Chapter # 10 Punishment 1

1.1K 29 1
                                    

Gino's POV

Bigla naman akong na guilt dahil hanggang ngayon hindi ko mapigilin na magalit sa sarili ko sa tuwing maalala ko ang pagtulo ng luha ni Shane na ako ang dahilan.

"Ang tagal naman ni Shane. May balak pa bang magswimming yun?" Reklamo ni Anica habang nag swi-swimming

"Ewan. Sabi niya magpapalit lang daw siya diba?" Si Sally na nagswi-swimming din kasama sila Justine, Kuya Gio at Cian.

"Para ka kasing tanga bro minsan e. Bakit nagalit ba kami pag nakikita mong naka swimsuit din yung mga girlfriend namin. At saka private beach ito. Walang ibang mamamantasya sa kanya dito. At kaibigan ko kaming lahat. Wala kaming balak na masama kay Shane" si Robin na naka akbay kay Lyka na ang sama din ng tingin sa akin.

Si Mark nakahiga lang sa sand. Sa ilalim ng malaking payong. Si Ynna naman ay nakaupo lang sa sand at nakatingin sa kalawakan.

Napatingin nalang sa penthouse. Mag swimming pa kaya siya? Gusto ko panaman siya makasama buong araw.

Natigil ako sa pag iisip ng marinig ko ang malakas na sigawni Justine.

"Hoy Gino! Puntahan mo nga yung kapatid ko! Tutal ikaw naman ang dahilan kung bakit nag walkout yun. Kapag di mo siya nadala dito wag ka ng babalik kung hindi papakain ko sayo lahat ng buhangin dito sa isla!" Sigaw niya.

Maluwag sa loob naman na sinunod ko ang inutos niya dahil tama naman siya. Kasalanan ko kung bakit umalis si Shane.

Pag punta ko sa penthouse ay pumunta agad ako sa kwarto nila Shane at pagkapasok ay agad ko siyang nakita na nakahiga sa kama.

Sinarado ko ang pinto ng makapasok at lumapit sa kanya. Nakapikit ang mga mata niya at kita pa ang mga luha dito. Napasapok nalang tuloy ako sa sarili ko at gusto kong iumpog ang sarili sa pader.

Ang sama ko! Pinaiyak ko siya...

Hinawi ko ang buhok niya at pinunasan ang luha sa mga mata niya. "Sorry kung pinaiyak kita. Ang totoo natutuwa ako na makita ka na nagsuot ng ganon para sa akin. Nainis lang ako at nagalit ng marinig ko ang mga papuri ni kuya at ng Cian na yun sayo. I'm sorry. Promise, bukas, babawi ako" sabi ko at hinalikan ang noo niya.

Paalis na sana ako ng marinig ko ang tinig niya.

"Gino?" Tumingin sa nagkukusot ng mata na si Shane.

Lumapit ako agad sa kanya at naupo sa tabi ng kama niya. "I'm sorry" sabi ko. Pero Hindi parin nun naalis ang lungkot sa mga mata niya na para bang may hinahanap pang iba aa mga sinasabi ko. "I'm sorry for yelling at you. Hindi ko ginustong sigawan ka. Nagselos lang ako na mayroong ibang nakakakita na nakasuot ka ng ganon. Gusto ko ang suot mo. Nagseselos lang ako. Wag ka nang magtampo sa akin please..." malambing na sabi ko at napangiti naman siya na dahilan din mg pagngiti ko dahil sa wakas ay nawala na ang lungkot sa mga mata niya.

"Bati na tayo?" Nakangiting tanong ko.

Sumimangot naman siya. "Hindi! Kailangan mo paring alisin ang pagkainis at pagtatampo ko sayo" kunot noong sabi niya.

"Tell me what to do and you'll have it" sabi ko sa kanya.

"Gusto kong tuparin mo ang five wishes ko" seryosong sambit niya.

"What?! Ganun karami?!" Gulat na tanong ko.

"Ayos lang naman kung ayaw mo. Ang kapalit nun. Hindi kita papansinin for the whole vacation"

"No! Ayoko! Torture ang gagawin ko sakin pag nangyari yun"

"Kung ganon mamili ka. Tutuparin mo ang five wishes ko o walang pansinan for the whole vacation?"

"Alright! I'll do your wishes!"

"Great. Now, leave the room"

"But---"

"No buts! Magpapahinga na ako. Pagod din ako sa byahe at wala na ako sa mood para mag swimming. Ikaw nalang ang magswimming"

"Hindi ako makakapag swimming kung wala ka. At isa pa, lagot ako sa kuya mo kapag nagpunta ako doon ng wala ka"

"First of all, hindi ko hawak ang paa at kamay mo para hindi ka makalangoy. Pangalawa, Hindi ko kontrolado si Kuya at ang mga pagbabanta niya. Kaya bahala ka ngayon sa buhay mo" sabi niya at nahiga na sa kama niya.

Wala na akong nagawa at lumabas na ng kwarto nila at pumasok na sa kwarto namin at nagbihis at namahinga nalang din. Babawi nalang ako sa kanya bukas...

ZZZZzzzzzzzzz..........

Kinabukasan.....

*blang! blang! blang! blang!*

Nagising ako sa malakas na pagkalampag ng takip ng kaldero at mabilis na napatayo sa kama ng dilat na dilat ang mata.

"Gumising ka na diyan at magluto ka na. Ang first wish ni Shane ay magluto ka ng umagahan habang hindi pa siya nagigising" sabi ni Justine at lumabas na ng kwarto.

Agad naman ako nagpunta ng banyo para mag hilamos at mag toothbrush. Lumabas na ako agad at nagpunta sa kusina para magluto.

Kinuha ko agad ang itlog, kamatis at sibuyas para gumawa ng scrambled egg at kinuha ko narin ang hotdog at bacon tsaka ito iniluto.

Ilang saglit lang ay nayari narin ako at inilagay ko ito sa mesa. Inayos ko narin ang mga plato at kutsara. Nang matapos ay saktong nagsidatingan na sila.

"Wow! Sarap niyan ah? Ano nakain mo Gino at ikaw ang nagluto ha?" Pang asar ni Robin.

"Punishment yan ni Shane" sabi naman ni Justine at naupo na sa tabi ni Sally. Kumpleto na ang lahat maliban kay---

"Buti naman nasabi agad sayo ni kuya, kung hindi mas malupit na punishment ang kapalit niyan" si Shane na kadadating palang.

Umupo siya agad sa tabi ko atsaa kumuha ng pagkain. Tinikman niya ito atsaka tumingin sa akin.

"Magaling ka naman pala magluto e" sabi niya at ngumiti" kumain narin ako at pagkatapos ay sila Robin at Lyka nalang ang naghugas ng pinagkainan namin.

Lumabas muna kami ni Shane para libutin ang beach at magpahangin tutal ay maaga pa.

"Galit ka pa ba sakin?" Tanong ko.

"Hindi naman ako nagalit sayo. Nagtampo lang" mahiang sambit niya. Sapat na para marinig ko.

"I'm sorry sa inasal ko kahapon"

"Don't say sorry. Wala naman ng magagawa yun. Nakalipas na yun at nangyari na. Hindi na yon mababago. Ang tanging magagawa mo nalang ngayon ay bumawi sakin para matanggal ang inis at pagtatampo ko" aniya at ngumiti.

"I will do everything para bumawi sayo. Pangako"

"Wag kang mangako. Gawin mo"

"Mmm... cge. Ano--- can I ask a favor?" Tanong ko. Sana pumayag.

"As long na hindi naman masama, Bakit hindi?" Sabi niya at ngumiti.

"Can I hold your hands?"

Nakangiting tumango naman siya sa akin kaya naman agad kong hinawakan ang kamay niya at ngumiti ng malawak sa kanya. Bumalik natin kami agad sa penthouse house ng tumawag si Lyka kay Shane at sinabing mag snorkeling na daw kami...

I wish I can do all her wishes in one day para mapabilis na ang pag babati namin....

To be continued...

Hey readers... I want to represent Choi Minho of Shinee as Gio Argente and Jackson Wang from GOT7 as Cian Van Delence. Picture at the top (^_^)⬆⬆⬆⬆

The Life of the Gangster QueenWhere stories live. Discover now