Chapter 6

1K 32 0
                                    

MAZEON KACE'S POV

Kasalukuyan akong nasa harap ng condominium na tinitirahan ni Arzaley. Hindi pa ko umaakyat. Syempre! Pano ako aakyat kung di ko naman alam yung floor and unit number niya. Ayoko namang hintayin sila. Kaya nga ako pinauna para mabilis and malapit lang ako tapos hihintayin ko sila??
3:15 na pala. Napagdesisyunan kong i-text na si Zach para magtanong.

To: Zachery
"Orb, ano ba floor and unit number?"

Makalipas ang ilang minuto ay tumunog ang phone ko, hudyat na nag reply na si Zach.

From: Zachery
"3rd floor, room 326."

Pagkabasa ko ay agad akong sumakay sa elevator at pinindot ang nasabing floor. Nang makarating sa 3rd floor ay hinanap ko ang room number na sinabi ni Alexander.
Ilang minuto pa kong naghanap nang makita ko na ang hinahanap ko. Nasa harap na ko ng unit niya pero hindi pa ko kumakatok, sira kasi ang doorbell niya. Kung paano ko nalamang sira yung doorbell ay dahil kay Zach. Hindi naman ako stalker no! Hays! Bahala na nga! Kaya naman ay kumatok na ko.



ARZALEY KAYLIE'S POV

*tok tok tok*

Hmm.. Mabagal akong tumayo sa sofa upang buksan ang pinto. Hay salamat! Nandito na siya! Binuksan ko ang pinto at tila ba nawala ang sakit ng ulo ko dahil sa amoy ng pizza. Kinuha ko na kay kuya ang pizza at nagbayad. Tumingin ako sa orasan, buti naman sakto dumating, 3:21. Inihanda ko na ang juice para may partner ang pizza ko. Nagsimula na akong kumain at plinay na ulit ang pinapanood ko kanina.

Kakagat pa lang sana ako sa pang-apat kong pizza nang may kumatok ulit sa pinto. Sino naman kaya ito? Wala naman akong naalalang bibisita sa akin ah? Uminom muna ako nang juice at dahan-dahang tumayo. Medyo nahilo pa ko pero pinagpatuloy ko ang paglalakad papuntang tapat ng pinto ko. Oo nga pala, ipapaayos ko na nga yang doorbell ko. Hinawakan ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Teka lang! Tama ba tong nakikita ko? Nananaginip ba ko? Bakit siya nandito? Paano niya nalaman kung saan ako nakatira? Agad na hinanap ng mga mata ko si Zach pero hindi, wala siya.



MAZEON KACE'S POV


Ang tagal naman nun magbukas ng pinto! Sira pa yung doorbell niya. Naghintay pa ko ng mga ilang minuto at nang buksan na niya ang pinto ay kitang-kita ang gulat sa kanyang mukha. Napansin kong parang may hinahanap siya at napatulala nang ilang sandali nang makitang wala akong kasama.

"Uh... hi." Sabi ko at ngumiti ng bahagya.

"Oh.. hi. Come in!" Wala pa rin sa sariling sabi niya.

"What brings you here? Atsaka pano mo nalaman yung address ko? I mean hindi sa minamasama kong nandito ka ah." She asked at pinaupo ako sa sofa.

"Ah! Nag-aalala kasi sayo si Zach, nag text ka daw kasi sakanya na masama ang pakiramdam mo. Kaya ayun pinapunta niya ko dito kasi daw ako ang pinakamalapit and may gagawin pa daw sila ni Ethan." I explained.

"Sus! Si Zach talaga. Hindi naman malala yung sakit ko. Inabala ka pa tuloy niya. By the way, pizza?" Sabi niya at tinuro ang pizza na nasa table.

"Thanks. Hindi ka naman abala no." Sabi ko pero binulong ko na lang yung huli para hindi maging awkward tsaka ngumiti bago kumuha ng pizza.

"Are you feeling well now?" I asked habang kumakain.

"A little better." Pagkasabi niya nun ay marahan ko siyang hinila at kinapa ang noo't leeg niya. Mainit pa siya.

"Can I enter your room? Just getting something." Tanong ko at tumango naman siya agad. Pumasok ako ng kwarto niya at kinuha ang kumot sa kama niya. Pagkalabas ko ay napatingin siya sa hawak ko. Bago pa siya makapagtanong ay ibinalot ko na yung hawak kong kumot paikot sakanya at pinaupo siya. Sinubuan ko rin siya ng pizza at pinainom ng juice.

"Thank you for taking care of me, Mazeon. Hindi mo naman to kailangang gawin. Kaya ko naman alagaan ang sarili ko." Sabi niya at ngumiti. Yung nakakahulog na ngiti.

"You're welcome. Gusto rin naman kitang alagaan. Mainit ka pa kaya hindi mo maaalagaang mabuti ang sarili mo." Sabi ko at nginitian rin siya. Hay grabe. Ang ganda niya talaga. Ang ganda rin ng ngiti niya.

"Uminom ka na ng gamot. Wait, kaya mo ba? Ako nalang ang kukuha. Umupo ka na lang diyan." Dagdag ko. Tumayo na ko kaya naman di na siya nakaangal pa. Tinuro niya na lang niya kung saan nakalagay. Kinuhaan ko siya ng tubig at binigay iyon kasama ng gamot sakanya.

"Di ka naman pala masungit eh." Sabi niya out of nowhere.

"Huh? Di naman talaga ah." Nakangiti kong saad.

"Eh kasi nung una kitang na-meet, you seemed so bothered by my presence kaya ka umalis." Nako, kung alam mo lang. Natahimik ako saglit pero naghanap din ako agad ng palusot pero di ako makahanap kaya naman...

"Ahh yun ba. Wala yun. Na-bad trip lang ako hehe." Sabi ko nalang.

"Oh, akala ko inis ka sakin eh. So, we're friends?" Yan nanaman yung ngiti niya.

"Yes, of course, we are." Sagot ko at ngumiti din sakanya. Kung pwede lang eh more than friends eh.

"Sorry nga pala nung isang araw ah. Never got a chance to say sorry to you." Ako.

"About what?" Nagtatakang tanong niya.

"Ako yung nakatama sayo nung paper ball nung isang araw pero kay Zach ka nagalit." Pagpapa-alala ko sakanya nung nangyari.

"Yun ba? Wala na yun. Tulad mo nung una tayong nagkakilala, na-bad trip lang din ako." Natatawang sabi niya.

***

"Wait. I'll just check your temperature again." Ako at kinuha ko ang thermometer pero kinuha niya yun at siya na ang nag-check. Humaba na pala ang usapan namin. Hinintay namin tumunog yung thermometer at nang tumunog ay tinanggal niya at pinakita sakin.

"Pawala na pala eh. Buti naman." Sabi ko at pinat siya sa ulo. 37.7 na kasi ang temperature niya.

"Galing kasi ng nag-alaga sakin eh." Sabi niya naman at kinurot ang pisngi ko na ikina-aray ko.

"Araaayy naman!!" Agad naman siyang nag-sorry at tumawa kay kiniliti ko siya.

"MAZEONN!! AHAHHAHA TAMA NA!" Sigaw niya kaya tumigil na ko dahil mukhang hinihingal na rin siya. Ang cute niya.


"Ay! Oo nga pala!" Tumingin ako orasan at nakitang 3:57 na.

"Ite-text ko lang sila Zach. Ang tagal naman kasi sumunod nung mga yun." Tatayo na sana ako para kunin ang phone ko sa gilid na table pero agad rin siyang tumayo at naglakad rin papunta sa kung nasaan ang phone ko. Di niya yata naramdaman na sumunod ako kaya pag-ikot niya ay nabangga niya ako a-at sa di inaasahang pangyayari pati na rin sa lakas nang pagkakabangga niya sakin ay ay....













AY NATUMBA KAMING DALAWA





AT NASA IBABAW KO SIYA!





Love at First Sight?! [REVISING]Where stories live. Discover now