Chapter 15

619 17 3
                                    

First update this 2019!! Sorry kung natagalan :-((



Arzaley Kaylie's POV

"Arzaley!" Rinig kong may tumawag sakin mula sa likod ko. Agad ko namang nilingon ang direksyon na pinanggalingan non at nakitang si Savannah pala yun.

"Besh." Sabi ko at pagkalapit niya ay nagbeso kami.

"Mukhang masaya ka today ah! Ano meron?" Nakangiti kong tanong at kiniliti siya sa tagiliran.

"Eh kasi..." Pasuspense pa siya oh. "Nililigawan na ulit ako ni Zach!!" Kinikilig niyang sabi at nagtititili. Aba't kinikilig pa pala siya sa ugok na yun??

"Congrats!" Bati ko sakanya. "Pero... pano na si Mazeon? Diba crush mo yun?" Tanong ko.

Tumawa siya bago sumagot. "Oo naging crush ko siya. Pogi eh. Pero nung nagseselos ka na, tumigil na ko HAHAHAHA. Ganun ka pala magselos noh!" Sagot niya at natawa ulit.

"Anong- Sinong nagseselos??!" Halos pahisterikal kong sabi. Ganun ba ko kahala- no, hindi ko naman gusto yun eh. Bakit ako magseselos? grrrrr

"Don't worry, sissy. Your secret's safe with me." Nakangisi niyang saad at kumindat pa. Hays bahala na!

Hindi ko na nasagot si Savannah nang may tumawag muli sa aking pangalan.

"Arzaley!" Nilingon ko ang tumawag sakin at nakitang si Ethan iyon. Kasama niya si Zach at si- syempre sino pa ba, si Mazeon.

"U-uy! Ethan!" Bati ko. Bumati rin siya pabalik. Hinanap ng mga mata ko si Sav ngunit nakita kong agad silang nagkaroon ng sariling mundo ni Zach.

"Kamusta naman tulog mo kagabi, Arzaley? O nakatulog ka nga ba?" Ani Ethan at nang-aasar na ngumiti.

"Huh, bakit? Okay ka lang ba, Arzaley?" Tanong naman ni Mazeon na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Dahil sayo! Bwiset err

"Ba't naman ako di makakatulog, Ethan?" Tanong ko at pinanlakihan siya ng mata at kinakabahang tumawa. "Alangan ayos lang tulog ko. 'Wag mong pansinin yang kaibigan mo, Mazeon haha." Dagdag ko pa at nang makakita ng tyansa ay tinignan ng masama si Ethan. Tinawanan niya lang ako at sinagot ako.

"Okay. Sabi mo eh!" Sabi ni Ethan at nagkibit balikat pa. Buti at hindi na nagtanong pa si Mazeon. Humanda talaga yang si Ethan sakin mamaya.

"Tara na nga, Sav!" Iritadong tawag ko kay Savannah. Buti at hindi nahalata ni Mazeon.

***

"Hoy! Kinikilig ako!!" Tili ni Savannah. Kwinento ko kasi sa kanya ang nangyari kahapon. Nasa canteen kami ngayon kaya naman nang sumigaw siya ay napatingin halos lahat ng tao.

"May pag-aming naganap!" Kinikilig niyang sambit at sisigaw pa sana ulit pero hinampas ko na siya.

"Hindi naman natin alam kung totoo ba yun. Lalo na lasing pa siya nung sinabi niyan yun." Depensa ko.

"Ay oh! Ang nega mo diyan teh! Haler! Diba nga sabi nila na yung hindi mo kayang sabihin sa isang tao, pag lasing ka nasasabi at nasasabi mo pa rin." Pagpipilit niya.

"Kahit na! Malay mo di naman pala para sakin talaga yun. Sadyang ako lamg yung nakita niya kaya niya nasabi yung pangalan ko!" Kung mapilit siya, mas mapilit ako. "Basta di ako umaasa at wala akong pake!" Dagdag ko pa.

"Ay wow teh! No one said na umaasa ka! You're so defensive." She replied with a smirk. You're so doomed, Arzaley.

"Anong gusto mong sabihin ko? Wala naman akong gusto dun eh!" Iritado ko nang sabi.

"Selos ka nga samin eh! Don't deny it, sissy. Nakikita ko yung pagbabago ng mood mo everytime na linalapitan ko siya." She's really determined sa kung ano mang pinaglalaban niya eh noh. Goodness!

"Well, looks like 'di ko na talaga maitatago sa'yo ang matagal nang bumabagabag sa akin ah. Hay! Oo na! I like him! Pero please, sating dalawa lang muna to!" I begged lalo na at alam ko ang style netong kaibigan ko.

"Of course, I told you na your secret's safe with me nga diba!" Sambit niya na may malaking ngiti sa labi. Fck.



MAZEON KACE'S POV

Tulala ako habang nagsasalita ang guro sa harap. Fuck. Should I really confess my feelings now? Don't be a coward, Kace. May gusto na siyang iba, para saan pa kung aamin ako diba? Oo. May gusto si Arzaley at hindi ako iyon. Narinig ko mula sakanya na may gusto siya. Kung sino man yong gusto niyang yun, ang swerte niya!

"Mr. Hidalgo, kung tutulala ka lang at hindi makikinig sa akin, might as well, go out of this room!" Nabalik ako sa aking ulirat nang sumigaw ang aming guro.

"Pasensya na po, Ms." Hingi ko ng tawad.

****

"Chong, okay ka lang ba?" Tanong ni Ethan nang makalabas kami ng room dahil uwian na.

"Dapat na ba talaga akong umamin?" Tanong ko.

"Choice mo yan, bro." Sagot ni Zach sa aking katanungan.

"It's either umamin ka or hayaan mong maunahan ka ng iba, Maze." Dagdag pa niya.

"Oo nga! Atsaka nagawa mo na nga ng isang beses, ngayon ka pa bdjsjajdn." Hindi ko na nainitindihan ang huling sinabi ni Ethan dahil tinakpan na ni Zach ang bibig niya.

Nagawa ko na ng isang beses? Ulit ko sa sinabi ni Ethan. Napaisip ako. Naguguluhan ngunit unti-unting naliwanagan nang bumalik ang mga alaala ko sa mga pangyayari kahapon.

What the fuck? You've got to be kidding me. Ang tanging nasabi ko sa aking utak at dali-daling tumakbo pababa ng building para makalabas na ng campus. Narinig ko pa ang mga sigaw ng aking kaibigan kung saan ako pupunta ngunit hindi ko na piniling lumingo pa sa pinanggalingan.


Nagawa ko na ng isang beses. Buo na ang desisyon ko. Tama si Ethan. Kung nagawa ko na ng isang besed na umamin kay Arzaley edi magagawa ko rin sa pangalawa at sa mga susunod na pagkakataon. Ano naman kung hindi ako ang gusto niya. Malay mo pwede. Maaaring may pag-asa ngunit maaari namang wala. Mas maganda pa ring masabi ko yung nararamdaman ko sakanya. Kahit na hindi sigurado. Well, It's better late than never. Sabi ko hindi ako naniniwala sa kasabihang yan pero simula ngayon mukhang nakain ko na ang mga sinabi ko dati. At dahil yun sa isang babae. Dahil kay Arzaley.









[End of CHAPTER 15]
================================

xoxo

Love at First Sight?! [REVISING]Where stories live. Discover now