(CPR/ Keeping her Close)Part 6

142 4 0
                                    



"Scars have the strange power to remind us that our past is real." (RP)


--------------------------------------

ANG KAPAL NG MUKHA MO.

Gusto kong sabihin 'yon kay Gabriel nang ibagsak ko sa center table sa labas ang tray ng kumpletong set ng ulam at kanin. Naalog ang baso ng tubig at halos matapon ang ulam. Pero kahit galit ako, naalala ko pang magpahabol ng over ripe banana. Hindi sa gusto ko siya, sayang kasi kung itatapon. "Talagang hindi mo ako titigilan, ano?"

Isang pilyong ngiti lang ang isinagot sa akin ni Herodes. Sa balkonahe ko siya hinarap dahil puputulan ko muna siya ng paa kung papasok pa siya uli sa bahay ko.

Ang naaliw niyang ngiti, naging matiim nang mapatitig siya sa labi ko. Bumaba sa leeg ko, at nagsimula na siyang lumunok sa halip na kumain. Alam ko ang titig na 'yon. Mukhang matapos ko siyang ipaghain, nama-maniac naman siya ngayon.

Bakit nga ba bawal pumatay ng tao?

At ano ba ang espesyal sa suot ko para maging kaakit akit?

Simpleng T-shirt na nagluluksa, pure black at leggins na walang masisilip na balat. Luma rin ang slippers ko kahit hello kitty ang designs.

Sino ba siya para magpaganda ako?

Binawi na niya ang paningin at nagbingi-bingihan sa sinabi ko. "Gaano ka na dito katagal?"

Paanong napunta doon ang usapan?

"Sa tingin mo?"

Tinikman na niya ang luto ko bago sumagot. Nang sumubo, sunod sunod. Saka nagmamadaling uminom na para bang baka layasan ko agad siya. Mukhang hindi naman siya nagbibiro na gutom siya.

Alam kong dapat na akong tumalikod. Umiwas sa usapan na puro kalokohan lang naman. Pero ang paa ko, ayaw rin makisama. Daig pa ang ipinako sa harapan ng mesa.

Ano ba ang nangyayari sa akin?

"Nalulungkot lang ako," aniya, humigit uli ng hangin. Hindi tumitingin sa akin, nakatungo sa kinakain. Umangat ang kilay ko. Nagbago na naman ba ang mood niya? "Sigurado kasi ako na marami kang naging bf. Bakit hindi ka na lang pumili ng isa sa kanila, 'yong mayaman o may kaya para hindi ka dito nagtitiis?"

'Yon na naman?

Pero bigla akong nanlamig. May naaalala ako. 'Yong sinabi ni Dax noon bago maglahong parang bula si Gabriel sa Pilipinas.

"Kung may hinihintay ka, tigilan mo na. Mag asawa ka na raw ng iba. Hindi na siya babalik."

Galit ako nang lingunin ko si Dax. "A-at sinong may sabi niyan?" alam kong napakarami niyang alam sa amin ni Gabriel, pero tama bang sabihin niya 'yon? Lumipad ang common sense ko. "Sinabi niya 'yan sa 'yo?"

Naiinis ako dahil alam din naman niya na sina Gabriel at Charlotte ang may relasyon. Ano ako—PG sa atensyon ng lalaking matagal na akong ipinagpalit sa iba?

Tama bang sabihin 'yon sa babaing hindi rin nawawalan ng boyfriend?

Hindi siya sumagot. Dumapo ang kamay sa balikat ko, magaan na pumisil doon, nagbuntong hininga nang napakabigat bago ako iniwan sa harap ng bonfire. Sa tabing aplaya pa ng San Luis noon ang unang bahay nila ni Margo.

Hindi ako makapaniwala na hindi lang  niya ako ipinagpalit sa iba—balewala pala sa herodes na lalaki ang mapunta ako sa iba?

Tumaas ang boses ko dahil sa alalalang 'yon. "May silver cleaner ako dito sa kusina, gusto mong makatikim nang manahimik ka na rin habangbuhay?" 'yon na ang limitasyon ko.

Pandora's First LoveWhere stories live. Discover now