Chapter 12

860 19 2
                                    

Here's an update dahil cb ng Blackpink kahapon and b-day ni Bo Gum today!! Happy birthday Park Bo Gum!!!



MAZEON KACE'S POV



"Where have you been, Maze?!" OA na tanong ni Savannah.

"Parking lot." Tipid ko namang sagot.

"Anong gin─"

"Ay! Par, sabi pala ni Zach, una na daw sila ni Arzaley. May emergency daw kasi." Putol ni Ethan sa sinasabi ni Sav. Alam ko. Kita ko nga na ang saya saya ni Arzaley papunta sa 'emergency' kuno nila eh.



~~~~*kinabukasan* ~~~~



Maaga kaming pumasok sa school nila Ethan dahil may practice sa basketball bago ang laban bukas. Excused kami sa classes namin kasi dala-dala daw namin ang pangalan ng school namin.

"Akala ko ba may emergency kayo kahapon ni Arzaley, orb? Bakit pumasok ka na ngayon?" Tanong ni Ethan kay Zach habang naglalakad kami papuntang canteen para makanili ng energy drink.

"Bakit? Ayaw mo ko makita? Swerte ka nga at nakikita mo araw-araw yung mukha kong gwapo eh." Sagot ni Zach at nagbatukan na silang dalawa ni Ethan. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at ng makabili na kami ay agad kaming bumalik sa court.



~~~~~



"...Sa team ni Hidalgo ay sina Fernandez, Villaflor, Sta. Cruz, Borja, Villanueva at Chua." Paga-announce ni coach sa mga ka-team ko sa practice. Habang ang mga natira naman ay magsisilbing kalaban namin.

"Flores and teammates, ready na?" Tanong ni coach.

"YES COACH!" Sabay sabay nilang sagot.

"Hidalgo and team, ready?" Baling naman niya samin.

"YES COACH!"



~~~~~



Nasa pangalawang quarter pa lang kami ng practice nang masiko ako ni Zach.

"The fxck!" Sigaw ko sa sakit dahil parang pumutok ang labi ko.

"Sorry pare, hindi ko sin─" Naputol ang sinasabi niya nang kuwelyuhan ko siya. Akmang susuntukin ko na siya nang may pumigil skain kasabay ng malakas na pagpito't sigaw ni Coach.

"TIGILAN NINYO YAN! HIDALGO! FLORES!"



~~~~~



"Ano bang nangyayari sayo, Mazeon?" Tanong ni Coach sakin.

"Pasensya na po coach." Saad ko.

"Hindi ka hihingi ng tawad kay Zach?" Tanong neto at sakto namang bumukas ang pinto at niluwa si Zach.

Love at First Sight?! [REVISING]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt