUTOL ang pagbabalik tanaw ko nang marinig ko ang pamilyar na sipol mula sa balkonahe. Pusong bato, the faster version at isa lang ang kilala kong may sayad na gumagawa noon  nitong mga nakaraang araw sa tuwing tatapak sa balkonahe ko—si Gabriel. Napaigtad ako sa pagkakahiga.

Napilitan akong lumabas. Na naman.

"Talagang hindi ka rin makulit, ano?" Ibinalandra ko talaga ang dahon ng pinto. Pinagkrus ko na naman ang kamay ko sa tapat ng dibdib ko dahil nanginginig na naman ako sa lamig sa tindi ng inis ko sa kanya. "Bakit narito ka na naman?"

Araw araw talaga? Wala talagang mintis?

Humigit siya ng hangin—malungkot?

"Alam mo na. Nasermunan na namn ako ni Lucas dahil hindi ko naayos ang problema." Nagkamot ng ulo, parang totoo na kunsumido. "Masisasante na nga yata ako."

Nag inventory tuloy ako sa hitsura niya. Gaya noong una, signature clothes ang suot niya. Mula printed dress shirt, black slacks at makintab na sapatos. Iba rin ang modelo ng Rolex na suot niya.

Dapat ba akong maniwala sa kanya?

Gusto kong matawa sa inis. "Hindi ba contradiction ang sinasabi mo? Dapat nga matuwa kayo dahil hindi mababawasan ang milyones ninyo. Aminin mo na, nang aasar ka lang. Wala kang magawa sa buhay." Sinong hindi magngingitngit?

Pagdating talaga sa kanya, ubos agad ang energy reserve ko. Magkakasakit ako kung laging ganito. Dala ng inis, hindi ko muna inisip bago sabihin:

"Kamusta naman si Charlotte?" Kahit ang pangalan ng babae, hindi ko pa nakakalimutan. "Bakit hindi siya ang puntahan mo para may clown ka at hindi ako ang ginagawa mong katatawa tawa?"

Huli na nang maisip na para ko na ring inamin na hindi ko pa rin nakakalimutan ang lahat.

"Single pa rin ako." Tumingala siya sa akin, proud. Liyad ang dibdib. Ang boyish na ngiti, nakakainis. "At si Charlotte, siya ang in charge sa Kitchen ng Hotel. Kaya nga noong reunion ng pamilya ninyo, isinama ko siya. Tuturuan daw niya si Margo ng mga recipes niya." Si Margo ay asawa ni Dax. "May boyfriend na siya ngayon. Ang totoo, hinihintay ko na lang siya na sabihing ako ang bestman sa kanilang kasal."

Natameme ako sa haba ng kanyang paliwanag.

Hindi nga? At bakit naman ako maniniwala sa isang manloloko?

"Tanggapin mo na ang offer ko," ungot niya nang hindi agad ako nakapagsalita. "Hindi pa ako nagtatanghalian bago ako umalis sa hotel." May dala siyang isang higanteng basket ng prutas na libo ang halaga. Nakapatong nasa center table gaya ng lagi niyang ginagawa kapag dumadating sa bahay ko.

ang bagay na 'yon, hindi ko kayang tanggaping 'sweetness'.

"Ang babaw ng dahilan mo." Asik ko. Diskarte rin niya ito noon kapag gustong mag over stay sa kubo namin. Lalo na kapag nag iisa ako. "Eh, 'di kumain ka muna sa labas. Marami diyan along the hi-way. Yon nga lang, anak mayaman ka nga pala. Baka masira ang tiyan mo."

Nang aasar lang ako. Hindi maselan si Gabriel sa pagkain. Ako 'yon. Napipilitan pang manghingi ng ulam si Lola Awit dahil ayokong kumain. Isa ako sa poorita na napaka pihikan sa pagkain. 'Yong mas gugustuhin pang matumba sa gutom kesa pagtiisan ang hindi ko gustong ulam.

Pandora's First Loveजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें