C H A P T E R 5

285 45 13
                                    

Maghapon akong nakatunganga sa klase kaya pakiramdam ko'y walang pumasok sa akin. Bakit ba kasi ganoon na lamang ako kaapektado sa akin ng dalawang iyon? I need to retain my grades.

"Siguro kaya ka naiilang sa akin dahil ako ang laman ng puso mo," bulong sa akin ng kilalang boses.

Kasalukuyan akong nasa paborito kong lugar, sa garden dahil ito lang naman ang nagpapakalma sa akin pero kung siya lang ang makakasama ko, baka mawalan ako ng bait at makapatay ako.

"Kahit kailan, ang laman ko lang ay apdo, balun- balunan, bato, baga, at kailan man ay hindi ka magkakasya sa puso ko kaya huwag na huwag kang mag-a-assume na ikaw ang laman ng puso ko dahil first or for most, hindi ka kasya sa katawan ko," mahabang litanya ko rito.

"Pero kasya ang pagkalalaki ko kung ipipilit mo." What? Nababaliw na ba siya? O sadyang makitid lang ang utak niya? May pasalamin pa siya sa mata para magmukhang matalino pero bobo rin naman pala and worse malibog pa.

"Such a pervert one. In Tagalog, malibog, bastos, mamboboso at tigang!" inis kong sigaw dito.

Mayroong mga babae na nagtatakbuhan papunta sa kinauupuan ko at ni Prile.

"Prile, pwede ka ba mamaya?" tanong ng isang babaeng nakapalda ng maikli. Apat silang babae, actually.

"Ahmmm. May date ako e," kamot-ulong sinagot ni Prile na para bang nahihiya.

"Ay oo nga pala, girls. Nakalimutan kong may date kami ni Baby Prile ko," napamangha ako sa babaeng makinis ang mukha at may pulang labi. 'Ko' raw? Inangkin na si Prile? For what reason?

"Lei, hindi ko naman sinabi sa 'yo iyon ah," nahihiyang sabi ni Prile. Napayuko ang babae at yung isa naman ang gumawa ng eksena. Lumapit siya kay Prile saka hinawakan ang dibdib. Wala sa sarili kong hinatak si Prile papalapit sa akin. "Ano ba? Sino ka ba? Pakialamera!" sigaw ng babaeng humawak sa dibdib ni Prile. Kung pagmamasdan siya, napaka-seductive niyang tignan.

"I am Cheska Arlton. Member of Morreale Family, and you? Who are you to flirt with my boyfriend?" taas-noo kong sagot dito na nakapagpatahimik sa kanila.

"Your boyfriend? Wala namang ipinakilala si Prile na girlfriend, e. Besides, hindi siya pumapatol sa tulad mo!" sabi naman ng nakasalamin ding tulad ni Prile.

"Bakit niya kailangan i-broadcast sa lahat na may girlfriend siya? Ano ba ang iniisip niyo? Sadyang bobo ba talaga kayo o sadyang obsessed kayo? Tell me! Ang tagalog

ng boyfriend ay lalaking kaibigan pero kayo? Dahil makitid ang mga bobo niyong utak, inisip niyong in a relationship ang tawag dito?" mahabang paliwanag ko sa kanya.

"Ang mas masarap pakinggan kung nagkaroon kayo ng karelasyon ay iyong tatawagin kang 'akin ka lang', in english, 'you're mine'. Ang sarap pakinggan 'di ba?" dugtong ko pa rito.

"I hate you, bitch!" sigaw ni seductive girl. "Hate me and you'll die," I said. "Bitch is a female dog who has a brave personality; who can bark if the strangers are there and it is considered one of God's beautiful creatures. Therefore, I am a beautiful bitch."

Umalis ang mga ito at biglang pumalakpak si Prile. Bakit siya pumapalakpak? Nababaliw na ba siya?

"Best actress of the month ito! You're really good in acting," nakangising sabi ni Prile.

Aba! Ako'y nanggigil sa ganyang tao, e. "So, kailangan mo talagang pumalakpak? Pwede bang manahimik ka at baka–" napahinto ako nang takpan niya ang labi ko ng isa niyang daliri sa kanang kamay.

"Or else? Mananahimik ako kung ilalapat mo ang mga labi mo sa labi ko." He smirked.

Tinanggal ko ang daliri niya sa labi ko nang dahan- dahan at unti-unti ko itong hinila hanggang sa magtagpo ang aming mga mata.

Nagtitigan kami ng ilang minuto at ramdam ko ang pag- init ng pisngi ko dahil hindi ako sanay sa ganoong tagpuan kaya naman bigla ko siyang sinikmuraan.

Napa-aray siya sa ginawa ko at napahawak siya sa kanyang tiyan.

"Talagang sinusubok mo ako, Cheska," impit na sabi nito. "What? Hindi ko kasalanang kumagat ka sa plano ko. Kailangan mo pang pag-aralan ang mga galaw ko," I said.

Lumapit siya sa akin saka hinawakan ang mukha ko. "Ako ang dapat na kilalanin mo," bulong nito sa tainga ko. Napakainit nito kaya't parang nadadala ako.

"Dahil sa ginawa mo. Tuturuan kita ng leksyon," dugtong niya pa saka humarap sa akin.

He suddenly kissed me. Somehow, my world stopped. The time of the clock suddenly stopped.

I hate it. He must be aware of my personality pero bakit? Bakit hindi ko magawang itulak siya. Kinukulong niya ako. Nalulunod ako. I really need to escape from his arms pero malakas siya. Hindi ko kaya ang braso niya.

"Let me drive you in this crazy world, Cheska," sabi nito kahit na magkadikit pa rin ang aming mga labi.

Dinadala niya ako sa kawalan. Banayad ang galaw ng mga labi nito.

"CHESKA! Uwi na tayo!" Nagulat ako nang may tumawag sa akin.

"Jane?" nagtatakang tawag ko rin sa pangalan niya. So I was dreaming? Nananaginip ako nang gising? Hinanap ko si Prile at nasa gilid ko siya.

"Cheska, ayos ka lang ba? Kanina pa ako rito nagsasalita pero mukhang lutang ang utak mo," sabi ni Prile. "A-ano ba iyon?" utal kong tanong dito.

"Sabi ko kasi, sa iba na lang tayo kumain. Doon hindi nila ako hahabulin pero lutang ka e," sabi ni Prile.

"Ah. Sige pala. Sama ka, Jane?" Aya ko kay Jane pero umayaw siya.

Nakakahiya. Bakit ako nanaginip ng ganoon at kay Prile pa talaga? Seryoso ba talaga iyon? If it is, malambot pala ang kanyang labi in my dreams.

"So, tara na?" tanong niya kaya naman tumango ako. Naglakad kami palabas ng school para puntahan ang sinasabi niyang kainan na masarap daw.

"Saan kayo pupunta?" tanong ng isang lalaki. Nilingon ko ito at makaraa'y nakilala ko siya. Nakasandal siya sa gate at ang kamay nito'y nasa bulsa ng kanyang pantalon. Nakauniporme pa ito na binagayan ng bago niyang gupit na buhok. Ang gwapo niyang tignan. 

Cheska's Note [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now