C H A P T E R 17

152 32 4
                                    

"IJA, gising na."

Naramdaman kong may tumapik sa aking balikat na siyang dahilan para magising ako. Pasado alas kwatro pa lang. Nakatulog na pala ako sa dibdib ni Jeso kakaiyak.

"Ililipat na si Je sa funeral nang masukatan na siya at makapili na raw ng kabaong niya," mahinahon at bakas sa kanyang boses ang pighati.

Muli ay unti-unting namuo ang tubig sa gilid ng aking mga mata. Gusto ko pang makasama si Jeso. I want to be with him for a long time.

Mayroong dumating na grupo ng mga lalaki kung saan patungo sa pwesto ni Jeso. Binuhat nila ito tulad nang inaasahan ko.

Iginayak nila ito palabas ng kwarto pero dahil malapit lang ang entrance, kita namin kung paano dalhin si Jeso ng isang sasakyan. Para itong isang jeep na maliit at pinagmasdan ko ito kung paano maglaho.

"Pupunta ako sa Flores Funeral para silipin ang anak ko. Bayad na ang bills ng anak mo at ikaw na ang bahala sa bahay," sabi ni Tita Ali kay Tito.

"Ija, umuwi ka muna para makapagpahinga. Makasasama iyan sa kalusugan mo at ng baby. I will call your mother if Jeso is already in the house." Baling naman sa akin ni Tita.

Hindi na ako sumagot o umapila pa dahil kaagad ko naman itong sinunod tulad ng sinabi niya.

Umalis ako sa hospital around 6 in the morning at nakarating ako sa mansyon ng 6:40 am. Nanlulumo at wala sa sariling pumasok sa mansyon. Hindi alintana kung sino ang mga tao dahil isa lang ang nararamdaman ko. Sakit at pighati na tila pati ang puso ko ay namatay na nang malaman ang nangyari.

Dapat ko bang sisihin ang sarili ko sa namgyari? Dapat ko bang kamuhian ang sarili ko?

Sari-saring tanong at pagsisisi ang pumapasok sa isipan ko. Gusto kong sisihin ang mundo pero hindi ko magawa dahil nararamdaman kong ako ang may kasalanan ng lahat. I feel so damn. I feel so guilty. Parang ayoko na lang din mabuhay kung ganito ang mangyayari.

"Cheska?" Rinig kong katok mula sa pintuan ng aking kwarto. Alam kong si Mommy ito kaya naman pinagbuksan ko siya ng pintuan.

"Mom?" tawag ko sa kanya saka siya niyakap at umiyak. She even try to calm me but it doesn't work.

"Anong nangyari? Pumasok ka raw sabi ni Manang Selia nang matamlay. Bakit?" Kunot-noo nitong tanong. Alam kong nag-aalala si Mommy dahil kita ko sa mga mata niya.

"Si Jeso wala na," sagot ko rito. Nanghihina ako. Gusto kong pumikit at gusto kong saktan ang sarili ko in this moment.

"Kaya pala hindi ka na umuwi noong pumunta ka ng hospital. Ano ba raw ang nangyari?"

Sa t'wing maaalala ko ang nakangiting si Jeso na nakahiga sa higaan, naninikip ang dibdib ko. Tila hindi ko makuha ang sarili kong hininga na kumakawala sa akin.

"Anxienty." Tanging isang salita lang ang lumabas sa bibig ko.

Paanong hindi ko masabi ang gusto kong sabihin? Bakit hindi ko masabi na sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ni Jeso?

"Anak, nababasa ko sa mga mata mo na sinisisi mo ang iyong sarili. Kailangan mo lang magpakatatag dahil naninigurado ako na hindi gusto ni Jeso ang makita kang ganyan. You are special for her." Nakangiting turan sa akin ni Mommy.

Sa mga salita nito, bumuhos muli ang luhang puno ng pagsisisi.

"Gusto kong sisihin ang sarili ko, Mom. Gusto kong kalimutan na wala na siya pero hindi ko kaya," sabi ko.

Niyakap ako ulit ni Mommy saka niya ako hinaplos sa balikat. Iniwan niya ako na nakaupo sa kama nitong kwarto ko na walang pinagkaiba sa dati naming mansyon.

Cheska's Note [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now