(Silver Lining) Part 9

142 5 2
                                    

"Our scars are a witness to the world. They are a part of our story. Healed wounds that are symbols that God has restored us." RP

-------------------------

"MARAMING salamat po!"

Sa sobrang tuwa, hinalikan ko ang phone ko matapos ang tawag ni Mr. Chan, ang buyer ng bahay ko. Hindi na siya humirit sa presyo kong 950k kahit na nabili ko lang ito sa halagang 450 thousand pesos.

Six months ago, personal na rin niyang tiningnan ang bahay ko. Pero hindi ang house and lot o ang solar ang habol niya—ang mga antigong gamit dito na marami na ang nagsabi na may 'halaga'. Hindi ko lang binigyan ng panahong seryosohin at ewan ko nga ba.

Pag aari ni Mr. Chan ang pinakamalaking antique shop sa kabisera ng Villasin. At galante sa unang pagkikita pa lang namin. Mas natuwa ako nang alukin niya ako ng isang deal: kung kaya kong tubusin sa loob ng tatlong buwan ang bahay ko, ibabalik niya ito sa akin nang walang tubo pero lahat ng mga sinaunang gamit ay sa kanya na. Maliban doon, unlimited ang grace period na ibibigay niya sa akin hangga't hindi ako nakakahanap ng lilipatan.

Pakiramdam ko, tumama ako sa lotto sa ikalawang pagkakataon. Kung maidi-deliver ko kasi kay Madam A ang mga pagawa niyon, kikita ako ng 500k na tumatinting. Malaki pa rin ang kulang para mabawi ko ang house and lot, pero sa mundo ng mga alahero, alam kong sa bawat araw na daraan, hindi mo alam kung ano ang biyaya ang kakatok sa 'yo.

May mga araw na big time ang kita dito. Siguro naman, sa loob ng tatlong buwan, kung mag-i-extra effort ako, kaya kong kitain 'yon.

Nakahinga na ako nang maluwag.

Sa wakas, tapos na problema ko.

At dahil ang iba pang pagawa ay natapos ko nang lahat maliban sa tatlong diamond rings na nawala, binalak kong bigyan ng pahinga ang sarili ko.

Rest mode mula sa ilang linggong problema.

Pero bago 'yon, kailangan kong ipamigay ang prutas na galing kay Gabriel. Hindi sa naniniwala ako sa gayuma gaya ng panakot sa akin ni Lola Awit na huwag kakain ng bigay ng manliligaw—ayoko lang ng kahit anong magandang alala sa kanya. Doon kasi ako nagsimulang mahumaling sa kanya noon.

Sa dami ng regalo niya at overload na pa-cute.

Mas mabuting pakinabangan ng mga bata sa elem na nasa ilalim ng feeding program ng gobyerno.

Tinawagan ko si Aling Bekang na regular na tumatanggap ng pasalubong ni Gabriel.

Isa si Aling Bekang sa malapit sa akin. Namatayan ng nag iisang anak. Na depress at halos mabaliw nang iniwan pa ng asawa. Nag suicide ito at ako ang nakakita dito nang maglaslas ng pulso sa kusina nito. Mabuti na lang dinalhan ko ito ng ulam noon dahil alam ko ang pakiramdam ng 'nag-iisa'.

Sa hospital, ilang beses pa rin nitong sinubukang magpakamatay kaya inaway ko ito. Pero wala itong pinakinggan sa dami ng dahilang ibibigay ko sa kanya. Kaya nanatili ako sa tabi nito hanggang sa iuwi ko sa bahay ko.

Inalagaan ko ito ng halos isang buwan. At isang araw nagpaalam na lang. Nagtayo ng maliit na sari sari store sa tapat ng escuelahan at nagsimulang tawagin lahat ng batang nakikita na 'anak' nito.

Kalaunan, minahal ito ng marami at naging mabuti kong kaibigan.

Naligo ako at nagbihis.

Gusto ko sanang mag grocery kahit na nahaharap ako sa malaking gastusin. Matapos ko kasing ma-depressed ng halos tatlong taon, nakalimutan ko ang healthy living.

Gusto kong alagaan uli ang sarili ko.

Pababa na ako ng hagdan nang tumawag si Margo. Umiiyak ito kaya nahulaan kong may hindi magandang nangyari.

Sa tagal naming nag uusap, nalaman ko na matagal nang nakasanla ang bahay ng mag asawa.

Noong isang taon, alam ko rin nang tamaan ng leukemia ang bata. Bago 'yon, dumaan sa open-heart surgery ang mama ni Margo at si Dax ang nag-shoulder niyon. Pero hindi ko alam na pinasok ni Dax ang pangungutang sa mga Loan Shark. Nagkapit gipit ang mag anak nito. At kanina, tinambangan daw ng mga tauhan ng Loan Shark si Dax at binugbog. Binalewala daw kasi nito ang mga death threat na natatanggap.

Kung hindi mababayaran kaagad, may hindi magandang mangyayari sa mag anak.

Nakalimutan ko agad ang sarili kong problema. Noon din ay naghanda ako para pumunta sa mag asawa. Tatlong oras din ang biyahe mula dito sa bahay ko. At sinabi ko sa sarili kong hindi ako uuwi nang hindi tapos ang gulo.

Kinabukasan, nang mai-wire sa bank account ko ang perang bayad sa bahay, binayaran ko agad ang utang ni Dax sa Loan Shark. At umuwi akong tulala nang araw ding 'yon.

Oo nga pala, paano na ang problema ko?

-----------------

"HINDI ko sinasabing mali ang ginawa mo pero paano ka naman ngayon?" Si Julia ang nasa bahay ko. "Ang saklap kasi, Bes," hinihilot nito ang sentido. "Nawalan ka ng tatlong diamond rings, naibenta mo na rin ang bahay at lupa mo, at may mahigit isang linggo ka na lang para mapalitan ang mga diamond rings ni Madam A. Saan naman tayo kukuha ng perang kailangan mo? At kahit ibenta ko ang property ko, aabot pa ba tayo para mapalitan ang mga singsing? Ilang araw ba magpagawa ng isa noon kung custom-made?"

Siguradong nakita ni Julia ang marka ng X sa kalendaryo ko.

Tama siya.

Paano na nga ba?

"Hindi naman 'yon problema," naghagilap ako ng isasagot. mahina kaysa karaniwan ang boses ko. Pagod na pagod rin ako sa mga nangyari. Pero anong magagawa ko? Pamilya ko sina dax. Hindi bale nang nawalan ako ng bahay, nag iisa naman ako. Mas malahaga ang buhay sa kahit anong bagay. "May ready made sa Prudencia, 'yong pinakamalaking jewelry shop sa hotel kung saan ko 'yon nawala. Gusto ko na ngang isipin na 'yon 'yong mga 'yon, pero imposible naman. Ang dami kasi nilang stocks." Sinapo ko ang ulo ko. "Nababaliw na yata ako."

Hindi ako makatingin kahit sa kaibigan ko.

Bakit ba nangyayari sa akin ito?

Bakit?

"Sumuko ka na."

"Ha?" Lingon ko kay Julia. Iba ang boses niya. Pagod na rin. "Wala namang mawawala sa 'yo kaya sumuko ka na."

"Ano ba ang ibig mong sabihin?"

"Kapag lumapit ka kay Gabriel, isang milyon ang ipapautang niya sa 'yo di ba? At saka ano ba ang mawawala sa 'yo? Ganoon ba talaga kahalaga ang pride? Kung ako ang tatanungin, hindi mo kalaban si Gabriel. Mukhang may gusto pa rin sa 'yo ang lokong 'yon. Bakit sa tingin mo halos araw araw ka no'ng inaasar?" Inirapan niya ako. "Pinili mo pa kasing magsinungaling sa akin. Tuloy, wala na tayong panahon para makalikom ng pera."

Tama si Julia.

Kailangan ko ring maging praktikal. Ang hindi ko kayang tanggapin, 'yong sinabi niya na may gusto sa akin sa Gabriel. Iba ang gusto sa awa. At iba ang awa sa pagmamahal. Lalong malayo ang pagitan ng pagmamahal sa gusto lang akong paglaruan.

Wala lang magawa ang siraulong 'yon.

"Siguro naman, hindi ka niya pahihirapan. Sa tingin ko lang. Kaya masuwerte ka pa rin talaga." Sandaling huminto na parang may naalala sa mga kuwento ko sa kanya. "At hindi ba, siya na rin ang nagsabi—ilang buwan lang makakabayad ka sa kanya? Malay natin, sa Prudencia ka pa mapunta. Alam kong dream job mo 'yon, di ba?"

Napabuntonghininga na lang ako.

Sumusuko.

Hindi ako makapaniwala: sa huli, babagsak din pala ako sa paghingi ng tulong kay Gabriel.

Kapag minamalas ka nga naman.







Pandora's First LoveWhere stories live. Discover now