C H A P T E R 13

145 30 1
                                    

"Jeso, ayos na hinatid mo ako sa bahay. Magpahinga ka na at may pasok pa bukas. Remember na monday bukas?" Turan ko rito.

Nasa tapat na kami ngayon ng malaking gate kung saan nakakulong ang mansyon.

"Are you sure na iwan na kita rito?" paniniguro nito.

Tumango ako bilang sagot kaya naman ngumiti ito.

"Pumasok ka muna bago ako umalis," sabi nito.

Kita ko ang mga butil ng kanyang pawis sa noo.

"Sige pala." sagot ko sa kanya.

Kaagad kong hinawakan ang hawakan ng gate at unti-unti itong binuksan. Wala ngayon amg gwardiya kaya DIY o do it yourself kami ngayon sa mansyon. Linggo kasi kaya day-off nila. Hindi naman kumuha si Mommy ng napakaraming guard dahil hindi ko rin alam.

Bitbit ang isang bag na puro gamit ko, huminto ako ng panandaliaan lamang upang tanawin ang kabuuan ng mansyon dito sa Village namin.

May fountain sa gitna at kung titignan sa kaliwang bahagi nito. Kita ang hardin na inaalagaan ni Mang Pedring. At sa bandang kanang bahagi naman ay ang tinawag ni Daddy na Field of Maskara.

Dito kasi ginaganap ang kung  ano mang pagdiriwang.

"Ma'am Cheska?" Rinig kong tinig sa likuran ko. Hinarap ko ito at nakita ko ang isang matandang babaeng malapad ang ngiti at parang masayang-masaya sa nakita niya.

Pawisan din ito na animo'y pagod na pagod. Kung sabagay, malayo rin ang mansyon sa kinakatayuan ko.

"Manang Selia? Akala ko po ba day-off niyo?" tanong ko rito.

"Naku Ma'am Eska. Ayoko pong maiwan kayo mag-isa rito. Wala ang Mommy at Daddy niyo," sabi nito.

"Bakit po? Nasaan po ba sila?" malumanay kong tanong.

"Nasa flight po sila ngayon papuntang Canada. Business trip po. Alam niyo naman po 'di po ba?" Nag-aalangang sagot ni Manang Selia.

"Alam ko naman po. So tayo lang ang nasa bahay?"

"Yes po," sagot nito.

"Manang, magluto ka ng paborito mo at kakain tayong dalawa dahil mothers' day ngayon," utos ko rito na nakatingin lang sa akin.

Lumapit ako at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Happy mothers'day, Manang Selia!"

"Salamat, Ma'am Eska." Naluluhang sambit nito.

"Huwag mo na nga po akong tawaging Ma'am," puna ko rito.

"Sorry po Ma'am Eska. Kabilin-bilinan po kasi ng Mommy niyo na amonko na rin kayo kaya tawagin ko kayong Ma'am," paliwanag nito.

"Well, tutal amo mo ako. Inuutusan kitang huwag mo na akong tawaging Ma'am. Nakakatanda Manang Selia! Magkakaanak pa naman din ako."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Hindi pa siguro niya alam na buntis ako ako. Nakakainis lang dahil naimbento pa ang Advance Pregnancy Test Machine na iyan. Gusto ko pa naman din iyong bibili ng pregnancy test o mas kilala sa PT para may excitement akong nararamdaman hindi iyong ganito na wala pang isang buwan alam ko na ang katotohanan.

"Ma'am Eska? Seryoso ka po ba dyaan sa sinasabi mo? Paano nangyari?" takang tanong nito. Alam kong takang taka siya dahil sa gulat pero nandito na ito.

Cheska's Note [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon