Chapter # 5 Date turn Fight? 2

1.7K 41 0
                                    

Shane's POV

Pumasok na kaming lahat sa loob at padabog Kong binuksan ang pinto na nakakuha naman ng atensyon ng lahat ng nasa loob. Lahat sila at nakatingin sa amin ng may pagkagulat. Kasama na doon ang mga kasalukuyang naglalaban na napatigil sa lakas ng pagbarag ng pinto.

Iniwan ko muna sila Gino at tuloy tuloy akong bumaba papunta sa fighting area at nilapitan ko ang taga anunsiyo.

Agad siyang napayuko ng makalapit na ako sa kanyang harapan.

"Kinalulugod ko po kayong makita Queen Sam. Mayroon po ba akong maipaglilingkod sa inyo?" Tanong niya.

"I would like you to announce a fight between the GD gang and the Venom guild" sabi ko sa kanya.

"P-pero Queen, Hindi po maaaring icancel ang fight ngayong araw" napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Sinusuway mo ba ako?! " pasigaw na tanong ko sa kanya na dahilan ng pag-atras niya sa takot.

"Hindi naman po sa ganon, Queen. Pero ayon po sa patakaran at hindi pwedeng----" pinutol ko ang sinasabi niya as pamamagitan ng pag tutok ng baril sa mukha niya.

"At sa tingin mo ba may Pakielam ako as rules na yan? Mamili ka. Buhay mo o gusto ko?" Banta ko sa kanya.

Hindi siya nakasagot at napayuko mukhang mahirap sa kanya nag pagdesisiyon kaya naman.....

*Bang*
*Bang*
*Bang*
*Bang*
*Bang*

Gulat na nakatingin lang sa akin ang MC. "B-bakit Queen Sam?" Nanginginig na sabi Niya.

Lumapit ako sa kanya para marinig ako ng mabuti at ibinulong sa kanya ang mga salitang....

"Ang sabi mo ay bawal kong pigilan ang game o ang fight na kasalukuyang nangyayari. Adi... tinapos ko nalang..... Ngayon... May reklamo ka pa ba? O baka naman gusto mong... pati ang buhay mo ay tapusin ko na?" Bulong ko sa tainga niya at tumingin sa kanya ng diretso sa mata.

Napayukom ang mga kamao niya at kitang kita mo ang takot sa mga mata niya. Hindi na lang siya nagsalita atsaka pumunta nalang ulit sa gitna para i-announce ang laban.

"Today... We have an unexpected fight between the Venom Guild and the GD guild! Presenting the team of viper cobra gang... And the DAM gang! The game is between 3 vs 1 lets expect a good fight everyone!" Malakas na anunsiyo niya. At narinig narin na naghiyawan ang mga tao. Ibinigay ko naman agad kay Gino ang weapon belt ko. At ipinahiram ang patalim ko. Ngumiti naman siya sa akin.

Nagsimula na silang umayos sa kani kanila nilang pwesto at ako naman ay naupo kung saan makikita ko sila ng maayos.

Ngumiti nalang ako habang nakatingin sa kanila... I will expect a great game.

Gino's POV

Ibinigay na sa akin ni Shane ang mga gamit niya at saka na kami pumunta sa kanya-kanya naming pwesto. Ilang saglit lang ay nag start na ang laban.

Naunang sumugod sa akin ang mga bata ng g*go. Iniwasan ko lang ang bawat pag ataki na ginagawa nila. Mabilis ang pagkilos nila at marami rin sila kaya't hindi lahat ng iyon ay naiwasan ko. Pero kinakaya ko kung mayroon mang tumama sa akin. Hindi ko na pinatagal at naglabas na ako ng patalim ng makita kong inilabas nila ang kanilang mga kutsilyo. Sumugod sa akin yung naka green na buhok at saka ako inataki ng pagsaksak, lahat ng iyon ay naiwasan ko at ng makakuha din ako ng tsempo ay nahiwa ko ang bandang tiyan niya na nagpatumba sa kanya. Agad naman sumugod sa akin yung isa at pinaulanan din ako ng suntok at tadyak pati narin ang pag atake niya sa akin ng patalim. Nadaplisan ako ng kaunti sa balikat pero hindi rin nagtagal ay itinurok ko na sa baiwang niya ang patalim na ibinigay sa akin ni Shane.

Tumititig ako ng diretso sa leader nila na nagtangkang agawin ang girlfriend ko. Kita sa mata niya ang takot at kaba pero mulhang hindi niya ipinahahalata sa mga tao. Tumakbo siya papunta sa akin dala ang isang patalim idiniretso niya ito sa mukha ko pero agad ako umiwas dito at pumunta sa likuran niya. Balak ko na sanang saksakin ang likuran niya ng supain niya ang kamay ko na dahilan ng pagkabitaw ko sa patalim na hawak ko. Ako naman sana ang sasaksakin niya ng hawakan ko ang kamay niya para pigilan ang binabalak nito. Pinalipit ko ang kamay niya dahilan ng pagka bitaw niya sa dala dala niya. Susuntukin niya sana ako ng pigilan ko pa ang isa niyang kamay at itinulak siya patalikod. Ako naman ngayon ang lumapit sa kanya at pinaulunan siya ng suntok at sipa. Na miss kong gawin ito. Natigil din kasi ako sa paglaban simula ng dumating ang sasy-l dahil sa sila ang mas malakas kaysa sa grupo namin. Sila ang laging lumalaban sa iba't ibang guild. Kaya't pilit kong hinanap noon ang tunay na pagkatao ng leader nila na umalis aa grupo. Hindi rin namin alam na ang kapatid ni Justine na si Shane ang namumuno dito. Kaya't hindi ako makapanuwala noon na ang isang nerdo na katulad ni Shane noon ang nakatataas sa isang buong guild.

Ng mapansin kong napapagod na ang katawan ko ay kinuha ko na ang isang maliit na kutsityo at itinurok na ito sa leeg niya.

Nakatingin pa siya sa akin habang nanginginig ang katawan niya. Ngumiti lang ako sa kanya ng may halong pang-aasar. "Salamat sa magandang laban bro. Namiss kong manuntok ng totoong tao" sabi ko sabay ngisi ng mapanood ko ang unti unti niyang pagpikit at paglaglag sa lupa.

Agad ding lumapit sa akin ang MC at itinaas ang kamay ko. "The winmer of this fight is... The DAM gang from the GD Guild!" Sigaw ng MC at nagsitayuan naman ang tao at sumigaw ng may haling saya. Mukhang hindi lang ako ang nag enjoy sa laban ko.

Tumingin agad ako sa gilid ko at nakita ko si Shane na nakangiti sa akin. Pinuntahan ko agad siya at nginitian ng nakakaloko. "Did you like my fight?" Tanong ko sa kanya ng may ngiti sa labi.

Ngumiti siya sa akin ng at hinawakan ang pisngi ko pero agad naman din siyang sumimangot at tumingin sa akin ng masama. "No! Look at you. Ang dami mong pasa at may sugat ka pa sa braso. Akala ko ba naman yakang yaka mo na sila. Ano ngayon sasabihin ko kay tita pag nakita niya ang pasa mo na iyan?" Inis na sabi niya.

Ngumisi nalang ako sa kanya. "Wag ka ng masyadong mag alala sa akin baby ko. Ayos lang ako" sabay hawak sa kamay niya.

"Tsk... ewan ko sayo" sabi niya sabay lakad palabas ng underground. Sinundan ko siya agad at nadatnan na naka sandal sa motor ko. Napangiti ako sa kanya ng nakita siya na nakatingin din sa akin.

Lumapit ako sa kanya na sa sobrang lapit ay pwede ko na siyang halikan.

"Lumayo ka ng konti sa akin" mahinang sabi niya.

"Bakit naman? Wala ba akong price sa pagkapanalo ko?" Sabi ko sabay pout sa harapan niya.

Pinalo naman niya ang labi ko. "Wala! Ang dami mong pasa eh!" Sabi niya sabay talikod sa akin. Pero hindi ko siya pinatakas at hinila ang kamay niya papalapit sa akin at inilapat ang aking mga labi sa kanyang matamis na labi. In just a second I felt her kissing me back. It was gentle and passionate. I didn't know how long we did that kiss. Ako na mismo ang pumutol sa halik namin at kita ko rin ang paghahabol niya ng hininga. Ngumiti ako sa kanya at isinoli ang mga gamit niya na ipinahiram sa akin.

"Thanks for the great night baby" I said and placed a kiss on her chick.

Inilagay niya na agad sa bag niya ang weapons niya at isinuot na ulit sa kanya ang weapon belt niya. She always bring her weapons  anywhere she goes. Sabi niya... in case daw na mapaaway siya... kasi hindi maiiwasan iyon lalo na't short tempered siya. Sa aming mga ka close lang talaga niya siya mapagpasensiya. Lalo na sa akin. And that's the other reason she gave me to love her more.

I kissed her forehead and ride into my motorcycle. She did the same and wrap her arms around my waist holding it tight. I smilled before starting the engine and drove to her house to get her things.

I cant wait to wake up tomorrow with her by my side....

to be continued......

Sorry guys for the late update... but I hope you enjoyed the chapter 5. Let me know in the comments... see you in the next chapter

The Life of the Gangster QueenWhere stories live. Discover now