Chapter # 11 Punishment 2 (Punishment nga ba?)

1K 31 1
                                    

Gino's POV

"Snorkeling tayo ngayong araw guys. Sasamhan tayo ni manong Ferdy sa lugar na pag-snorkelingan natin. Siya din yung mag drive ng boat na gagamitin natin mamaya para lumibot sa buong isla kasama ang dalawa niyang anak. Sina John at Kevin" pagpapakilala ni Anica sa mga kasama niya.

Napatingin ako doon sa dalawang Lalaki na anak ni Manong Ferdy at nakatuon ang pansin nila kay Shane kaya naman inakbayan ko si Shane at tumingin sila at nagsasabing 'She's Mine' kaya naman umiwas din sila ng tingin at tumuon nalang ang pansin sa ama.

"So this time, mga naka rushguard tayong lahat. Para di tayo mangati sa tubig. Medyo matagal kasi ang pag-snorkeling natin" paalala ni Anica at binigay na sa amin yung mga rashguard na gagamitin namin.

Pumunta kami sa mga changing room at isinuot ang rushguard. Magkakasama ang boys at syempre nakahiwalay ang mga girls.

Pagkatapos ay nagkita kita kaming lahat sa labas ng penthouse. Gulat naman akong nakita na nakamahigsing shorts lahat ng girls na talaga namang hindi naging maganda ang pananaw ko.

Medyo naka kunot ang noo ko, pero ng makita ko si Shane na nakatingin sa akin ng may pag aalala ay parang bumalik ako sa realidad. Ayoko ng maulit yung nangyari kahapon.

Ngumiti ako sa kanya at nilapitan siya para hawakan ang mga kamay niya at naglakad na kaming lahat papunta sa bangka na gagamitin namin para sa snorkeling.

Ilang saglit lang ay nakapunta na kami sa bangka at inilibot na kami sa buong isla.

"Alagang alaga po mg mga magulang nila Ma'am Anica at Ma'am Sally ang isla. Taon-taon ay nagpapadala sila ng mga tao na mag aayos dito. Lilinisin ang mga kalat at papalitan ang mga punong nasisira" pangunguna ni Mang Ferdy. "Matagal tagal na rin po simula ng huling nagbakasyon dito ang pamilya nina Ma'am Sally at Anica. Kaya isang kagalakan po namin at nagbakasyon muli kayo dito" nakangiting sabi ni Mang Ferdy.

"Wag kayong mag alala Mang Ferdy. Tuwing bakasyon ay pupunta muli kami dito" nakangiting sabi ni Sally.

"Nako ma'am mabuti naman po kung ganoon dahil. Parang wala din po kasing kwenta itong isla kahit na sobrang linis kung wala man lang dadalaw o maninirahan dito" sabi ni Mang Ferdy ng may ngiti sa mata.

"Bakit? Ilang taon na po bang walang nagbabakasyon dito?" Tanong ko.

"Nako ijo. Mga bata pa itong mga ito ng huli ko silang nakita kaya naman natuwa ako ng makita ko silang muli dahil halos malakihan na nila ako" masayang sambit niya at tumawa pa ng bahagya.

Hindi naging boring ang buong byahe dahil sa mga nakakaenganyong kwentuhan namin kasama si Mang Ferdy at dahil sa pagkalibang ay hindi namin napansin ang oras at parang saglit lang ay nakarating na rin kami sa isang bahagi ng isla na sinasabi nilang napakarami mong makikitang isda at mga malalaking pagong.

Bumaba na kami agad sa bangka at ibinigay din sa amin ang mga kakailanganin sa pagsisid sa ilalim ng dahat upang makita ang ibat ibang isda.

Ng maisuot na namin ang mga ito ay tatalon na sana kami sa tubig. Lahat ay nakatalon maliban sa akin dahil sa paghila sa akin ni Shane at pagpigil.

"Gino... ano kase..." parang nahihiya pang sabi niya.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ka at hinarap siya ng maayos.

"Ano kasi... hindi ako marunong lumangoy. Second wish ko sana sayo kung pwede... wag ka aalis aa tabi ko" nahihiyang sabi niya. Bahagya naman akong natawa at ngumiti sa kanya.

"Alam mong kahit na hindi mo na hilingin ay sasamahan parin kita at hindi kita iiwan. At dahil gusto kong mabilis na tayong magbati ay gmbawas na yan sa limang wishes mo. Tatlo nalang ang natitira ngayon. Ngayon... hawakan mo muna ang kamay ko at wag kang matakot kasi hindi ako aalis sa tabi mo at hindi kita pababayaan" nakangiting sambit ko sa kanya.

Inalay ko ang kamay ko at kaagad naman niya iyong hinawakan at sabay na kaming lumusong sa tubig. At dahil sa goggles na suot namin ngayon ay nakikita ko parin siya at nakikita kong natatakot siya kaya naman bumapit na ako sa kanya at hawak ko ang baiwang at balikat niya para alalayan siya sa paglangoy. At sinenyasan na wag na siya mag alala kasi nandito lang ako. Ramdam ko ang kaba niya dahil sa mahigpit na paghawak niya sa kamay ko na nakahawak sa kanya pero unti unti din namang nawala iyon ng parami ng parami ang nakikita naming napakagagadang mga isda na may sari saring kulay. Nakita ko sa mukha niya ang mga ngiti sa labi na talaga namang ikinasaya rin ng puso ko.

Nakikita namin ngayon ang magaganda at makukulay na isda. Kasama na dito ang mga malalaking pagong na sobrang cute kung tingnan kahit na malaki sila.

Naging masaya ang lahat sa pag snorkling namin. Pero mas masaya ako dahil hindi ko nararamdaman na punishment ang wish niya sa akin kanina. Masaya ako ngayon. Hindi siya lumalayo sa tabi ko at hindi rin siya nagsusungit kahit na alam kong nagtatampo siya sa akin.

"Nako guys. Nakakagutom masyado yang pag sisid natin. Lahat po ng boys paki tulungan naman po sina Mang Ferdy sa pagbubuhat ng basket at mat natin. Para hindi naman tayo nakasalampak sa buhangin" sabi ni Anica at Agad naman kaming sumunod.

This days napapansin kung pwede sa leadership si Anica. Siya ang nagsisilbing leader at parang nanay namin ngayon haha...

Pero mas gusto ko parin ang Pagmamayari ko na. Wala nang mas hihigit sa kanya. Siya lang talaga... wala ng iba......

To be continued......

Sorry guys for being slow na sa update ngayon. Alam niyo naman ang hirap ngayon. Busy na sa studies. Buts still, I will do my best para makapag update nang mas maaga... chat with you guys on the next chap.

Chao!!!

The Life of the Gangster QueenWhere stories live. Discover now