Chapter 5

983 40 0
                                    

a/n: super short update lang toh ah :( and baka last update muna because EXAMS!!!





ARZALEY KAYLIE'S POV

Nagising ako ng sobrang sama ng pakiramdam. Tumingin ako sa oras at nakitang 8:30 na. Shucks! Late na ko! Sinubukan kong tumayo pero agad din akong napaupo't napapikit dahil sa sakit ng ulo ko. Mukhang di ako papapasukin neting sakit ko ah. Napatingin ako sa phone ko at nakitang may text. It's from Zachery.

"Hey, are you still mad? I'm sorry about yesterday." Ang unang text niya. I scrolled down and read his second message.

"Bakit ka absent? Or baka late ka nanaman?" Natawa ako. Lagi siyang ganito pag di ako pumapasok. Same old, Zach. 

"Masama lang pakiramdam ko. Di na ko galit. Ang babaw ko naman if until now galit pa ko, diba?" I replied.

Sinubukan ko ulit tumayo. Medyo kumikirot pa ang ulo ko but I managed to stand up at nagpatuloy akong pumunta sa kusina. Kinuha ko ang cup noodles sa taas na cabinet, nilagyan ng mainit na tubig at hinintay na maluto.

Nang matapos ay kinain ko tsaka ako uminom ng gamot at humiga sa kama. I watched tv for a couple of minutes and turned it off. Nakatulog naman ako agad dahil sa bigat ng pakiramdam at ng mga mata ko.

Hapon na nang magising ako. Ang tagal ko na natulog pero parang di nabawasan ng kahit konti yung bigat ng pakiramdam ko. I looked at my phone. It's already 3:00 so it means uwian na. I didn't see any message from Zach. Baka di niya pa nababasa. Tumayo ako nang dahan-dahan at pumunta sa CR. Maliligo ako, may mainit na tubig naman. Baka mabawasan na kahit konti yung init ko.

ZACHERY ALEXANDER'S POV

Nakita ko na yung text ni Arzaley kanina pa pero di na ko nagreply. May plano ako.

To: Mazeon, Ethan

"Punta tayo kay Arzaley, may sakit siya and she doesn't have anyone to take care of her kasi mag-isa lang siya."

Kasalukuyan akong nakaupo sa sala at nanonood. 3:05 na. Tumunog ang phone ko kaya tinignan ko, may text.

From: Mazeon, Ethan

"Gora ako!" -Ethan

"Bakit? Wala ba parents niya? Kamusta na daw siya?" -Mazeon

Alalang-alala ang mokong. Di naman ganito ang normal na Mazeon eh. Mukhang tinamaan na yata talaga siya kay Arzaley.

To: Mazeon, Ethan

"Di ka naman alalang-alala no, Mazeon? Masama daw pakiramdam niya and yeah wala parents niya. Sa condo siya nags-stay which her father gave to her."

Pagkatapos ko i-send yan ay agad kong tinext si Ethan. Baka masira yung plano ko eh.

To: Ethan

"Wag kang pupunta ah. Hayaan muna natin na magka-usap ang soon to be lovebirds."

Maya-maya pa ay sumagot na sila.

From: Mazeon, Ethan

"Uyyy! Mazeon ah! Siya na ba?" -Ethan

"Nag-aalala lang. Dami niyo talagang satsat lagi eh. Ano ba address? Sabay-sabay ba tayo?" -Mazeon

From: Ethan

"Ang taba talaga nang utak mo, par! G ako diyan!"

Tsaka ko nireplyan si Mazeon pero sa group pa rin kasi baka makahalata.

To: Mazeon, Ethan

"Di tayo pwedeng sabay-sabay kasi may gagawin pa ko eh. I remembered malapit lang pala sayo yung tinutuluyan ni Arzaley, Maze. Sa Villamin Condominium."

From: Mazeon, Ethan

"May tatapusin lang ako, ikaw na muna, Kace!" -Ethan

"May choice pa ba ko? Sige na! Lakarin ko nalang." -Mazeon

To: Mazeon, Ethan

"Sunod nalang kami ni Ethan, siguro."

From: Mazeon, Ethan

"Sige. SUMUNOD kayo ah." -Mazeon

"Oo na! Susunod nga daw, diba sabi ni Alex!"-Ethan

At hindi ko na sila nirereplyan. Pero after ilang minutes ay nagtext si Ethan.

From: Ethan

"Susunod ba tayo?"

To: Ethan

"Oo. Pero patagalin muna natin. Pumunta ka muna dito. Mag-celebrate tayo dahil sa wakas meron na ulit babaeng na involved sa buhay ni Maze! Atsaka tawagan natin, pagtripan."

From: Ethan

"AHSHAHHAHA sige sige!"











Love at First Sight?! [REVISING]Where stories live. Discover now