C H A P T E R 15

131 32 2
                                    

"OKAY lang 'yon Prile," mahinahon kong turan dito saka hinimas ang likod niya.

Niyakap ko siya at binulungan.

"Prile, kahit ilang beses pa nating balikan ang nangyari hindi na ako masasaktan. Kalimutan na lang natin ang mga nangyari."

Kita kong umiyak si Prile. Mga luhang may kasamang pagsisisi.

"Prile, gusto ko man magtagal hindi pwede. Baka kasi malaman ni Daddy na pumunta ako sa'yo. Hindi naman ako nagpaalam, e."

Nananatili itong tahimik at patuloy ang pagtulo ng mga luhang may pagsisisi.

Sa sobrang pagsisisi nito. Napayuko siya at umusog papunta sa head board ng kanyang kama. Hindi ko na rin ito inabala pa para lang magpaalam. Tumayo ako nang dahan-dahan para hindi makagawa ng anumang ingay mula sa kama. Pakatayo ko ay siya namang hawak nito sa kamay ko.

Nilingon ko siya pero gano'n pa rin ang posisyon niya. Ang noo ay nakadikit sa kanyang tuhod.

"Thank you. Thank you for giving me a chance to prove myself for the second time around," mahinang sabi nito na sapat na para marinig ko. Nilapitan ko siyang muli at niyakap ito.

"Lahat ng tao ay nagkakasala dala ng galit. Ngayon, hindi mo kasalanan. Kasalanan ito ng iyong galit." Bulong ko rito.

Tuluyan ko na siyang binitawan saka naglakad palabas ng kanyang kwarto. Nakita ako ng isang nurse na kulay green ang uniporme at nginitian niya ako. Nakapusod ang buhok nito at may dala-dalang isang box. Hindi ko alam kung ano ang laman ng box pero nakasisigurado akong mabigat ito.

Habang papalapit ako palabas. Nakita ko ang nag-iisang Jeso na nakatayo. Kung saan namin siya iniwan doon pa tin siya nakatayo. Ibig sabihin, ilang minuto rin siyang nakatayo rito ng walang kasama.

"Are you okay?" Tanong ko na may bakas ng pag-aalala.

"Yes. I'm glad you are happy with Prile. I'm glad that without me you can go with the flow. I'm glad that without my presence you are happy because Prile and you are happy together. Without me, your life will be lighten up." He smiled.

Bakit pakiramdam ko mabigat ang dinadala ni Jeso sa mga salitang binitawan niya?

"Prile is more handsome than me. Kaya ka niyang ipaglaban kung kinakailangan. Don't worry, Cheska. Nandito pa rin naman ako kung kailangan mo ng sandigan."

And now I realize that I'm hurting Jeso's feelings. Ako ang dahilan ng mga letrang lumalabas sa kanyang damdamin. Ako pala ang dahilan ng pagiging bigo niya. Hindi ko man lang siya binigyan ng panibagong pagkakataon na iparamdam sa akin ang tunay na pagmamahal.

"Jeso, nahihiya ako. Nahihiya ako na sa harap-harapan mo ganito kita saktan. Not physically but mentally. Nahihiya ako na hindi kita nabigyan ng pagkakataon na patunayan ang sarili. For the second time around, hindi kita pinaniwalaan at nakakahiya para sa akin iyon. Bakit ba ang hirap para sa akin na ibalik ang pagmamahal na mayroon ako sa'yo noon? Bakit ba kailangan pang humantong sa ganitong eksena ang lahat? Akala ko magiging maayos na pero hindi pa pala." Mahabang litanya ko.

"Ayos lang."

Maikling salita lamang ang naisagot nito sa mahaba kong sinabi.

Hinawakan ko ang kamay niya at niyakap siya. Mahigpit ko siyang niyakap pero wala akong naramdamang pagbalik nito. Alam kong galit siya pero hahayaan ko ang sarili ko na sincere ako sa paghingi ng tawad.

Nang bumitaw ako sa pagkakayakap tinignan ko ito at nakita ang luhang alam kong ako ang dahilan. Luhang nagsasabing 'Cheska, nasasaktan ako sa nangyayari sa ating dalawa'.

Gusto ko rin umiyak pero hindi ko magawa. Nagulat ako ng bigla na lamang siyang tumawa.

"Tara na? Masyado na kasing madrama ang eksena sa pagitan nating dalawa. Tutal kailangan na rin nating tapusin ang istoryang matagal nang tapos." Ani Jeso.

Anong ibig niyang sabihin sa kailangan na naming tapusin ang istoryang matagal nang tapos?

"A-ano?" utal kong taka rito.

"Wala na tayo 'di ba matagal na? Now, I want to officially write the word 'This is the end of our relationship but this is the beginning of our new chapter'. Hindi tayo magtatapos sa salitang 'The End'," nakangiti nitong litanya.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at saka niyakap. "Last na yakap na ito. Last na mayayakap kita ng mahigpit dahil ako na ang yayakapin mo pagdating sa maputing kwarto." Bulong nito.

Nanlaki ang mga mata ko kaya hinampas ko siya. Tumawa siya pero mas lalo lang akong nainis. Naglakad siya palabas ng gate sa Rehabilitation Center ng hindi man lang ako hinintay at pinansin. Ni hindi ako nito nilingon.

"Jeso! Hintayin mo naman ako!" Sigaw ko rito pero parang wala siyang naririnig.

Naglakad na lang din ako kaysa hintayin pa siyang bumalik sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam kung biro o ano ang sinabi niya. Gusto ko man siyang tanungin kung anong ibig niyang sabihin doon hindi ko magawa dahil malayo na ang aming agwat. Nasa kabilang kanto na siya samantalang nasa kalagitnaan pa lang ako. Malayo pa ang pwesto kung saan niya iginarahe ang Fortuner na dala niya.

Nang buksan ko ang pintuan ng sasakyan, sumalubong ang napakalakas na tugtog.

Mangangarap hanggang sa pagbalik.
Mangangarap pa rin kahit masakit.
Baka sakaling makita kitang muli.
Pagsikat ng araw.
Paglipas ng gabi.
Kun'di pipilitin ang 'di pa para sa akin.
Baka sakaling maibalik.
Malaya ka na.
Malaya.

Napatigil ako nang marinig ang kanta. Dumako ako sa pwesto ni Jeso at nakita ko itong nakahiga at nakapikit. Tila ninanamnam ang bawat liriko ng kanta.

Pumasok na ako at hindi naman gumalaw si Jeso. Pinagmasdan ko ang maamo nitong mukha hanggang sa nanlaki na lang ang mata ko nang makita na may luhang lumabas mula sa sarado nitong mga mata.

"Gusto kong tumagal at makita ang little Cheska pero hindi ko yata kaya. Hindi ko kayang manatiling saktan ang sarili ko. Hindi ko hahayaang lamunin ng selos kaya last na ito."

Sabi nito habang nakapikit at patuloy ang pagluha.

"Jeso?" Tawag ko sa pangalan nito na dahilan para dumilat ito.

Pinunasan niya ang mata niya saka humarap sa akin at nginitian ako. Nasa likod ako ng Fortuner dahil hindi ko kayang makatabi siya.

"Uwi na tayo? Padilim na kaya." Sabi nito saka tumawa.

Tumango ako bilang sagot saka niya naman pinaandar ang kotse.

Tahimik kaming nasa biyahe hanggang sa makarating sa bagong mansyon. Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka inalalayan. Kulay kahel na ang ulap. Nagpaalam na ako sa kanya saka naglakad papasok. Narinig ko pa siyang nagsalita pero hindi ko na naintindihan dahil masyado ng malayo ang distansya naming dalawa.

"Good afternoon, Manang Selia." Malumanay kong bati kay Manang.

Malungkot siya pero nginitian ko naman siya. Dirediretso ako sa kwarto para makapagpahinga na rin ako.

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko ang gamit sa ibabaw ng kama ko. Nilapitan ko naman ito at nang tignan ito puro gamit na pangkolehiyo.

How I wish na magawa ko pa ito?

Cheska's Note [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now