(Deadly Roots)Part 4

157 5 1
                                    


"Out of suffering have emerged the strongest souls; the most massive characters are seared with scars." (rp)


------------------------------



"KUNG saan hindi mo gusto—doon ka dadalhin ng buhay."

Ang words of wisdom na 'yon ni Lola Awit—naaalala ko ngayong mahigit dalawang linggo na ang nakaraan pero wala pa ring bumibili ng bahay ko. Mukhang nanganganib na mawala ang nag iisa kong pag aari.

At habang dinadaga ang puso ko na baka ipakulong ako ni Madam A at isiping pinag intresan ko lang ang alahas nito—si Gabriel naman, binubuwisit ako.

Araw araw yata, kapag malapit nang dumilim, nasa bahay ko ang loko. Hindi ko na lang pinapansin kesa magalit ako. Hindi naman kasi siya pumapasok sa bahay ko. Sampung minuto tuwing hapon at aalis din siya. Para bang binabakuran ako o ano.

Kung may hindi man pabor sa kalamigan ko kay Gabriel, si Julia 'yon, ang pusong mamon kong bff.

"Napakalupit mo naman," aniya ngayon sa phone. Kinukumusta uli ako kung kumain na ako at naikuwento ko na madalas sa bahay ko si Gabriel.

Ang oras pasado alas singko ng hapon. Ano mang sandali ngayon, malamang sa hindi, darating na lang si Gabriel. Pero hindi ko aaminin na siya ang dahilan kung bakit binago ko ang oras ng second bath ko. Siguro, mas tamang sabihin na gusto ko lang maging presentable sa lahat ng oras.

Sinagot ko ang sinabi ni Julia na naging malupit yata ako kay Gabriel.

"Tama ako, alam ko. Wala rin akong pinagsisisihan." Iniba ko na rin agad ang usapan. "Anong ginagawa mo?" Nagbago ako ng posisyon para ibigay sa kanya ang atensyon ko.

"Iniisip ko kung kelan pa magpapatawad, Anna," ngayon ko lang narinig ang pinakamalungkot na boses ni Julia. "Ang alam ko kasi, mas nasasaktan tayo kapag hindi nakakalimot. At kaya ganyan ka, hindi mo pa nagagawa 'yon. Sinasabi mo lang lagi na nakalimutan mo na ang lahat ng nangyari sa 'yo noon, pero hindi. Yakap mo sila kahit binabangungot ka na."

Nagpatuloy siya nang hindi ako umimik. "Sa tingin ko kasi, mali na sinasaraduhan ng pinto ang mga taong gustong lumapit uli sa 'yo. Nakasakit man o hindi. Kaibigan man o kaaway. Mabait sa 'yo o salbahe. Lahat sila puedeng magbago. O makabawi. Minsan, ikaw pa nga ang nagsabi sa akin no'n, eh: hindi dapat binabalewala ang kabutihang loob, gaano man kaliit 'yon."

Hindi ako nakapiyok. Oo nga. Sinabi ko 'yon.

Itinakwil kasi sina Julia ng mga kamag anak nila nang malamang prostitute ang mama niya at kumabit sa isang mayaman kaya napag-aral ang ibang kamag anak.

Kelan lang, sinabi ni Julia na dinadalaw siya ng ilan sa mga 'yon sa apartment niya.

At hinaharap niya nang walang sama ng loob.

Napabuntonghininga ako.

Nagpatuloy siya nang hindi ako umimik.

"Try to be more open minded at magbigay ng konti pang allowance. Halos sa 'yo ko rin 'yan natutunan  bago mamatay si Uncle Rex mo. Sana naaalala mo pa. Ikaw na rin ang nagsabi noon na tao lang tayo at hindi natin alam ang nangyayari sa buhay ng iba. Paano kung sa kaso ni Gabriel, marami lang bagay na nangyari na hindi niya masabi sa 'yo? Puwedeng ganon hindi ba? Napakaraming dahilan lalo na't mga bata pa kayo noon. maraming kinatatakutan. Maraming bagahe na isinasa alang alang. Malay mo, closure lang sa pagitan ninyo ang katapat para magawa mo uling magtiwala sa iba. Kay Carlos na lang halimbawa, wala kang narinig sa akin kung ano ang tingin ko sa kanya. Sasabihin ko na rin ngayon, nakaawa ang relasyon ninyong dalawa. Akala mo lang ikaw ang unang sinaktan. Pero hindi. Ilang beses ko ring nakita na mukhang tanga 'yon tao kahahabol sa 'yo. Naisip mo ba na baka—"

Pandora's First LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя