Chapter 13

938 22 5
                                    

Play niyo yung song pagdating sa pov ni Zach sdakdel. Btw, happy July!!!




ARZALEY KAYLIE'S POV



"Bwiset ka Zach!! Bat ba bigla bigla ka na lang sumusulpot?!!" Kinakabahan kong sabi.

"Don't worry, Ley. Ang layo-layo ni Mazeon para marinig yung pinag-uusapan niyo ni Ate Alex." Pang-aasar niyang sabi sakin habang natatawa-tawa pa. Lintek!

"So siya pala yun. Hmmm... Pwede na." Sabi ni Ate kay Zach habang tumatango-tango.

"Naks naman! Wala pa ngang aminan, may blessing na ng Ate!!! Kilig ka, Ley?" Patuloy pa ring pang-aasar sakin ni Zach. Napaka talaga netong lalaking to >_<

"Wala ka talagang kwenta eh. Ayusin mo muna yung problema niyo ni Savannah bago mo ko asarin!" Balik ko namang asar sakanya.

"Ang bulok mo Zach ah! 2 years na kaming nasa US nila mama wala pa ring progress kay Sav??" Sabi ni Ate kay Zach na umakting pang disappointed.

"Anong magagawa ko? Hangga't galit siya hindi talaga ako makaka-progress. Kaya nga inaalam ko pa yung dahilan kung bakit na lang niya ko binasted diba?" Pagtatanggol niya naman sa sarili niya. Hmm.. May point siya dun. Kung di niya malalaman kung bakit nagalit nalang bigla sakanya si Savannah, pano siya magsisimula, diba??

"Ang bagal mo naman kasi, lovee!!" Pang-aasar ko ulit. Tinignan naman niya ng masama kaya tumawa ako at nag-peace sign.

"Hahahaha! Naks! Love! Pero seryoso, edi kausapin mo siya! Tanungin mo yung mga dapat mong tanungin! Mag-usap kayo nang kayo lang at wala nang ibang makakaistorbo." Pagpa-payo ni Ate Alex kay Zach.

"Siguro nga. I'll try." Pagsang-ayon naman ni Zach. Anong i'll try sinasabi ng isang to???

"Anong 'i'll try'?!! Gawin mo!!" Sigaw ko sakanya.




MAZEON KACE'S POV



Nakapag-usap na kami ni Zach kanina. Ayos na nga kami eh. Humingi siya ng tawad sa nangyari kahapon kaya humingi din ako ng tawad dahil sa pagseselos ko sakanya. Also, he explained kung anong emergency ba yung pinuntahan nila ni Arzaley. Sinundo pala nila yung parents at sister ni Arzaley. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ang saya saya niya nung nakita ko siyang pasakay sa sasakyan ni Zach. Na-guilty tuloy ako na nagalit pa ko sa kaibigan ko dahil lang sa isang napakababaw na rason. Kasalukuyan akong nakatayo sa loob ng court dahil pinauna ako ng mga teammates kong maligo at ngayon naman, hihintay ko nga sila matapos maligo. May celebration daw na magaganap dahil muntikan na daw kaming matalo pero niligtas ko daw sila. Sus, di naman kami mananalo kung wala sila eh. Naputol ang pag-iisip ko nang may magtakip ng mga mata ko.

"Hey, who are you?" Tanong ko.

"Hmm.." Tahimik niyang pag-hum. Kilala ko na to.

"Savannah?" Tanong ko ulit.

"Wow! Galing manghula ah!!" Sabi niya at ngumiti pagka-tanggal niya ng kamay niyang nakatakip sa mata ko kanina. "By the way, congrats sa team!!" Dagdag niya nang ngitian ko lang siya.

Love at First Sight?! [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon