Chapter 16

400 8 2
                                    

Happy Valentine's Day guys,, sorry sa napakatagal na update.. xoxo




ARZALEY's POV



"ARZALEY!!" Wow trip ba ng mga tao ngayon  na tawagin ako??

"Po?" Sagot ko pagkatapos lingunin ang tumawag na nilalang sakin.

"We need to talk." Ay ang gwapo naman nitong nilalang na to. Idagdag mo pa yung pag-English niya.

"Huh? Bakit, Mazeon? May kailangan ka ba?" Nagtataka kong saad.

"Basta. Mag-usap tayo." Sagot niya. Parang hingal na hingal siya. Ganoon ba ka-importante ang sasabihin niya at mukhang tumakbo talaga siya papunta dito.

"Wait. Aren't we talking na?" Syempre pakipot muna tayo.

"I mean in private. Yung ikaw at ako lang." Aniya at tinignan ako diretso sa mata. Halos matumba na ko. Grabe namang titig yan. Pa-fall.

"Okay. Wait lang." Sagot ko.

"Sav, maiwan muna kita ah. I'm sure naman Zach will be here any minute now. Bye! See you tomorrow!" Pagpapaalam ko kay Savannah.

"Sige, bye!" Sabi niya. Akala ko yun lang yung sasabihin niya kaya nagtaka ako nang lumapit siya.

"Inform me kapag kayo na ah. Magpapa-party ako." Kinikilig niyang bulong sakin tsaka ako kinindatan. Hindi ko siya nabatukan dahil agad siyang lumayo sakin na para bang alam niya nang babatukan ko siya.


***


"Ano ba yung sasabihin mo at parang sobrang importante??" Tanong  ko nang makalabas kami sa campus. Sa coffee shop malapit sa campus na lang daw kami mag-usap.

"Tungkol sa sinabi ko..." Nagtaka naman agad ako. Ang dami-dami niyang sinabi so alin dun?

"Yesterday." Dagdag niya nang mapansin ang pagkalito sa expression ko. Oh no! Naaalala niya na. Akala ko bukas pa niya maaalala eh.

"Ah. Hmm..." Shucks kinakabahan ako. Pano 'pag hindi pala talaga para sakin yun? Ano namang problema dun, Ley. Nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko. Baka nga hindi yun wala lang para sakin.

"I mean it, Arzaley." Napigil ko ang hininga ko dahil sa sinabi niyang yun. Nakaramdam ako ng kiliti sa tiyan ko. So ibig sabihin totoo yung sinabi niya. Para sakin talaga yun? Pinigil ko ang ngiti ko dahil baka sabihin niya hindi ko siya sineseryoso. 

"You mean what?" Tanong ko kahit na alam ko naman ang tinutukoy niya. Gusto ko lang marinig sa kanya yun nang hindi siya lasing.





"Na gusto ko akin ka lang... Kasi gusto kita." AAAAHHHH!! Gusto kong tumili at gumulong-gulong. Gusto niya ko? For real?? Teka nga Arzaley... Bakit ba ganito ka kung maka-react? Hays ewan!

"W-what? Ako?" Tanong ko at tinuro ang sarili.

"Oo. Ikaw." Sagot niya at ngumiti.


"Oh natahimik ka na diyan. Kinikilig ka?" Pang-aasar niya at sinundot pa ko sa tagiliran. Tinignan ko siya nang masama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love at First Sight?! [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon