(back to square one) Part 10

179 7 1
                                    

"Scars are not injuries. A scar is a healing. After injury, a scar is what makes you whole." (RP)

-----------------------



PUMIRMA ako ng kontrata sa balkonahe ko. Sabado ng hapon. Limang araw bago ang deadline ko kay Madam A.

Naka wire na sa bank account ko ang isang milyong piso. At tama si Lucas tungkol kay Gabriel, dahil nang magsalita ako sa phone kahit hindi siya sumasagot at sabihin ko na tinatanggap ko ang offer niya, dumating siya sa bahay ko kaagad, mabilis pa sa alas kuwatro.

Nakakagulat na siya pa ang sumugod sa bahay ko sa halip na ako ang utusan niya na pumunta sa opisina niya.

Wala namang kakaiba kay Gabriel. Pormal siyang humarap sa akin. Binasa kong mabuti ang kontrata at wala ring kakaiba na nakasulat doon maliban sa magtatrabaho ako sa kanya ng walong oras bawat araw at may day off ako once a week.

Sa totoo lang, ni minsan hindi ko inisip na totoo ang mga sinasabi ng lalaking ito. Matanda na ako para maniwala sa mga kalokohan at Galawang Hokage ng mga lalaki. Gaga ako kung sa dami ng laman ng baul ko ay wala pa akong natutunan. Hindi rin ako umaasa sa sinabi niya na ilang buwan lang, kaya kong bayaran ang utang ko.

Walang nagpapa utang na gumagawa ng pabor sa pina utang nila. Kadalasan kung hindi may tubo, may iba pang agenda. Kung mayroon man, anghel ang mga taong 'yon. At alam kong sa mga ngisi pa lang ni Gabriel, pumasok ako sa game na siya lang ang nakakaalam ng rules.

Alam kong walang 'libre' sa mundo: lahat, may kapalit.

At sa aming dalawa namin ni Gabriel, ako ang talo. Gayunman, ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako magagalit sa kanya kahit gaano siya kakulit. Huwag lang niyang sasamtalahin ang sitwasyon dahil mas gugustuhin ko pang harapin si Madam A at ang mga consequences nang nangyari. O balian siya ng buto kung overtures ang gagamitin niya sa akin.

Maraming nabago sa akin ang sampung taon. Sigurado akong lalo na sa kanya.

Ang pinakamagaan na kaya kong isiping dahilan---baka gusto niyang 'makabawi' sa mga atraso niya sa akin noon.

Maingat kong itinulak palapit sa kanya ang pirmadong papeles. Na hinayaan lang niya sa ibabaw ng mesa.

"Maraming salamat." Pormal ang tinig ko sa kanya.

"Walang anuman," nag inat, naghikab at pinuno ng hangin ang dibdib. Himalang wala siyang dala ngayon kahit balat ng mansanas. Nagmamadali bang makarating sa akin? "Kailan ka puwedeng magsimula?" komportable na siya. Parang taong nabunutan ng tinik at walang ano mang inaalala.

"Sa lunes, okay lang?" Sabado ngayon. At may ilan pa akong kompromisong tatapusin.

Bumulong sa hangin. Hindi ko narinig. "Akala ko ngayon na." saka ngumisi. Bumalik na ang makulit na Gabriel. 'Yong isip bata. Nagsalubong ang kilay ko. "Gusto ko sanang magpamasahe, eh. Puwede ba?"

Naglapat ang bibig ko pero napigilan kong barahin siya. "Kung ganyan ang ipagagawa mo sa akin, tawagin mo na lang ang mga pulis. Handa na akong makulong."

Tumawa siya. Naghikab uli. "Alam ko," ang sabi, pinadaan sa batok ang kanang kamay, ikiniling ang ulo sa kaliwa at sa kanan. Maingat na minasahe ang batok niya. "Puwede ba ako ditong magpahinga?" Tinapik ang upuan na halos hindi siya kasya.

"baka ang ibig mong sabihin, makikitulog ka?" Inaasahan ba niyang ipagtatabuyan ko siya? "Okay lang. Kahit hanggang alas dies ng gabi. May curfew dito dahil sa mataas na crime rate. Okay lang ba kung bago 'yon, eh, nakauwi ka na?"

Gusto kong maging sibilisado lalo't Boss ko na siya.

Umunat na ang paa niya sa katapat na wicker chair na hindi ko inukopa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pandora's First LoveWhere stories live. Discover now