Chapter 9

980 31 9
                                    

Yeyy!! Happy 1K! Thanks sa 1K reads guys!! Love you all! xoxo


ARZALEY KAYLIE'S POV


"Saan daw ba pupunta?" Tanong ko. Naiinis pa rin ako sa sinabi niya kasi sobrang nacurious ako kung ano bang meron dun. Tss.

"Nood daw sine." Sagot niya sa tanong ko. "Teka, kumain ka na ba?" Dagdag pa niya.

"Di." Tipid kong sagot. Hinintay kong magsalita siya pero hindi na siya sumagot. Nagtaka naman ako nung niliko niya ang sasakyan sa may fast food chain na nakita at patuloy na nag-drive papuntang drive thru lane. Tumigil muna kami dahil medyo mahaba ang pila. Nilingon ko naman siya at nakitang may tinetext siya. Siguro sila Savannah. Tinitigan ko lang siya ng may pagtataka hanggang sa lumingon siya. Nag-glance siya sakin pero tumingin din sa harap dahil umandar na yung kotse sa harap namin. Nang tumigil ay lumingon siya sakin at natawa na para bang nabasa niya ang iniisip ko.

"Di ka pa kumakain diba? Kung makatingin ka diyan parang di mo ko kilala ah. Akala mo naman may gagawin akong masama sayo." Tatawa-tawa niyang sabi. Napairap nalang ako. Oo nga naman. Palagi siyang ganyan pag sinabi kong di pa ko kumakain. 

"Ano ba gusto mo? Treat ko naman." Sabi niya at ngumiti.

"Any." Tipid ko ulit na sagot. Pinaandar niya ulit ang sasakyan. This time, kami na ang oorder.

"Wala namang ganun eh." Sabi niya at napakamot sa batok pero humarap sa staff ng fast food chain para umorder. After a few minutes ay dumating na ulit ang staff para ibigay ang inorder ni Zach. Inabot sakin ni Zach ang inorder niya para sakin at nilapag sa gitnang upuan ang kanya.

"Salamat." Sabi ko at sinimulang kainin ang pagkain habang si Zach naman ay nagsimula nang mag-drive pero kumakagat-kagat siya sa pagkain niya.

"Bakit ka ba nakasimangot diyan? Ang tahimik mo pa." Nagtataka niyang tanong.

"Kung ano-ano kasi sinasabi mo tapos pag tinanong ka hindi ka sasagot. Tss." Sabi ko na medyo naiirita. Di na ako ganun ka-annoyed. Siguro gutom lang ako kaya ang dali ko ma-annoy. Pero hindi pa rin ako titigil hanggang di sinasagot ni Zach kung sino ang tinutukoy niya sa sinabi niya. Sinong nagseselos at bakit?

"Bakit ba kasi curious ka?" Nang-aasar niyang tanong.

"Eh paanong hindi? Nagtatanong ako ng maayos tapos ganun isasagot mo! Baliw ka ba?" Pahisterical kong sagot sakanya.

"Ay! Oo nga noh hehe!" Natatawa niyang sabi kaya naman binatukan ko siya na ikina-aray niya.

"UY! Pag tayo bumangga ah! Wag mo kong batukan kung ayaw mo pang mamatay ah! Ang hilig hilig mambatok neto! Child abuse!!" Saway niya na may halong asar... nanaman. Kaya ayun kinurot ko siya. Di mo alam kung nananaway ba talaga siya o nang-aasar eh.

"Aray ko! Kanina ka pa ah! Child abuse talaga to oh!" Reklamo niya.

"Kung gusto mong tigilan na kita, sagutin mo ko nang maayos! May pa-child abuse ka pa sakin diyan! Akala mo naman sobrang layo ng agwat nating dalawa!" Pagalit kong sabi sa kanya.

"Oo na. Oo na. Napaka mo talaga eh noh! Atsaka kahit 8 months lang agwat natin, mas matanda ka pa rin so, considered na child abuse yung pambabatok at pangungurot no!" Babatukan ko pa sana ulit siya pero nasalag niya na yung kamay ko. Buti at nag-red yung traffic light kaya kahit na magsabunutan kami, hindi kami mababangga. Ayoko pang mamatay no!

"Sino ba yung tinutukoy mo dun sa sinabi mo kanina nung paalis pa lang tayo?" Tanong ko. "Sino yung nagseselos?" Dagdag ko pa.

"Mazeon." Diretso niyang sagot na ikinagulat ko. Ha? Sino namang pagseselosan ni Mazeon? Si Keith? Ha? Bakit naman siya magseselos? Baka naman kay Zach? AAHHH Hindi ko alam! Ano nga bang pake ko? Hays.

"SERYOSO KA BA?! ATSAKA KANINO SIYA NAGSESELOS?????" Yuyugyugin ko sana siya kaso nag-green na yung traffic light. Argh.

"Mukha ba kong nagbibiro? Syempre dun sa lalaking kasama mo! Kanino pa ba?" Seryoso niyang sabi. ANOO?! SI MAZEON?!! Nahihibang na yata tong lalaking to!

"Baliw ka ba?! Bakit naman?!!" Medyo mahinahon ko pang tanong pero deep inside ay para na kong sasabog sa kilig na ewan. Basta! Para na kong sasabog. Pero teka? Sa kilig? Bakit naman ako kikiligin? Nababaliw na ata ako.

"Malapit na tayo." Iwas niya. So totoo talaga!? Si Mazeon??? Bakit naman siya magseselos? Ako yata yung mahihibang sa sinabi nitong lalaking to eh! Tsk.

"Wala akong pake! Bakit nga?!" Tanong ko pa rin. Alam ko naman na yung sagot eh. Syempre! Ano ba ibig sabihin pag nagselos ang isang tao?! Gusto ko lang talaga marinig yung dahilan.

"Nandito na tayo. Manahimik ka na diyan at lumabas na ng sasakyan." Utos niya at bababa na sana ng sasakyan pero pinigilan ko siya.

"BAKIT NGA KASI SABI?!! Bakit ba ayaw mong sabihin?!" At yun nga, sumabog na ko.

"Tao ka ba talaga? Di mo ba nararamdaman? Ang manhi─" Pinutol ko ang sinasabi niya sa pamamagitan nang pamababatok.

"Diretsuhin mo nga ako! Kanina pa kita tinatanong tapos puro putol-putol kang sumagot! Nakakainis na!" Bwiset kong sabi.

"Kasi nga..." Pa-suspense niyang sabi.  Kapag talaga hindi na ko nakapagpigil susuntukin ko na siya.

"KASI ANO?" Sigaw kong tanong. Hay konti pang pigil, Arzaley.

"K-kasi.." Putol pa rin niyang sabi at kumamot pa sa batok. Ugh nakakainis na talaga tong lalaking to! Sobrang mamamatay na ko sa kuryosidad neto! Tapos etong lalaking to putol-putol pa lagi sunagot! Argh!

"Isa.. sasapakin na talaga kita, Zach." Seryoso kong sabi. Tinitigan ko na siya nang masama at hinanda na yung kamay ko pangsuntok sa kanya.

"Napaka-brutal mo naman Arzaley! Isusumbong kita kila Tito at Tita eh!" Aba at iniiba niya pa talaga ang usapan ah!

"Dalawa, Zach! Hindi ako nagbibiro ah! Isusumbong rin kita kay Tita, sige!" Hinawakan ko na siya sa kwelyo niya. Hindi ko naman talaga siya kayang suntukin. Baka nga ako pa ang masaktan pag sinuntok ko siya eh.

"Hay nako! Oo na! Oo na! Eh kasi nga..." Dahil akala niya na totoong susuntokin ko siya ay wala na siyang nagawa. Sus! Parang di naman niya ko kilala! Pero okay na rin to! At least, sasagutin niya na ko diba.


Kaya naman sumagot na siya...











"KASI NGA GUSTO KA NIYA! GUSTO KA NI MAZEON!!"



















Love at First Sight?! [REVISING]Where stories live. Discover now