Chapter 7

1.1K 32 0
                                    



ZACHERY ALEXANDER'S POV



Kasalukuyan kaming nasa elevator ni Ethan. Hawak hawak ko ang duplicate key sa condo unit ni Arzaley. Oo, binigyan ako ng parents niya ng duplicate key. In case of emergency daw.

"Par, sa tingin mo, nagka-developan na kaya yung dalawa?" Tanong ni Ethan.

"Baka nga sila na eh." Sagot ko na natatawa. Natawa naman kami dun.

Nung nasa floor na kami ng unit ni Arzy ay lumabas na kami ng elevator. Naglakad kami hanggang makapunta na kami sa tapat ng unit ni Arzy.

Tinulak ako ni Ethan sa tabi at dinikit niya ang tenga niya sa pinto. Tinulak ko rin siya at pinakinggan ko rin. Ang tahimik naman nung dalawang yun. Nakasaksak na ang susi sa doorknob nang may marinig kaming kalabog sa loob. Dali-dali kong inikot ang susi. Nang ma-pihit ko na ang doorknob at mabuksan ang pinto ay napa-smirk kami ni Ethan. Agad namang napatayo yung dalawa nang makita kami.




MAZEON KACE'S POV




"Uh.. Bakit ngayon lang kayo, orb?" Tanong ko kila Ethan after clearing my throat.

"Eh kasi kakatapos lang namin sa ginagawa namin." Sagot ni Ethan at nginitian ako, yung ngiting pang-asar. Takte naman oh!

"Ah, do you want something to eat? May pizza sa kusina." Tanong ni Arzaley. Kuha ni Arzaley sa mga pang-asar na tingin ng dalawa sakin.

"Okay ka na ba?" Siyempre sino pa ba, edi si Zach.

"Yup. Thanks to Mazeon." Sagot ni Arzaley at ngumiti.

"Ahhh kisspi─" Tinakpan ko ang bibig ni Ethan. Puro kabalastugan nanaman sasabihin niyan eh.

"MMMMMMMM." Si Ethan yan. Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya. Tinignan ko nalang siya ng masama pero ngumiti lang siya at tinaas baba pa ang mga kila.

"Maupo na nga muna kayo haha. Ipaghahanda ko lang kayo ng pizza. Sandali lang." Sabi ni Arzaley at pumunta na sa kusina. Naiwan ako sa mga mapang-asar na tingin ng dalawang ugok na to. Susunod sana ako kay Arzaley pero hinila ako ni Zach at pinaupo sa tapat nilang upuan.

"Kayo na?" Tanong ni Zach at tinaas baba rin ang mga kilay niya.

"May progress na ba?" Gatong naman ni Ethan. Kahit kailan talaga tong dalawang ugok na toh!

"Manahimik kayo ah!" Syempre! May dapat ba akong isagot sa mga walang kwentang tanong nila?

"Eh eto. Anong nangyari kanina? Bakit nasa ibab─aray!" Naputol ang sinasabi ni Zach ng batukan ko siya bago pa man niya maituloy yung sinasabi niya. Sakto namang dumating si Arzaley at binigay sakanila ang platito na may Pizza.

"Kumain na kayo." Sabi niya kila Ethan. Di niya na ko kinuhaan dahil alam naman niyang kumain na ko. Sabay kami malamang.

"Ay! Juice pala! Teka lang ulit haha. Mabilis lang toh." Biglang sabi ni Arzaley makalipas ang ilang minuto. Napakamot pa siya sa batok niya atsaka pumunta sa kusina ulit.

"Teka, Arzaley. Tulungan na kita!" Sabi ko at tumayo. Masamang tingin nalang ang ipinukaw ko sa dalawa kong kaibigan bago tuluyang sinundan si Arzaley sa kusina.

"Sorry kanina ah. Ang clumsy ko kasi eh." Paghingi niya ng tawad sa nangyari kanina.

"Kasalanan ko rin naman. You don't have to apologize." Sabi ko naman sakanya.

"Inaasar ka tuloy nung dalawang unggoy na nasa sala." Natatawa niyang sabi.

"Oo, unggoy sila. Pero ano, pati ikaw mang-aasar na rin." Ako at tinignan rin siya ng masama.

"Are you crazy?!" Sabi niya na para bang nasisiraan na ako ng ulo at tumawa. "Sa akin ka nga inaasar eh tapos aasarin kita. Yung totoo?" Dagdag niya atsaka tumawa ulit.

"Hay nako! Ako na nga diyan! Ang bagal mo naman maghalo eh." Sabi ko at kinuha ang hinahalo niyang juice habang siya ay tinatawanan ako. Sila Zach may kasalanan nito eh.

Nang matapos na kami gumawa ng juice ay sinalinan ko na ang dalawang baso at binigay kila Zach tapos nilapag ko yung pitsel sa table sa sofa.

"Yan ah. May juice na kayo para mabawasan yang mga kadaldalan niyo." Sabi ko pagkalapag ng juice sa table.

"Di mo nalang sinabi na para di ka na namin maasar! Asus!" Pang-aasar ni Ethan kaya naman batok ang inabot niya sakin.

"Kanina ka pa ah! Nakakadalawa ka na! Defensive much." Ethan. Nilapag niya ang baso at pizza na hawak niya at tinaas ang kamay na nagfo-form ng cross at tinapat niya sakin ito.

"Napaghahalataan ah, Mazeon! Naks!" Ngisi ni Zach. Nagpatuloy na si Ethan sa pagkain pero lumayo siya sakin.

"Manahimik na kayo ah! Arzaley, ipagtanggol mo nga ako sa mga unggoy na yan." Sabi ko at pinang-harang si Arzaley sa harap ko.

"Yieee di na siya shy type! May paghawak na sa balikat!" Si Ethan at tumawa.

"Apir tayo diyan! Wooohhh! Di na siya weak!" Gatong din ni Zach.

"T*ngina niyo!" Sabi ko nalang para tantanan na nila ako.

Makalipas ang ilang minuto nilang pang-aasar at pagtatawanan, oo, kasama si Arzaley sa tumatawa ay natapos na rin sila tsaka nagsalita si Zach.

"Wala nga palang pasok bukas. Nag-chat si Mam sa gc."

"Oo nga. Nakita ko yun. May meeting daw." Dagdag ni Ethan.

"Gala tayo?" Pagsa-suggest ni Arzaley.

"Teka lang, okay ka na ba?" Tanong ko. "Baka mabinat ka ah." Dagdag ko pa. Naghagikhikan naman yung dalawang unggoy sa gilid.

"Opo, okay na ko. Galing kasi nang nag-alaga sakin eh. Salamat ulit!" Nakangiting niyang sabi at tinap niya ang balikat ko. Di ko alam pero bumilis yung tibok ng puso ko. Sh*t.

"Game ako!" Ethan.

"Ako rin. Isama mo si Savannah ah!" Bilin ni Zach kay Arzaley.

"Oo, isasama ko po. Alangan naman ako lang nag-iisang babae?"

"Sama rin ako." Ako.

"Anong oras tayo?" Tanong ni Zach.

"Saan meeting place?" Tanong naman ni Ethan.

"Sa bahay ko nalang tayo mag-meet." Suhestyon ko.

"Sige. Dapat before 10AM nandun na ah." Sabi ni Zach.

"Text niyo nalang sakin address. Baka maligaw ako hahaha." Arzaley.

"Oh, so set na ah. Walang male-late!" Sabi ni Ethan.

"Oo, kaya umuwi na kayo at magpahinga. Tsupee!" Taboy ni Arzaley. Tumayo naman si Zach at Ethan.

"Sige, mauna na kami." Paalam ni Ethan

"Oh ano, Kace. Walang balak umalis?" Tanong ni Zach at hinila ako.

"G*go." Sabi ko sakanya.

"Naks naman, par. Ayaw na umalis sa tabi ni Arzaley!" Asar ni Ethan. Binatukan ko silang dalawa at hinila. Bago pa man kami lumabas nang tuluyan ay nagpaalam muna ako kay Arzaley.

"Taena! Ang kulit niyong dalawa. Sige, bye na Arzaley!" At tuluyan ko nang hinila palabas ang dalawa kong kaibigan na kanina pa kumakawala sa mahigpit kong hawak sakanila. Nakita ko namang natawa pa si Arzaley bago ko sila ilabas.















Love at First Sight?! [REVISING]Where stories live. Discover now