C H A P T E R 12

166 33 1
                                    

"NAPATUNAYAN na hindi ako ang may gawa ng pangre-rape sa'yo Cheska. Hindi ko kayang gawin iyon sa'yo. Mahal kita at kahit na nagmumukha na akong tanga na maging akin kang muli, titiisin ko dahil ganyan kita kagustong mahalin din ako tulad nang dati," mahabang litanya nito.

Wala akong masabi sa mga nangyayari. Tulala ako sa mukha niyang inosente pero pinagbintangan ng parang siya ang may sala. All this time, si Prile? Bakit ginawa ni Prile ito?

"Cheska, tandaan mong hindi lahat ng mga lalapit sa'yo para maging kaibigan ay totoo. May klase ng kakaibigan sa'yo. Una ay ang kakaibiganin ka dahil may pera ka. Pangalawa ay kakaibiganin ka dahil kilala ka o popular ka. Pangatlo ay kakaibiganin ka dahil may kailangan sila. Pang-apat ay kakaibiganin ka dahil kukuha ng impormasyon at ikakalat ng balibaligtad. Marami pang uri ng kaibigan, Cheska. Pero isang klase ng kaibigan ang gusto kong ipaalam sa'yo. Ito ay ang klase ng kaibigan na lalapit sa'yo para maging kaibigan pero may masamang binabalak tulaf na lang ni Prile na ipinagtanggol mo ng lubusan laban sa akin."

Sa mga sinabi ni Jeso, para akong sinampal ng limang kamay na hindi huhupa ang sakit ng katotohanan.

Bakit para akong walang pinag-aralan sa nangyari? Bakit parang sa darating na graduation, e hindi ko deserve ang Valedictorian sa Kirt Erlton University sa ginawa kong kahihiyan?

"Pero Cheska, you have desire to prove that this kind of problem is just like an ant. Maliit at kayang patayin. Natutuwa akong hindi mo sinaktan ang sarili mo at hindi ka nanakit ng taong tulad ni Prile. Usually, ang tulad ni Prile ay nararapat na saktan ng biktimang tulad mo."

Tumayo ako sa higaan ko at niyakap si Jeso. Pumatak ang butil ng luha na nagsasabing 'kaya ko pa ba?'.

Tuluyang bumuhos ang luha ko nang halikan ako ni Jeso sa ulo.

"Jeso, sorry. Sorry kung dahil sa akin nagmukha kang kriminal sa sarili kong mga mata na alam kong wala kang kasalanan pero nilamon ako ng katangahan," sabi ko rito sa basag na boses.

"Cheska, wala kang kasalanan. Hindi lahat ng ito ay ginusto natin. Ito ay nangyari dahil sa isang alitan na hindi nagkaroon ng unawaan. Mas pipiliin kong tumabi sa iyo kaysa iwan kang sinisisi ang sarili mo. Tandaan mo ang sinabi mo sa akin noong tayo pa ang magkasama. Ang mundo ay maliit-"

"Pero malaki ang iyong kahaharapin," putol ko sa sinabi niya.

Ngumiti siya at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at saka tinitigan ako nito.

Nababasa ko ang kanyang mga mata. Nagsasabing 'Cheska, mahalin mo muli ako at sasabihin kong hindi bulaklak o tsokolate ang ibibigay ko sa iyo kun'di ang pagmamahal na hindi tutumbasan ng kung anong materyal ba bagay," sa akin.

"Cheska, manliligaw ulit ako. Tandaan mo, rerespetuhin ko kung ano ang nangyari sa'yo. Kung kinakailangan na akuin ko ang bata gagawin ko kahit bata pa tayo. You're only 17 years old and I'm 18 years old and we can make it by ourselves," mahabang litanya nito. Nahihiya ako. Nahihiya ako na after I blame him ganito ang igaganti niya. Hindi ba siya nagagalit or what?

"Nahihiya ako pero Jeso. Hindi ako nababagay sa kabaitan mo. Hindi ko kayang tumbasan ang ginagawa mo," mahinahon kong sagot.

"Hindi ko hangad na suklian ang pagmamahal ko. Ang hangad ko ay maging buo ang pamilya na kahit kailan ay hindi ako ang nararapat pero gagawin kong karapat-dapat. Alam kong bata pa tayo pero kung iisipin mong bata ka pa. Ang ikikilos mo ay bata rin kaya ganito na lang ako kung magsalita."

"Hindi mo naiintindihan Jeso! Hindi madaling kalimutan ang nangyari sa akin tapos ganito? Pwede bang pagpahingahin mo muna ako tapos saka na natin pag-usapan ang bagay na iyan?" Asik ko rito.

Inalalayan niya ako papunta sa higaan ko na hindi ko alam kung bakit. Wala akong ni isang ideya sa ginagawa niya.

"Magpahinga ka na. Hindi kita iiwan dahil wala sila Tita at ayokong iwan kang mag-isa rito," sabi nito.

Hindi na ako nakatanggi dahil takot din ako mapag-isa sa malamig na silid at kulay puting silid na ito.

"Jeso?" tawag ko rito sa pangalan niya habang nakayuko sa higaan ko.

"Hmm?" Sagot nito.

"Puntahan natin si Prile bukas, pwede?" Gusto kong makita kung ayos lang ba si Prile sa lagay niya sa rehabilitation center.

"Sige. Pero sigurado ka ba dyaan?" paninigurado ni Jeso.

"Gusto kong makita kung ayos lang ba siya. And sigurado ako roon. Walang dahilan para kagalitan ko siya," sabi ko rito.

"Okay. Sige na. Ang mahalaga ngayon ay matulog ka na. Anong oras na rin. Pasado alas onse na ng gabi kaya magpahinga ka na," malumanay niyong turan.

Bigkasin man ng aking labi ang gustong sabihin kay Jeso. Nanatili itong sara at walang pag-asang may masasabi pa sa hiya na dulot nang nangyari.

"Good night, Jeso." Sabi ko rito.

"You're my sweet nightmare, Cheska. I will woke up early in the morning to buy a beeakfast for tha two of us," turan niyo. Sweet pero hindi ko alam ang nararamdaman ko.

Natulog na kami ng tahimik lang sa loob ng kwarto.

"Tama na! Nasasaktan ako!" Sigaw ko kay Prile. Kasalukuyan kami sa bahay nila. Sakto lang ang laki nito para sa pamilya ni Prile.

Sa loob nito, may picture frames na nakasabit sa dingding. May pictures nilang pamilya at pictured niya noong grumaduate siya sa pribadong paaralan.

"Hindi mo gugustuhing mamatay, tama ba ako Cheska? Kaya sumunod ka na lang." Nakangising sabi nito.

"Kaya ko! Kung inaakala mong kaya mo, nagkakamali ka! Pero mali ka! Kaya kong balian ka ng buto pero magpapakatao ako para sa'yo." sagot ko sa kanya.

Tinulak niya ako pabagsak sa kama at saka siya kumuha ng lubid. Itinali ako nito sa kama kung saan ako nakahiga.

"Hayop kang demonyo ka!" asik ko rito.

"Hayop nga ako. Hayop ka rin naman so no need to explain," sagot naman ni Prile. Sinampal niya ako na parang may ginawang masama. Naramdam ko na.

"CHESKA! You are just dreaming. A bad dream," gising sa akin ni Jeso.

"I hope so," mabilisang sagot ko sa kanya.

"Nakausap ko na ang doktor mo. Pwede ka nang makalabas sa hospital na ito." Pahayag nito.

Nag-ayos na ako ng sarili ko dahil may pupuntahan pa pala kami.

Cheska's Note [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now