Chapter 10

998 23 9
                                    




ZACHERY ALEXANDER'S POV




"KASI NGA GUSTO KA NIYA! GUSTO KA NI MAZEON!!" Sigaw ko sakanya. Good Lord! Nakaka-frustrate! Kasalanan ko rin kasi eh! I should have known better. Stupid mouth! Kapag nga pala na-curious tong babaitang to wala ka nang magagawa kundi magsalita kahit na sikreto na yung mga sinasabi mo dahil hindi ka talaga niya titigilan hanggang mapaamin ka. Hays. Ayoko pang mamatay, Lord. Liligawan ko pa ulit si Savannah.

Hindi pa rin siya nagsasalita. Kailangan kong maka-isip ng palusot. Malalagot talaga ako neto kay Kace eh! Pasensya na talaga, Mazeon! Isip isip... Isang minuto ang nakalipas at naka-isip na ko ng BRIGHT IDEA! Sigurado akong maniniwala siya dito sa palusot ko!! Buti nalang di pa nakaka-recover si Ley so I grabbed this opportunity para gawin ang bright idea ko! Ang talino ko talaga hays. Gwapo na nga, matalino pa!









"JOKE LANG!!" Sabi ko at dahil kanina pa ko natatawa sa plano kong to, I bursted into laughter. Grabe! Ang tagal kong inisip to! Buti na lang mas matagal ang pagkakagulat neto ni Arzaley. At dahil sa tawa ko ay nakuha ko ang kanyang atensyon.

"A-ano?" Bakit parang binagsakan ng langit at lupa yung mukha niya... Hindi kaya... YES! KIKILIGIN SI PAPSH MAZEON PAG SINABI KO TO SAKANYA!! Nahahalata ko naman na pero syempre di pa rin ako sure. Kinikilig na ko para kay Mazeon! On the second thought, wag na lang kasi mabubugbog muna ako bago ko pa man masabing baka nga may gusto si Arzaley sa kanya kasi malalaman niyang sinabi ko kay Arzaley, diba?

"Pwede na ba kong mag-audition sa ABS? Diba may starhunt sila?" Kunwari excited kong sabi habang nakatingin sakanya. Gumana ba? Sana. Pero malakas talaga ang kutob ko na kakagat siya sa palusot ko.

"T*ngina ka! Lahat na lang ginawa mong biro eh!" Sigaw niya at pinaghahampas ako. Kumagat nga siya sa palusot ko pero hampas naman ang inabot ko >_< Good Lord, please save me!!

"Malay ko bang ganyan magiging epek─wait! Bat ba apektadong apektado ka? Para kang binagsakan ng langit at lupa! Nako! Nako! Arzaley ah ! Yieee! May gusto ka pala k─" Bago ko pa matuloy ang sinasabi ko ay may kumatok sa bintana ng kotse ko. Akala ko may namamalimos at tama nga ako. Panira naman tong lalaking to oh. Mapapaamin ko na sana to si Arzaley eh!

"Hoy! Ugok! Nagagalit na si Mazeon! Bat daw ang tagal niyo bumaba sabi n─ ay andyan na siya hehe... BYE!!" Parang isip-batang sabi ni Ethan at bago siya tuluyang umalis ay nag-sign siya sakin ng lagot at nginuso si Mazeon na papalapit. Hindi rin nagtagal ay nakalapit na siya sa kung nasaan yung sasakyan ko.

Tinignan ko naman si Arzaley na nilalakihan ako ng mata na parang sinasabing "Subukan mo lang mang-asar!". Nginitian ko lang siya na may halong pang-aasar.

"Oy, bakit ang tagal niyo bumaba?" Naka poker face na tanong ni Mazeon. Medyo masama ang aura niya. Selos nanaman siya. Pero kilala ko yan. Bati kami niyan, tignan niyo lang.

"May sasabihin daw sayo si Ar─ afkglsnlea" Bakit ba ang hilig ng mga taong putulin yung mga sinasabi ko... Di ko natuloy ang pang-aasar ko dahil tinakpan ni Arzaley ang bibig ko. Napaka-defensive naman netong kaibigan ko oh.

"Ah haha wag ka makinig dito. Naalala ko kasi na may naiwan ako pero sabi ko wag na lang balikan kasi kanina pa nagi-insist si Zach na balikan daw namin. So yun. Sorry naghintay pa kayo." Paliwanag ni Ley. Bilis magpalusot ah. Manang-mana sakin eh. Kaya kami matalik na magkaibigan eh. 

"Ah ganun ba? Sige. Balik na ko dun. Bilisan niyo na lang kasi kanina pa nagrereklamo si Sav eh." Sabi ni Mazeon, ngumiti at tumingin sakin. Sabi sa inyo eh, bati kami.  Tinanguan ko na lang siya at tuluyan na siyang bumalik sa pinanggalingan niya. Maya-maya pa ay lumabas na kami at pumunta sakanila.




MAZEON KACE'S POV

Pagkatapos nang sobrang tagal na paghihintay kila Zach at Arzaley ay napagdesisyunan namin─ ay, hindi pala─ napagdesisyunan pala ng dalawang binibini na kasama namin na mag-shopping. Bagay na pinaka-ayaw kong gawin. Nasa labas lang kami habang hinihintay ang dalawang babae. Nagkwe-kwentuhan lang kaming tatlo nila Ethan nang tawagin ako ni Savannah.

"Maze! Help me nga here. Di ako makapili eh." She said then pouted. Argh, how I wish na sana si Arzaley ka na lang.

"Sige, sunod na lang ako." Sabi ko at pumasok siya ulit sa store. I smiled apologetically kay Zach at tinapik ko naman ang balikat ni Ethan bago pumasok sa store.

"Asan si Arzaley?" I asked pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya.

"Sa fitting room. Dami niya kasing isusukat kaya siguro medyo matatagalan pa siya. Kanina pa siya dun eh." She answered.

"By the way, ano ba yung pinagpipilian mo at di ka makapili sa dalawang damit na yun?" Me going straight sa original topic. Hindi naman ako pumasok dito para kay Arzaley so bakit siya ang hahanapin ko?

"Eto oh." She said at tinaas ang isang crop top na yellow at isang off shoulders na dress na yellow rin. Hindi naman halatang favorite niya ang kulay yellow no.. Sinuri ko naman ang dalawang damit na hawak niya...

"So ano na pipiliin ko?" She then asked.

"I think mas bagay ang crop top sayo." I honestly said then smiled. Totoo namang mas bagay sakanya yung crop top, kasi yung off shoulders na dress bagay kay Arzaley.

"Yey! Thank you, Mazeon! You're the best talaga!" She happily said. Nagulat ako nang lumapit siya sakin at












hinalikan ako sa pisngi. Sakto namang may lumabas sa katapat naming fitting room at mukhang nagulat siya sa nakita niya...















"Arzaley."















Love at First Sight?! [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon