(her heaven, his hell) Part 7

120 4 0
                                    


"In a perverse way, I was glad for the stitches, glad it would show, that there would be scars. What was the point in just being hurt on the inside? It should bloody well show." 

― Janet Fitch


------------------------------


KINABUKASAN, hindi ko akalain na magkakatotoo ang kutob ko kay Gabriel.

Gumagawa ako ng bangle na yari sa purong 10k gold filled wire, nang marinig ko ang tila pagakakagulo sa labas. Binalewala ko na lang. Hindi kasi ako chismosa. Pero maya maya, narinig ko na ang pagkabasag ng tila windshield ng sasakyan. At ngayon, sigaw na ng kapitbahay ko na umaakyat sa hagdanan.

"Naku, Anna, 'yong manliligaw mong naka itim na SUV, pinagtutulungan na sa labas!"

Itim na SUV? Napatalon ako nang maalala kong si Gabriel lang ang may ari ng sasakyang ganon na naligaw sa bahay ko.

Naunahan ko pa si Aling Bekang pababa ng bahay.

Si Gabriel, kahit medyo kumakalat na ang dilim, mabilis kong nakilala. Para siyang lumipad sa ibabaw ng tatlong tao na sasalubong sana sa kanya. Sa likuran niya, nakahiga na ang iba pang lalaki na kakilala ko rin. Mabilis ang kilos niya, parang grim reaper na segundo lang kung kumuha ng kaluluwa. Halos wala akong nakikitang malakas na puwersang ginagamit niya sa harap ng mga kaaaway, pero isa o dalawang suntok lang, lahat 'yon natutumba.

Nakapagaling niya.

Tama siya, mas magaling pa siya kay Yuri Boyka. 'Yon nga lang, hindi ko nakita ang signature double kick ng idol ko bago bumagsak ang huling kalaban niya—si Seth.

Aaminin ko ba na kinikilig ako?

Nang matapos ang gulo, parang walang ano man siyang pumihit pabalik—sa bahay ko. At dinagit niya ako nang madaanan niya ako sa tabi. Halos pabasta rin niya akong pinakawalan nang nasa balkonahe na kami.

"Lumipat ka na ng bahay. Bibilhan kita kung gusto mo. Basta malayo dito," halos hindi rin siya humihingal. Pulang pula siya. 'Yon pala, galit na galit na siya at bigla na lang sumigaw nang napakalakas.

"Aaaaaaaahhh!"

Nag echo 'yon sa buong paligid. Nagliparan ang ilang ibon sa malapit na puno at nagtahulan ang maraming aso. Tumigil din si Mang Carpio na adik sa pagvi-videoke sa araw araw na ginawa ng Dios kahit sintonado.

Napakapit ako sa balustrahe.

Natakot din ako sa kanya kahit paano. Bakit ba siya nagkakaganito? Para siyang hari ng mga leon na kinain ng Leopard ang asawa at mga anak.

"Hindi ako puedeng umalis dito. Sanay na ako dito."

Sinibat niya ako ng tingin.

Tinatagan ko ang tindig ko.

Siya, nakatayo sa harap ng balkonahe ko, paharap sa silangan kung nasaan ang mga kaaway na pinataob niya kanina. "Sanay ka na rin ba na pinag uusapan ka ng mga tarantadong 'yon? Wala ka bang isip at hindi man lang sumagi sa kokote mo na pinagnanasaan ka na pala ng mga lalaki dito?"

"Hanggang ganon lang sila. Hindi naman nila ako pinakikialaman dito." wala sa sariling naupo na ako.

"Hanggang kailan? O hihintayin mo pa na may umakyat na lang sa bahay mo?"

Ang totoo, dalawang beses nang nangyari 'yon. Pero marunong naman akong lumaban. Parehong tumalon sa bintana ko ang salarin sa dilim kapag nagigising na ako. Dinagdagan ko na lang ang lock sa bahay ko.

At saan naman ako pupunta? Sawang sawa na akong magpalipat lipat ng lugar. Ayoko na.

"Salamat sa pag-aalala. Pero madali lang naman 'yan: huwag ka na ditong bumalik para hindi ka na madamay."

"Lintik lang kung papayag akong naririto ka! Ipababangga ko sa ten wheeler ang bahay mo kung kailangan ko 'yong gawin para matauhan ka!"

"Wala sa 'yong pumipigil." Ganti ko. "Mayaman ka. Maraming koneksyon. At sino ba naman ako? Pero magtatayo lang uli ako ng kubo at babalik pa rin ako dito."

"Anna!"

"Umalis ka na," tumayo na rin ako para pumasok sa loob ng bahay. "At huwag ka nang babalik."

Masuwerte siguro ako na hindi niya ako hinablot. O baka marami pa siyang alas kaya hinayaan niya ako.

Pandora's First LoveWhere stories live. Discover now